UNANG KABANATA- KAKAIBANG LUGAR

8 1 0
                                    

MABIGAT ang mga mata na iminulat ko ang mga ito at bahagyang nagulat sa sumalubong sa aking tanawin.

Madaming tao, nakasuot ng maruruming damit. Nakaupo sila sa bawat gilid, gayun din ako.

Tahimik ang mga ito sa silid na aming kinaroroonan. Oo isang silid, silid kong saan kami ay naroroon at tila mga tinipong palaboy sa lansangan.

Marurumi ang mga mukha at kamay pati na ang mga damit pang itaas gayun din ang pang ilalim. Hindi ko mapigilang mabagabag gayung ako ay natulog sa aking kwarto ngunit nagising sa isang silid na kailan man ay di ko nakita sa aking buong buhay.

Rinig ko ang marahang pag hikbi ng isang babaeng di kalayuan sa akin, mayroon itong benda sa dalawang kamay habang pinupunasan ang mga nagaagusang luha sa pisnge. Tinignan ko ang kabuuan ngunit nagulat na kapareho ko ng damit ang mga
taong naririto sa silid.

Nakapkap ko ang mukha at may nakuhang dumi mula doon. Putik. Ganun din ang aking mga damit, puno ng putik na di ko alam kung saan nanggaling.

Biglang bumukas ang pinto ng silid at halos lahat ng aking mga kasama ay nasindak at tila napatalon sa bawat kinauupuan. Pumasok mula doon ang tatlong lalaki na nasa malinis nilang kasuotan at inilibot ang kanilang mga tingin sa amin.

Tinitigan kami bawat isa ng tatlong pumasok.

"LABAS NA!"

Sindak at utos ng isang kasama nila na siyang tinugunan ng mga taong naririto dahil sa agaran nilang pag tayo at pag
sunod na lumabas.

May iilan pa na hinihila ng mga ito para madaliing lumabas. Halos lahat na ata ng tao kanina na naririto ay lumabas na at nang mapansin ng isang lalaki na pumasok sa loob na tila hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ay mabilis nitong hinila ang aking buhok at pwersahang itinayo.

"Bingi kaba?!"

Sigaw nito sa aking tenga. Mabilis akong napapikit sa sakit mula sa aking anit dahil sa pagkakahila nito ngunit agaran na iminulat ang mga mata.

Bago pa ako maka react ay itinulak na nito ako palabas at isinama sa kumpol ng mga tao.

Namangha ako... hindi, ang ibig kong sabihin ay nabaguhan sa kabuuan ng lugar. Isang lugar na hindi ko kailan man
napuntahan. Ang mga bahay ay gawa sa bato, ito ba ay semento o bato? Mapuno at tila kakasikat pa lamang ng araw.

Naguguluhan na inilibot ko ang mga mata sa paligid.

Isang panibagong lugar.

"What am I doing here?"

Naibulong ko sa sarili dahil sa sobrang gulat.

Narinig iyon ng aking katabing babae at tinignan ako ng namamangha.

"Baguhan kaba dito?"

Tinitigan ko ito ng ito ay magtanong sa akin. Siya yung babaeng may benda sa kanyang mga kamay at umiiyak kanina.

"Hindi ako taga rito." kumawala sa bibig ko.

Oo tama, hindi ako taga rito. Paanong nangyare na magising sa lugar na ito? Natutulog lamang ako sa aking kwarto ngunit paanong nandirito ako?

Narinig kong natawa ng mahina ang babae.

"lahat tayo ay hindi taga rito. Pero wala tayong magagawa kundi sundin ang mga utos nila."

Kumunot ang aking noo sa kanyang sinambit.

"Anong ibig mong sabihin?"

Tila naguguluhan kong sambit.

"Alipin na tayo. Wala na tayong karapatan sa ating sarili. Dahil kapag tayo ay lumaban, tayo lang din ang masasaktan. Dahil mahina lang tayo, wala tayong kakayahang lumaban. At alam ko din na ganun ang nangyare sayo kaya ka narito. Dahil mahina ka."

VILLAGE PRINCESS Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora