CHAPTER 8

47 0 0
                                    

Setting the Table

"Wah! You're so pretty today!" Bukambibig ko sa halaman naming Hibiscus. "Ikaw rin, Periwinkle, Jasmine, Yellow Belle. Mga alaga ko!" Patuloy ang pagdilig ko sa mga ito. Gardening is one of my hobbies, it always feels therapeutic every time I visit my beautiful babies.

Madalas din namin itong libangan ni Lola, that's why I became fond of them. In the past, she always told me that I would grow beautifully like these flowers in the garden. Kaya sabi ko noon ay gusto ko na kaagad tumanda. How I wish she could see me now that I'm all grown up.

"Ma'am!" Rinig kong pagtawag ni Ate Linda. "Tubig po, mainit." Lumapit ito at may dalang tubig.

"Thanks, Ate." Kinuha ko ito at ininuman.

"Ako na po magtutuloy niyan, pasok na po kayo." Sinubukang kunin ni Ate Linda ang hose na hawak ko.

Tumango na lamang at at pumasok sa loob. Ramdam ko na rin kasi ang hapdi ng araw sa aking balat. Nowadays, 9am already feels like noontime sa sobrang init!

Habang umaakyat ng hagdan ay nakaramdam ako ng kirot sa paa. Tiningnan ko ito at pansin ang konting marka ng pasa. Medyo paga rin ito.

"Ugh...shit." I groaned. I didn't notice it a while ago!

Bumaba ulit ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng yelo. Mali 'ata ang pagbagsak ko kagabi at namaga pa 'tong paa ko. Killian was right all along. I didn't take his words seriously enough.

I took some ice from the refrigerator and looked for the ice pack. Nasaan ba 'yon? 

"Ma'am?" Pagtawag ni Ate Linda.

"Ay pot–" Muntik kong mabitawan ang hawak na yelo. "A-ate!"

"Bakit po kayo may hawak na yelo?" Nagtatakang tanong niya at nakatingin sa tumutulong tubig na nasa kamay ko.

"U-um...Iced coffee! Nagtitimpla ako ng iced coffee!" Nakangiting palusot ko. I was planning to hide it from her!

"Ah, tinawag niyo na lang sana ako, Ma'am. Pinagtimpla ko po sana kayo." Yumuko ito at pinunasan ang basang sahig dahil sa yelong hawak ko.

Iniikot ko ang aking mata, hinahanap pa rin kung saan nakalagay ang ice pack.

"Ma,am!" Gulat akong napatingin kay Ate Linda na nakayuko pa rin. "Hala! Ano pong nangyari sa paa niyo?!"

Agad siyang tumayo at hinawakan ang aking palapulushan tungo sa sofa. "Teka lang, Ma'am! Kukuha lang po ako ng yelo at ice pack!" Nagmadali siyang naglakad pabalik ng kusina.

I could feel the water dripping from my hand as the ice melted. I just heaved a sigh. Nahuli pa nga.

"Sobrang sakit po ba? Gusto niyo dalhin ko kayo sa ospital?" Hindi maalis ang nagaalalang mukha niya.

"No need, Ate. Mawawala rin 'to, no." I reassured her. Ice lang ang katapat nito.

"Napaano po ba 'yan?" Tanong ni Ate Linda habang hawak ang ice pack sa paa ko.

"I tripped, last night." Mahinang sabi ko.

"Saan po? Sa hagdan? Sa banyo? Sa labas?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Sa kwarto, Ate." Bigla kong naalala ang pagkakatapilok ko kagabi.

"Nako, Ma'am! Mag-ingat po kayo sa susunod. Buti hindi na paano ang mukha niyo." Nagaalalang sabi ni Ate Linda.

"Don't tell it to Mom and Dad, Ate Linda, please." Nagmamakaawang sabi ko. Baka 'pag sinabi niya sa kanila, mag abala pa at iparenovate ang buong kwarto ko dahil lang sa simpleng pagkatapilok ko. Ganoon sila ka overprotective dahil lagi akong nagkakabukol noong bata pa ako.

Beyond the Afterglow | Odyssey of Hearts Series #1Where stories live. Discover now