Chapter 1

31 1 0
                                    

Crisha's POV

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko, 4:30am. Medyo tinatamad pa akong bumangon para mag hilamos kasi ayaw kong pumasok sa kadahilanang nakakatakot daw ang 2nd sem. 1ST DAY NG 2ND SEMESTER NAMIN NGAYON! At halos wala akong tulog dahil kakaisip kung anong mangyayari sa limang buwan na ito! Umpisa pa lang, pagod na pagod na ako.
Iyan na lang ang mga katagang nasabi ko sa aking sarili bago pumunta sa CR para mag hilamos.

Pag katapos kong mag hilamos ay agad naman akong bumaba para sa aking breakfast na si mommy ang nag prepare. Alam kong masyado akong ini-spoil ng aking parents, but they do not raise me to be a "spoiled brat." Yung tipo bang naibibigay nila ang mga "wants and needs" ko pero naturuan pa rin nila akong mag tipid at mag handle ng pera. Kaya ABM rin ang nakuha kong strand ay dahil sa kanila. Pangarap ko ring maging CPA. Thanks to my mom and dad, who motivates me every day. I'm really lucky that I have them. Si mommy ay house wife habang ay dad ko naman ay seaman at umuuwi every 6 months.

My parents are always giving me the things that I deserve. Hindi ako madalas humingi ng pera dahil sa hindi naman ako magastos. Nakakagala pero paminsan-minsan lang lalo na pag nag aya ang mga kaibigan ko. Madalas ding napupunta lang sa projects ang allowance ko. Kaya kung titignan ang alkansya ko, sapat na ito para mabili ko ang luho ko. Pero hindi ko pa ito magagalaw sa ngayon. Siguro, pag nagsimula na ang ambagan sa research, upang hindi na rin ako manghingi ng pera kay mommy para dito. Hindi naman kasi kami mayaman pero may kaya kami at handang tumulong para sa iba.

-

"Anak, good morning! Napaaga ata ang gising mo!" Bungad sa akin ni mommy nang makarating ako sa kusina.

"Good morning, Mommy!" Sabay halik sa kaniyang pisngi.

"Excited ka atang pumasok? For him or school?" Tanong ni mommy na mukhang nang aasar. Alam kasi niya ang crush ko, alam niya halos lahat ng nangyayari sa school life ko, and I will always be thankful na siya ang mom ko dahil nakakapag open ako. Kung tatanungin ako kung sino ang pinakabest friend ko, si mommy ko ang sasabihin ko. Sana in my next life, siya pa rin ang mommy ko.

Speaking of "him"... AYAW KO MUNA SIYANG MAKITA!

Ang sakit pa rin. Masakit pa rin yung ginawa niya sakin.

"MOM! Malamang maaga ako ngayon! 1st day of 2nd semester, e! Mag c commute pa ako!" Talaga namang kailangan kong maging maaga ngayon dahil ayaw kong malate, hatest teacher ko pa naman ang 1st subject at bawal malate sa kaniya.

"Siya na naman pala ang adviser at 1st subject teacher namin." Sabi ko sa utak ko.

"Okay, okay." saad niya habang tumatawa. "Masyadong defensive" pang aasar na naman niya.

"Kumain ka na, I prepared your favourite breakfast! Pancakes!" Maligalig na saad ni mommy. Iba talaga ang pakiramdam kapag kilalang kilala ka ng isang tao, ano? Kaya mahal na mahal ko si mommy e.

"Wow! Thank you, Mommy!" Sabi ko at tinuon na ang atensyon sa pagkain.

-

6:00am ang huli kong kita sa orasan ng aking cellphone, saktong sakto para sa susunod na bus mamayang 6:20am. Sinuot ko na ang aking ID, kinuha ang gamit at lumabas ng aking kwarto para puntahan si mommy upang mag paalam

"Mom, I'm gonna go to school na po!" Nakangiting sabi ko

"Mag iingat ka anak ha, mag aral ng mabuti. Kwentuhan mo ko ng mga mangyayari sa school. Good luck, my future CPA." Ani mommy bago ako tuluyang lumabas ng bahay at naglakad patungong waiting shed.

Malapit lang ang bahay namin sa waiting shed kaya kaunting lakaran lang ito. Buti na lang ay hindi na ako gaanong nag tagal doon dahil may bus na. Buti naman at hindi ako ma-la-late ngayon. Ang sungit sungit pa naman ni ma'am Flor! Si ma'am Flor na hate na hate namin ng mga kaibigan ko.

Enough (Unexpected Love Series #1)Where stories live. Discover now