Chapter 2

28 2 0
                                    

Crisha's POV

Jusko! Napakainit!

Pauwi na kami ngayon at nag aabang na sa shed. 4:30pm kami pinalabas ni ma'am Coline. Ang Accounting namin. 4:30pm kasi kami pwedeng lumabas pag lunes. Dahil ang accounting ay lunes lang. Usually, hanggang 1pm lang kami dahil ang patakaran sa school namin ay halfday lang. No wonder kaya nag tatambak ng napakaraming gawain.

Mag aalas-singko na, antagal naman ng bus. Sabi ko sa utak ko. Ang hirap ng sakay pag lunes e. Hindi ko tuloy maiwasang mapatulala at mag isip, dead-bat nga rin pala ang phone ko.

"Huy Crisha, okay ka lang?" Sa kalagitnaan ng pag iisip ko, biglang nag tanong si Rianna.

"Oo naman, babagsak nga ata pagkatao ko pag uwi... wala ngang masyadong ginawa, inintroduce palang mga subjects... nakakapagod na" sabi ko habang tumatawa para hindi halatang problemado ako.

"Sure kang okay ka lang? Kanina ka pa tahimik, hindi ka ganyan. Nag bagong taon lang ganyan ka na. Hmp!" Sabat naman ni Aira na kunwaring nagtatampo

"Feel ko may nangyari nung nag CR 'to? Nag start siyang magmukhang problemado nung galing siya sa CR e. May nalaman? May narinig?..." paninimula ni Melanie.

"MAY NAKITA?!" At ayan, sabay sabay na silang tatlo.

"Tinawag ako ni Austin kanina bago ako makapasok sa room natin kaninang pinauna ko kayo kasi nag CR ako" Seryosong sabi ko.

"Tanginang yan" saad ni Melanie.

"Gago yon ah!" Pasigaw na sabi ni Aira.

"Oh, ano? Nag kiss kayo sa hallway?" Matapang na sagot ni Rianna na ikinatawa naman ng dalawa.

"HELL NO!" sigaw ko. May napatingin pa tuloy na matanda at ibang student samin.

"Hinayaan ko lang." sabi ko at nakitang nakampante ang mga kaibigan ko.

Finally! May bus na! Makakauwi na kami sa wakas. Apat nga pala kaming buma-byahe sa pag uwi pero sa umaga, kaniya kaniyang buhay muna.

-
Habang nasa bus at suwerteng ako ang nasa window seat habang katabi si Rianna na naka-earphones ay hindi ko maiwasang mag isip.

Paano ba nasisikumura ng isang taong manakit ng kapwa niya? Alam naman nilang nakakasakit na sila ah. Bakit patuloy pa rin silang manakit?

I guess, hindi lang nila mahal ang sarili nila. Hindi nila alam na ang tunay na pag-ibig ay magmumula muna galing sa sarili. Hindi nila pinapahalagahan ang mga tao na handang tumulong o samahan sila pang habang buhay nila. Bagkus, itinuturi nila itong panandalian.

Alam nilang nakakasakit na sila at alam nila ang tama sa mali nilang ginagawa. Problema lang ay hindi nila gustong itama o gawan ng aksyon ito. Kasalanan nila yon, wala kang kasalanan.

"Wala nga ba talaga akong kasalanan? Mali ba talaga niya na hindi niya ako pinahalagahan o hindi ako sapat at hindi ako magiging sapat?" Nanlalaban na tanong ng utak ko bago ako makaramdam ng kalabit mula kay Rianna. Malapit na pala kaming bumaba.

-
Nakababa na kaming apat at nagpaalaman na. Magkakaiba ang gawi namin kaya naman mag isa na naman akong naglalakad.

"Ano ba naman kasing cellphone 'to na dead-bat kaagad!" Naiinis na sabi ko kahit hindi ko naman na-icharge kagabi ang phone ko.

Enough (Unexpected Love Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant