Chapter 42 - Heart to Heart

371 31 7
                                    

Roni's Pov

Na alimpungtan ako sa pagtulog ko nang may maramdaman ako yumakap sakin, sisigaw sana ako nang makita ko sino yung yumakap sakin. Nakita ko si Borj mahimbing natutulog sa tabi ko. Medyo yung ulo ko sumasakit at may hangover pa. Ina alala ko yung nangyari kahapon at bakit kami nasa di pamilyar at iisang kwarto at parihong nakahubad.

Hanggang  sa na alala ko yung confession ni Trisha hanggang paano kami umabot sa ganito. Nang maalala ko yun parang lahat ata nang dugo ko pumunta sa mukha ko. Shit ang tanga mo Roni ang rupok mo at worst sinuko mo bataan mo kahit wala kayong label. Tiningnan ko ang wall clock sa kwarto 4 am palang, kailangan ko na maka alis dito, ayoko malaman nang barkada yung nangyari lalong lalo na si Kuya. Dahan dahan ko inalis yung kamay ni Borj pero nahihirapan ako kasi ang bigat niya, malapit ko na matanggal yung paa na nakapatong nang bigla nagsalita.

"Roni dito ka muna, wag kang umalis" - Borj

Tiningnan ko siya pero nakapikit parin, kaya hinawi ko na yung paa niya nang tatayo na sana ako bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinila niya ako pahiga at yinakap.

"Please Roni wag ka umalis mag usap muna tayo" - Borj

Napabuntong hininga nalang ako, at tsaka napag isip isip na ito na talaga ata yung hinintay ko na closure kaya huminga nalang ako nang malalim at sinabi na.

"Cge Borj mag usap tayo, pero magbihis muna tayo. Di kaba na awkward?"

"Hmm di naman ganda kaya" at nag taas baba pa nang kilay at ngumingiti

Kaya hinampas ko siya nang unan at sinabing manyak.

"Hoy hindi ako manyak noh, tsaka totoo naman" - Borj

"Tumigil kana Borj at magbihis nako, pumikit ka at tatayo ako at wag na wag mo subukan manilip"

"Bakit ba Roni e nakita ko naman yan kaya okay lang" - Borj

"Isa Borj, hahampasin talaga kita"

"Oo na ito naman di mabiro" - Borj

Pumikit na si Borj at ako naman tumayo at pinulot ko yung mga damit sa sahig at pumunta sa CR.

Pagpasok ko nang cr tumingin ako sa salamin at shit ang dami ko kiss mark sa may dibdib at tiyan ko. Borj tangina ka talaga pano ko to itatago pag nag swimsuit ako. Nagbihis lang ako tsaka nag mumug at lumabas na din. Si Borj naman naka bihis na at naka upo sa kama.

"Roni pwede ba tayo mag usap" - Borj

Ngayon seryoso na si Borj at alam ko need talaga namin mag usap.

"Hmmm ano ba pag usapan natin Borj?"

"I guess madami Roni, unang una. I'm sorry at hindi ko nagpigil na may mangyari satin pangalawa, I'm sorry at pinaasa kita at nasaktan. I'm sorry Roni kasi na duwag ako, I'm sorry sa lahat nang sakit na naramadaman mo dahil sakin, alam ko Roni alam na alam ko Roni ano yung naramdaman mo simula nang umalis ko, kung naalala mo pa yung diary mo diba binigay mo yun kay mommy para mabigay sakin, nung una ayoko talaga basahin yung diary kasi baka ma confused lang ako, kasi merong Trisha. Pero nung nagkalabo.an kami ni Trisha dun ko nag lakas nang loob na basahin ang nilalaman non, at nahanap ko yung sagot sa naramadaman ko. Hindi nawala yung pagmamahal ko sayo Roni, natabunan lang siya nang pagmamahal ko kay Trisha kasi siya yung nandyan nung mga panahon na gustong gusto ko na bumalik sa pilipinas. Mahal kita Roni simula noon hanggang ngayon Hindi nag bago at I'm sorry na it took years para ma realize ko na wala na talaga papalit pa sayo."

Habang nakikinig ako kay Borj naramdam ko yung sincere niya at the same time natunaw yung puso ko pero nanaig parin sakin ang takot na what if mag commit ako tas aalis nanaman siya.

