Chapter 3

14 1 0
                                    

Crisha's POV

Mela🫡

Huy gaga! Asan ka na?!

Malapit na akoo😭😭

Malapit na mag 7:40!
Mag la-lock na si sir!

Sineen ko na lang ang message ni Mela sakin dahil tumatakbo na ako paakyat. 1st subject namin every Tuesday and Thursday ay si sir Jacob. Tangina kasi! May nalalaman pang mag la-lock ng pinto pag lumampas ng 7:40.

Na-late kasi ako ng gising kakaisip eh! Tangina mo kasi Michael. Kaya ito tuloy, hindi ako maagang nakapag abang.

"SIR!" sigaw ko nang makapasok sa room namin. Kitang kita pa ang gulat at pag tawa ng mga kaklase ko.

"7:38. Buti at nakahabol ka pa, take a seat Ms. Santos." Sabi sa akin ni sir Jacob.

"Wow, late" natatawang saad ni Rianna.

"Gaga! Huwag kang mag simula, badtrip ako!" Mahinang sabi ko kaya mas lalong natawa ang tatlo.

"Uy Crisha, ano kaya yung sinend ni Mr. Sungit?" Bigla naman akong nagulat sa tanong ni Red. Magkalapit lang kasi ang pwesto namin. Matatawag mong "boys at the back" sila nila Lionel at JD.

"Gago! Hindi niyo nakita?!" Gulat na tanong ko.

"Wala, walang nakakita. Nagtanong na ako sa iba nating kaklase." Hala? Balak ko pa lang na ngayon ako mag tatanong ngunit wala pala talagang nakakita?

Kinalabit ko si Mela na nasa harapan ko pero bigla kaming sinuway ni sir Jacob.

"Ms. Santos, gusto mo atang mapalabas?" Seryosong sabi niya.

"A-ah... s-sorry po." Kinakabahang sabi ko. Ayaw ko kayang mapalabas!

"Mamaya na kasi yang chika mo!" Bulong ni Mela sakin.

Sorry na! Curious na kasi talaga ako!

Tinignan ko ang pwesto ni Michael sa harapan. Taimtim lang siyang nakikinig sa napaka-boring na klase ni sir Jacob.

Michael, ano ba kasing pakay mo kagabi?
Tanong ko sa aking isipan.

"So, I will just give you an assignment at ipapasa ito sakin sa Thursday." Puta, magbibigay na naman sila ng gawain.

"Goodbye class." Seryosong pamamaalam ni sir Jacob samin.

"Tangina, nakakaantok!" Paninimula ni Lionel.

"Ehem, Michael... Curious kami, ano yung sinend mo kagabi?" Tanong ni JD kay Michael. Kaming lahat naman ay nakikinig sa usapan.

Crisha, kunwari hindi mo nakitang minention ka niya!

Crisha, kunwari hindi mo nakitang minention ka niya!

Crisha, kunwari hindi mo nakitang minention ka niya!

"Ahhh, Na-wrong send lang." Seryosong sabi niya pero hindi na siya nakakatakot. Sabi na e! Nahihiya lang siya kahapon!

Uhm? WHAT? WHUT? NA-WRONG SEND? GAGO BA SIYA? EH KITANG KITA KONG MINENTION NIYA AKO!

"Wehhh? Baka may questions ka samin ah!" Si Rianna na nakisali na sa usapan.

"Nandito naman si Crisha!" Sabi ni Aira na alam kong may asar niyang sinabi yon.

"Huwag kang mahiya samin ha, Lagi lang nandyan si Crisha for you" Pang aasar ni Mela. Alam kong nang aasar 'tong mga ito e. Nakatingin sakin! Hindi kay Michael!

"Yieeeee, gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo..." hindi na natapos ni JD ang kinakanta niya dahil hinampas ko na siya.

"Aray!" Reklamo niya.

Enough (Unexpected Love Series #1)Where stories live. Discover now