Chapter 40 - Alone Time

275 33 5
                                    

Roni's Pov

Pagpasok ko sa kwarto kahapon di na ako lumabas hanggang naka tulog nako. Paggising ko ngayong umaga medyo maga pa yung mata ko, para tanga lang sabi ko mag momove on ako pero heto nanaman nasasaktan. Pagtapos ko mag emote ay nag ready nako, ngayon kami pupunta sa location para sa patayo.an na cafe yung mga ibang barkada ko gagala muna, kami is bukas pa makakasama kasi uunahin muna namin yung business kasi ito naman talaga yung purpose pagpunta sa Palawan.

Pagtapos ko mag ayos ay lumabas nako, kakatokin ko muna si Trisha nasabihan ko naman siya kahapon na ngayon kami pupunta sa location. Nasa harap ako nang pinto nang kwarto ni Trisha nag aalangan ako kumatok kasi alam ko nasa loob si Borj pero nang kakatok na ako biglang bumukas ang pinto at niluwa si Borj na naka boxer dali dali ako napa lingon sa kabilang direksyon at siya naman ay dali dali kinuha ang towel na nakasampay sa balikat niya. Napaisip ako na ano kaya ginagawa nang dalawa to, erase erase Roni wag kang masyadong mag overthink masasaktan ka lang. Nasa pag iisip parin ako nang Biglang nagsalita si Borj

"Sorry Roni di ko alam nandyan ka pala, may kailangan kaba?" - Borj

"Okay lang, nandyan ba si Trisha? may lakad kasi kami ngayon" grabe yung compose ko para lang casual yung usapan kahit na didistract ako sa ayos niya ngayon yung abs niya parang kumakaway sakin, tama na pantasya Roni may jowa na nga yung tao kaya ka nasasaktan pinagpantasyahan mo yung tao sigaw nang utak ko, e sa ngayon ko lang naman siya nakita ulit at I must say mas lalong lumakas appeal niya ngayon kontra naman nang puso ko. Nabalik lang ako sa pantasya ko nang sumagot siya.

"Ah ganon ba wala si Trisha dito nasa kabilang room, dun siya natulog" - Borj

Nagtaka ako bat hindi sila magkasama ni Borj, baka conservative lang si Trisha kaya winaglit ko na yun sa isipan ko, at nag pasalamat ako at pumunta sa sinasabi na kwarto ni Borj. Kumatok nako at sakto naman tapos na si Trisha kaya inaya ko na siya si Myla na una na sa sasakyan as usual siya naman talaga na uuna samin. Nasa loob na kami nang sasakyan at kahit na alam ko jowa ni Trisha si Borj pero hindi ko alam bat ang gaan parin nang loob ko sa kanya iwan ko gulo gulo nang naramadaman ko, nasasaktan ako pag magkasama sila ni Borj pero pag si Trisha lang kasama ko magaan naman loob ko hindi ako na iinis or galit, siguro dahil mabait siya at wala naman ata siyang alam sa past parang ang alam lang niya is childhood friend namin si Borj, kaya siguro minahal siya ni Borj kasi mabuti siyang tao.

Nasa sasakyan kami ngayon at si Trisha busy sa pagkalikot sa laptop niya pinapakita niya sakin yung mga designs at mga kailangan dinidiscuss niya ano mga maganda. Ako naman sumang ayon lang sa kanya kasi maganda naman talaga, yung papatayo.an naman namin na cafe is is e nenegotiate pa ni Myla if magkasundo na sa location. Pagkatapos namin mag usap ni Trisha ay bumalik na siya sa laptop niya at ako naman tinatanaw yung mga magagandang view na daanan namin. Nang biglang mag salita si Trisha.

"Miss Ronalisa alam ko hindi mo pa na iintindihan ang sasabihin ko ngayon pero tiwala ka lang sa tadhana" - Trisha

Hindi ko maiintindihan ang sinasabi ni Trisha kaya ngumiti lang ako sa kanya. Nakarating na kami sa location at cheneck ni Trisha yung location at okay naman daw maganda kaya nag draft na nang contract si Myla at siya na ang nakikipag negotiate sa may ari. Pagtapos namin sa work namin ay bumalik na kami sa villa at naabotan namin ang mag barkada na masayang nakikipag kulitan kay Borj lalong lalo na si Kuya. Nakakamiss pala yung mga panahon na mga bata pa kami. Nasa labas kasi sila ngayon sa may grilling station kasi nag iihaw sila mag boodle fight daw kami mamayang tanghali.an at mag swimming na din daw. Sa pool lang kami muna mag swimming kasi mamayang gabi mag bonfire daw kami dun sa tabing dagat.

Nagpaalam muna ako kila Myla na papasok muna ako sa kwarto at mag bibihis lang muna ako. Pagpasok ko sa kwarto nag check lang ako nang mga emails ko tsaka nagbigay nang update sa mga staff ko. Nagusap muna din kami nila mommy and daddy, Hindi ko na sinabi sa kanila na kasama namin si Borj baka hahaba na naman usapan. Pagtapos ko makapagbihis bumaba lang ako naka swimsuit ako ngayon at nag suot lang nang cover up. Pagbaba ko nakita ko sila Jelai kaya nilapitan ko.

How Far You Can Go For Love Where stories live. Discover now