"Uy Roni sumagot ka naman" - Borj

"Sa totoo lang Borj masaya ako na nagkaroon tayo nang time na tayong dalawa lang at nasabi mo yung gusto mo sabihin, pero I'm sorry Borj, natatakot parin ako sa pwede mangyari If mag commit ako, baka biglang ka naman umalis ulit, pagod na ako humabol. Mas nangingibabaw yung takot ko keysa pagmamahal ko sayo"

"Roni hindi kita pipilitin na ibalik yung pagmamahal mo sakin, hayaan mo lang ako na patunayan sayo na ngayon hindi na ako duwag sa pagmamahal ko sayo, bigyan mo lang ako nang chance na patunayan yun" - Borj

"Gawin mo Borj, sana hindi ka lang puro salita"

"Thank you Roni, di mo lang alam gano ako kasaya ngayon" sabay yakap sakin ni Borj kaya tinapik ko siya

"Ahem Borj, masyado ka naman ata nachansing niyan, at sana Borj walang makakaalam sa nangyari ngayon, Hindi pako handa sa magiging reaction nila."

"Makaka asa ka Roni" - Borj

"Tara na Borj, baka magising pa sila Kuya, ayaw ko maghinala sila"

Una akong lumabas sa cabin at nag lakad papunta sa room, habang si Borj naman nakasunod lang. Di ko alam kung tama bato desisyon ko na sundin ang puso ko at bigyan nang chance yung samin ni Borj, pero bahala na. Pagdating namin sa room lumapit muna si Borj sakin at sabay halik sa noo at sabay sabing.

"Mahal na mahal kita Roni" - Borj

Nginiti.an ko lang si Borj at pumasok na sa kwarto. Pagpasok ko sa kwarto nahiga lang ako sa kama at iniisip yung nangyari at mangyayari pa, sa isip isip ko napasabi nalang ako sa sarili ko na it's now or never nalang talaga. Hindi ko din mag imagine na magkaroon pa kami nang chance ni Borj imagine for 15 years di kami nag kita may pa habol pako nalalaman si Leslie lang pala maging daan para bumalik siya sa pamamagitan ni Trisha and speaking of Trisha kaya pala hindi ako na iinis sa kanya kasi wala naman pala talaga dapat.  Mapagbiro talaga ang tadahana.

Sa pag iisip ko nang malalim di ko namalayan ang oras na 6 am na pala kung wala kumatok sa kwarto ko di magigising yung diwa ko. Pinagbuksan ko na yung kumatok at unang bumungad sakin ang mukha ni Jelai at Bea na ang tingin ay mapang asar.

"Oh bat ang aga niyo nambubulabog sakin" pagtataray ko

"Hay nako sis di mo ko madada.an sa ganyan, dapat may kwento." Sabi ni Jelai sabay pasok nilang dalawa sa kwarto ko at humiga pa sa kama ay talaga lang mga to.

"Huh ano ba dapat kung e kwento?"

"Sis Roni wag ka na nga mag pa pretend diyan, alam naman namin" - Bea

Bigla ako kinabahan sa sinabi ni Bea, shit may nakakita ba samin. Pero hindi parin ako nagpapahalata at patay malisya parin

"Ano ba yung alam niyo?"

"Wag ako Roni simula bata wala kang maitatago sakin, ano nagbalikan na ba kayo ni Borj?" - Jelai

"Huh naging kami ba ni Borj?, Ikaw talaga Jelai patawa ka"

"Ay oo nga noh hahaha cge take two kayo naba?" - Jelai

"Yung mga tanongan mo talaga Jelai, bahala ka diyan maliligo nako at baka hinahanap na tayo nila kuya"

"Isa Roni pagdika nag share, magtatampo ako sayo" - Jelai

"Ano naman kasi ang e shashare ko na wala naman, besides nag pa alam lang naman si Borj na papatunayan niya na mahal niya ako hanggang sa ready na ako yun lang"

"Omg sis Roni nag iimprove na ang life may bago na, at sa wakas naman after 15 years parang may papatungohan na yung love team niyo no, puro kasi kayo tago tago.an nang feelings para kayong tanga, basta ha made of honor ako dapat sa kasal mo" - Jelai

"Alam mo sis Jelai ang advance mo talaga, e hindi pa nga nandon sa ligawan stage eh haha" - Bea

"Hay nako Bea papunta na din yun, tsaka Roni wag mo na patagalin malapit kana lumagpas sa kalendaryo, para naman may exciting sa buhay mo at may mapag chismisan naman kami sayo puro nalang trabaho yung naririnig namin sayo noh" - Jelai

"Hay nako sa inyong dalawa lumabas na nga kayo at maliligo nako"

Paglabas nilang dalawa ay naligo na ako may lakad kasi kami buong barkada ngayon mag island hopping kami ngayon.

-The End

So yun na guys dito ko na tatapusin yung story sumasakit na ulo ko ano susunod na chapter gagawin ko hahaha 🤣 kayo na bahala mag isip sa susunod pakidugtungan niyo na lang.

How Far You Can Go For Love Where stories live. Discover now