Prologue

6 2 0
                                    

Prologue

"Whoo! Sa wakas, tapos na! Malaya na tayo!" sigaw ko nang makalabas sa classroom.

Tinignan ko sina Sheerness at Gwen na nag-uusap tungkol sa exam namin kanina. Sumimangot ako. Hindi man lang nila ako pinansin.

Sumunod sila sa akin papunta sa canteen. Naroon na ang iba naming mga kaklase na naunang matapos sa exam. Sa totoo lang, kanina pa ako tapos pero hindi lang ako nagpasa kaagad kasi hinihintay ko ang dalawang 'to. Hindi ko naman alam na susulitin pala nila ang oras sa pagsagot, naghintay pa tuloy ako nang matagal.

"Gwen!" tawag ni Jasper sa kaibigan ko. "Anong sagot mo sa number three?"

Umirap ako at umupo sa table. May plano kaming magkakaibigan na magkape sa Parque pagkatapos ng exams para i-celebrate ang pagtatapos ng klase namin. Aalis na nga dapat kami pero nag-uusap pa sila tungkol sa mga mahihirap na questions sa exam kanina.

"Huh? Mali ang sagot ko!" si Jasper sabay tawa.

Lumapit na rin sa table namin ang mga kaibigan niya para tanungin si Gwen. I snorted. Kunwari pa ang mga 'to na exam ang tatanungin, gusto lang namang makausap sina Gwen at Sheerness. Ganda talaga ng mga kaibigan ko!

"Congrats. Gragraduate na." binalingan ako ni Anya at nginitian. "Saan kayo today?"

"Sa Parque lang kami. Kayo?"

"Doon din kami. What if magsama-sama na lang tayo roon? Sabay na tayong pumunta."

"Dadalhin mo ang sasakyan mo? At bodyguard?" tinaasan ko siya ng kilay.

She smiled. "Hindi. Pinauwi ko na si Kuya Rico. Sasakay ako sa motor ni Keenen."

Nagulat ako sa narinig. Talaga? Sasakay siya sa motor? Alam ba 'to nina Mayor? Pinapayagan pala silang sumakay sa ganoon? Akala ko hindi, palagi kasing naka-SUV.

"Sige, ayos lang naman." pagpayag ko sa suhestiyon niya sabay baling sa mga kaibigan. "Kaso busy pa sila magtanungan ng sagot."

Nag-angat ng tingin si Gwen sa akin. "Hindi, ayos na kami. Tara na, ayokong magpagabi."

Kinausap ni Anya ang mga kaibigan niya. Tumayo na ako at hinintay ang dalawa na mag-ayos ng kanilang mga gamit. Tapos na ang exam pero nilabas pa ang mga libro para lang alamin ang sagot sa mga mahihirap na tanong kanina. As if namang may magagawa pa sila.

"Sayang iyong five points." panghihinayang ni Sheerness.

"Oo nga. Hindi ko inexpect na itatanong 'yon."

Ngumiwi ako. "Ano bang inaalala n'yo? Sigurado namang pasado kayo atsaka sure naman na gragraduate tayo."

Napaka-grade conscious ng dalawang 'to. Lagi ngang pasado ang mga quizzes at matataas ang mga assignment!

Lumapit sa amin si Anya. "Kay Josh na lang kayo sumabay, dala niya ang kotse niya."

"Kim!" nilingon ako ni Jasper at nginisihan. "Kanino ka a-angkas?"

I smirked. "Ikaw ang a-angkas."

Humalakhak siya at hinagis sa akin ang susi ng motor niya. I grinned widely. Yes! Makakahawak ulit ng manibela!

"You're gonna drive?" tanong ni Gwen na para bang bagong balita iyon.

"Automatic na 'yan kapag nagkasama silang dalawa ni Jasper." si Monica.

"Kawawa, e." si Jasper.

Sinamaan ako ng tingin ni Gwen. "'Di ba bawal kang magdrive?"

"Bawal pero wala namang magsusumbong, e." I smirked at her. "Tara na, habang hindi pa lumalabas ang mga Grade 10. Baka makita pa ako ni Tyler."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pained (Montellano series #2)Where stories live. Discover now