Chapter 3- Part 1

Start from the beginning
                                        

"'Pag 'di ka pa tumigil d'yan, masasaktan ka na talaga sa 'kin kahit hindi mo ako asawa!" banta nito.

She just laughed and drag the garbage bag. "It's heaven when you do it but it feels like hell after," aniya patungkol sa mga nananakit na hita.

"My God, what did you two even do to be hurt like that?"

"Gusto mong k'wentuhan kita?"

"Subukan mo. Sasampalin kita!"

Nanghihinang inihagis niya ang basura sa loob ng malaking garbage can dahil nawalan na siya ng lakas katatawa sa kaibigan.

"It's just a chika like the ones we used to share. Just an upgrade because it's about my married life."

"P'wede ba, hindi ako interesado sa kung anong ginagawa niyong mag-asawa sa kama."

"Ang boring mong kak'wentuhan, alam mo ba 'yon?"

"Ang bastos mong kak'wentuhan, alam mo ba 'yon?" ganti ng kaibigan.

She laughed and started her walk back to Klio's house.

"Anyway, I am happy with him."

She heard her disapproval. "Siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak sa kanya."

"He's not doing anything to me. Well, except in bed, of course."

"H'wag ka ngang magpadala sa mga paganyan-ganyan ng asawa mo."

"Friend, can you let me enjoy my married life?"

"H'wag ka ngang tanga. Baka nakakalimutan mo na ang dahilan kung bakit ka nagpakasal sa kanya. And love wasn't in the equation."

"I married him because I love him."

"Marinig ko pa 'yan sa 'yo, ako na mismo ang tutumba sa 'yo."

She sighed. "Bakit, totoo namang pinakasalan ko siya kasi mahal ko siya."

"Tama na. I don't wanna hear anything about that, anymore!"

Rosella was against her marrying Klio, that is what's up with her distaste.

"Okay, okay..." she said in resignation.

Ayaw niyang mag-away pa sila ng kaibigan dahil sa asawa niya.

"Ikaw, kumusta ka pala?"

"Fine."

"Fine fine ka na naman. All good with Kuya?"

"Yeah, so far."

"Call me when you need anything."

"I just need you to be safe in here."

"Aw... how sweet..." aniya sa kaibigan.

They're not expressive when it comes to other people, but with each other, she and Rosella are open about everything.

"Basta mag-iingat ka. H'wag kang patanga-tanga sa asawa mo't basta-basta na lang magpadala sa kanya."

"Opo, Inay."

"At p'wede ba, can you tell him to make love love to you without injuring you?"

"Friend, you do it in any position," natatawang bulong niya sa kaibigan nang maalala kung saan at paanong paraan na sila nagtalik ng asawa.

"Bwiset."

"O siya," aniya nang makita na ang bahay ni Klio makita itong naglalakad pasalubong sa kanya, "you take care, okay? Tell Kuya to be good. I'll try to visit him when I get back from Davao."

"Magda-Davao kayo?"

"Yeah, ilang araw lang."

"Mag-iingat ka ro'n."

"Yes, bestie. O sige na, baka mahuli pa niya tayong nag-uusap."

"Fine. Ang mga bilin ko sa 'yo, ha?"

"Opo, Inay."

She continued on her way, walking slowly towards her husband.

Hindi niya alam kung umaagapay pa rin sa kanya ang kaibigan pero alam niyang sinusundan pa rin siya nito ng tingin.

"I was worried about you," ani Klio nang tuluyan itong makalapit sa kanya. "Ang tagal mo kasi."

Kumapit siya sa braso ng asawa.

"My legs hurt. I can't walk fast kaya ako nagtagal."

"You should've told me para ako na lang ang nagtapon ng basura," anito't binuhat siya.

"It's fine. I want to do my own share of chores," aniya't ipinulupot ang braso sa mga balikat ng asawa.

She's sure they look like a sweet, newlywed couple.

At sigurado rin siyang napapangiwi si Rosella kung saan man ito nagkukubli habang sinusundan sila ng tingin ng asawa.

She stopped herself from smiling at the thought of her friend. She could be nonchalant at times, but Teyl knew she cares about her.

CUS #5: Into YouWhere stories live. Discover now