IKA PITONG KABANATA- ANG DALAGA SA LARAWAN

6 0 0
                                    

Matapos maglakbay ng halos isang araw, tumigil ako sa isang inn. Swerte at napunta ako sa bayan na tinatawag na Galssop. Nakakuha rin ako ng mapa ng kontinente na ito para malaman kung saan ako papunta.

This town is full of hunters, mercenaries and traders.

I'm sure puno ng mga kalalakihan ang inn na ito. Itinali ko sa Isang stable si Tala at inayos ang kapa na suot. Pumasok ako ng inn at hindi nga ako nagkakamali, puno ng mga lasenggo ang inn na ito at nag iinuman.

Ang nakaka kaba lang is Pag pasok ko ay nagsitinginan sila at tumigil sa ginagawa.

Kahit kinakabahan ay nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang Maka abot sa counter. Umupo ako sa harap ng bartender.

"Ano ang nais mong bilhin, binibini?" Anya ng nagbabantay

Napatitig ako rito, mataba ito at wala nang buhok sa ulo Pero may bigote pa ito sa baba na tinali niya pa.

Sinabi ko rito ang order ko kaya umalis na ito. Ngunit maya-maya lang ay may tumabing lalaki sa akin, Amoy alak ito at may bitbit pang baso ng alak sa kamay.

"Maaari bang malamang ang pangalan mo, binibini?" Tila lasing nitong anya

Gusto kong masuka sa amoy ng hininga nito kaya napalingon ako sa ibang direksyon.

I bought a knife for my protection, Pero hindi ko maisip na magagamit ko iyon.

"Wala akong panahon para makipag-usap sa iyo." Pagtataboy ko rito

Humalakhak naman ito sa gilid ko at pinapalo pa ang lamesa sa harap namin.

"Yan! Yan ang gusto ko! Hindi madaling makuha!" Humalakhak pa ito lalo

Naririndi na ako. Wala bang security dito?

"Heto na ang order mo, binibini."

Dumating ang order ko kaya pinagpasyahan Kong huwag itong pansinin at minabuti na lamang na kumain dahil malayo pa ang lalakbayin ko. I'm so glad to have a map. I'm good at navigating so there's nothing to be worried about. Ang tanging iniisip ko lang ay baka makasagupa ako ng tao kagaya ng lalaki sa gilid ko ngayon.

Konti lang naman ang inorder ko kaya ilang minuto lang ay naubos ko na iyon. Tumayo ako at tumayo din ang lalaking naki upo sa akin kanina pa.

"Teka, saan ang punta mo? Magliliwaliw pa tayo hindi ba?"

Inakbayan ako nito na siyang ikinagulat ko.

Pilit kong inalis ang mabigat nitong braso pero mas lalo iyong bumigat sa balikat ko.

I grunted.

Napalingon ako sa bartender at napansing tila wala itong pakialam sa nangyayari.

Oh God. I forgot that everything in this world is different.

Hinila ako nito sa Isang sulok na hindi ko napigilan. He's way too strong for me. I want to curse!

Sapilitan Niya akong iniupo sa Isang silya kaya napadaing ako sa sakit dahil hinawakan niya ang may mga pasa ko pang braso.

"Ganyan! Umupo ka ng maayos, binibini. Oh heto."

May inabot itong baso na gawa sa kahoy at nalaman ko agad ang
nilalaman ng basong iyok.

"Hindi ako umiinom."

Sa kabila ng takot ay nagawa ko pang magsalita. Wala naman akong magagawa, kailangan ko lang silang lituhin at ibaling ang atensyon nila sa iba para makaalis ako.

Malapit na ako makalabas sa border ng Curran. Pagkatapos non ay don magsisimula ang totoong paglalakbay ko papunta sa kaharian ng Solime.

Iyon ang nakita ko sa mapa na inabot sa akin ni Holt. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko sila. They gave me knowledge about this place. Inabot lang sa akin yon ni Holt bago ako makalabas ng bayan ng vendoz.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 7 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VILLAGE PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon