Ikaapat na Layag

2 0 0
                                    

        PAGKALABAS ko ng cubicle, tumingin ako sa salamin. Suot ko na ngayon ang T-shirt na ipinahiram niya sa'kin. Inamoy ko ito, ang bango niya, hindi ko nga lang alam kung anong amoy ito. Parang bulaklak.

       "Bakit naka T-shirt ka? Anong nangyari?" Acei asked pagkaupo ko. Bumalik na ako sa klase, mabuti na lamang at wala pa ang susunod naming guro.

       "Uhm..." Sasabihin ko ba sa kanya na hindi ito sa'kin? "A-ano... May nakabunggo sa'kin kanina, natapon ang gulaman niya sa'kin kaya, heto. Nagpalit ako." Sagot ko nalang.

    "Buti nalang may extra ka."

       Lumipas ang ilang araw at nasa akin parin ang T-shirt na ito. Lagi ko siyang dinadala pero hindi ko siya makita, hanggang sa P.E namin today. Dala ko parin ang T-shirt at nakalagay ito paper bag.

       "Hakot then tak! Tak! Tak!" Sinunod namin ang bawat steps na ituro sa amin para sa wellness dance. "Gets?"

        "Opo!"

        "Sige nga, gawin niyo. With music!"

        Hakot then tak! Tak! Tak! Hindi ko alam pero nadadalian ako sa bawat steps, siguro dala na rin na mahusay si ma'am magturo ng steps.

       "Good job, Yanah. Halos nakabisado mo from the top. And Acei too!" Lumingon ako kay Acei na siyang lumingon din, ngumiti siya at tumango. Ang sarap pala sa pakiramdam na ma-compliment.

        "How about others? Baldwin?" Nagawi ang tingin namin sa kanya. "Straight your arm, huwag masyadong tupi at huwag masyadong mababa, hanggang balikat dapat. I-try mo nga?"

        Napatikom ang bibig ko para maiwasan ang pagtawa dahil kung sumayaw si Baldwin ay parang isang kahoy na sumasayaw. Pasensiya na Baldwin.

         "By steps muna, magbilang. Tumalikod ako pero bumungad naman sa akin si Acei na siyang nagpipigil din ng tawa. Agad akong pumikit para hindi ako tuluyang matawa. Bwisit ka Acei, ikaw rin pala!

~*~

       Martes, na-late ako ng gising kaya sa sobrang pagmamadali ko, parang gusto kong maging si Flash kahit ngayong araw lang para mabilis makarating sa eskwelahan.

      Pagpasok ko sa loob ng gate ay nakita ko si Julie na naghihintay sa waiting area. Lumuwag pakiramdam ko nang alam kong hindi pa ako late o kung late man, atleast may karamay.

      "Hoy. Bakit ba lagi mong bitbit ang paper bag na iyan, ano bang laman niyan?" Tanong niya na nakacross arm. Lumapit ako sa kanya at tumabi.

      "T-shirt siya. Ibabalik ko lang sa may-ari. Bakit?" I asked her pero bigla siyang natulala sa malayo. Nilingon ko 'yung tinitignan niya. "Bakit anong meron dun?" Wala namang tao.

        "Wala. Feeling ko kasi nakita ko si Baldwin dun. Halika na." Si Baldwin? Baka nga, library 'yun e.

       Pagdating namin sa room ay agad akong umupo.

        "Good morning, Acei."

         "Yanah! Sali tayo sa dance troupe, sayawin natin 'to!"

         "Huh?"

        "Eto oh!" Nanlaki ang mga mata ko at napalunok. "Mukha ba akong seksi!?" I asked. Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa.

         Isang duo dance ang pinapanuod niya sa akin, sexy ang genre.

       "Nope, but I think you can be." He said. Hinarap ko naman siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

100 Airplanes To YouWhere stories live. Discover now