Chapter 20 - Borj's Departure

327 22 3
                                    

Roni's Pov

Maaga akong gumising para puntahan si Borj sa kanila di ko na hinintay si Kuya magising at pumunta nako, nakakainis talaga si Borj di man lang nagpasabi kung ano ba reason niya di siya maka punta humanda ka talaga sakin. Pagkatapos ko maligo bumaba nako at kumain tsaka nag paalam din kila mommy and daddy na pupunta ako kila Borj. Pagkatapos ko kumain dali dali ako nag toothbrush at nag pa alam kila mommy.

Papunta nako kila Borj ngayon at sa totoo lang hindi ko alam ano tong nararamdanan ko grabe yung tibok nang puso ko parang kinakabahan ako. Pagdating ko kila Borj kumatok nako ata ang nagbukas ay si Lolo.

"Magandang umaga po Lolo si Borj po?"

"Hi iha magandang umaga pasok ka muna, upo ka muna dito ha tawagin ko muna ang Lola" Lolo Miyong

At tinawag na nga ni Lolo si Lola, pagdating ni Lola bumati ako at pareho sila umupo sa tabi ko medyo kinakabahan ako bat di nila tinawag si Borj.

"Iha diba sinabi ni Borj sayo kagabi?" Panimula ni Lola

"Ang alin po? Di pa po kami nagkausap ni Borj simula kahapon, hinintay ko po siya buong party di po siya dumating kaya po ako naparito"

"Huh akala namin kasi nagpaalam siya sayo kahapon yun yung paalam niya samin" - Lola

"Bat naman po mag papaalam si Borj sakin Lola san po ba siya pupunta?"

Sa puntong ito di na talaga ako mapakali asan kanaba Borj ano ba tong sinasabi nila Lola at Lolo mo

"Iha wala na sa Borj sa pilipinas, umalis siya kaninang madaling araw hinatid namin siya sa airport kanina, kala namin nagpaalam siya sayo kahapon kasi yun yung sabi niya. Biglaan lang yung pag alis niya kasi kinailangan siya nang mommy niya dun buntis kasi yung mommy niya at masilan kailangan niya mag bedrest pero wala siya makakasama dun kasi yung daddy niya ang mag aasikaso sa business nila kaya pinapunta si Borj dun at kami naman susunod kami dun si Borj lang ang pinauna since naka ready na lahat nang papeles niya" - Lolo Miyong

Hindi nag sink in yung mga sinabi ni Lolo sakin hindi ako naniwala na iiwan ako ni Borj nang ganon ganon lang na hindi nagpaalam. Ang daya mo Borj bat hindi ka nagsabi maiintindihan naman kita bat kailan mo pa ako ganitohin kung kailan nasabi ko na sa sarili ko na Ikaw na yung gusto ko mahalin hanggang sa pwede na dun ka din biglanng nag laho. Oo Borj mahal kita dun ko na realize lahat nung nasa timezone tayo sa birthday ko sana sasabihin sayo pero nang iwan ka sa ere ang daya daya mo Borj. Hindi ko mapigilan umiyak hindi ko alam ang maramdaman ko sa nalaman ko.

"Iha okay ka lang ba pasensya ka na sa apo namin baka di niya kaya mag pa alam sayo alam mo naman kung gano ka kamahal non" - Lola Celing

"Lola kung mahal niya ko di niya ako sasaktan maiintindihan ko naman siya kung mag paalam siya sakin nang maayos."

"Pasensya kana talaga apo di namin alam yung rason niya" - Lolo Miyong

"Wala po kayong kasalanan Lolo at Lola pasensya din po sa abala uuwi nako baka hinahanap na ako"

"Cge iha mag ingat ka sa pag uwi" - Lola Celing

Habang nag lalakad ako pauwi samin panay tulo yung luha ko hindi ko mapigilan masaktan at tanungin bakit ngayon pa Borj kung kailan nahulog na din ako bat di mo nagawang mag pa alam sakin ano ba yung naging kasalanan ko sayo dahil ba pinaghintay kita napagod kana ba kakahintay parang yun lang yung naiisip ko eh what if sinabi ko sayo nang maaga na mahal kita mag papaalam kaba sakin Borj ang daya daya mo talaga maiintindihan naman kita.

Nakarating ako samin na tulala at mugto ang mata at naabotan ko sila mommy at daddy pati na din si Kuya.

"Oh Roni naka usap mo ba si Borj at teka bat mugto yung mata mo nag away ba kayo ni Borj" - Kuya Yuan

"Kuya wala na si Borj umalis na siya papuntang ibang bansa ang daya niya kuya di man lang siya nag paalam at nagsabi"

"Huh pano nangyari yun, bat di man lang siya nag pa alam satin o sakin man lang" - Kuya Yuan

"Kuya, Mommy, Daddy ang sakit pala maiwan nang hindi alam ang dahilan"

"Anak baka may mas malalim na rason si Borj bat hindi siya nag sabi" - Mommy

"Alam mo anak may mga bagay talaga na mas pipiliin mo nalang itago para di makasakit" - Daddy

"Pero daddy ang sakit sakit po hindi ko po maiintindihan yung nararamdaman ko"

"Ganyan talaga yan anak, sa ngayon wag mo pigilan masaktan bata kapa lilipas din yan at sa paglipas nang sakit magiging matatag ka sa pagda.an nang panahon" - Daddy

"Sa ngayon anak mag pahinga ka lang, Yuan iakyat mo na yang kapatid mo" - Mommy

"Cge po mommy" - Kuya Yuan

Pagkahatid ni kuya sakin sa kwarto ay humiga na ako agad at si Kuya umalis na din, Hindi ko mapigilan umiyak ulit ang daming tanong sa isip ko na di kayang sagutin nang puso ko.

- To be continued

Ayan na guys umalis na si Borj, bat kaya di nag pa alam si Borj?.. Enjoy reading guys masaktan muna tayo ngayon. Lovelots: Phoenix

How Far You Can Go For Love Où les histoires vivent. Découvrez maintenant