CHAPTER 3

70 0 0
                                    

Pages to Profiles

It's our academic break. Meaning no lectures and school works from my evil professors! Tinapos ko na rin ang iba kong gagawin last week, ayoko kasi ng natatambakan ako.

Papunta ako ngayon sa campus ni Kia. I just wore a simple yellow puff sleeve top paired with denim high waist wide legged pants and let my hair down. Tanghali na noong umalis ako kaya medyo traffic na along Taft. I decided to go to Starbucks habang hinihintay si Kia, hapon pa raw kasi ang out niya. I ordered some take out food for her na rin.

She texted me na dismissal na nila kaya agad na akong pumunta sa gate. Ang daming estudyante! Napaisip tuloy ako kung may tsansa ba na makita ko siya. The heck, bakit ba siya ang inaalala ko?

Nasa malapit na café kami ngayon kumakain ng merienda. Ako na lang ang nag-order para sa sarili ko dahil kinakain ni Kia yung tinake out ko sa kanya kanina sa Starbucks.

"O, ano? Hinahanap mo si Mr. Jerk, 'no?" Para bang nabasa niya ang utak ko na may bumabagabag sa akin. "Kahit anong hanap mo diyan, wala talaga," dugtong niya.

Naguluhan akong tumingin sa kanya.

"He's at the main building, stupid!" She let out a sigh.

Huh? Main building?

"I thought he was at the same building as you?" Naguguluhang sabi ko. Hindi ba't pareho silang lumabas sa iisang gate noon?

"You told me he is majoring in Business Ad, right? Obviously, sa main building siya Madi," paliwanag niya.

"Even though we're both studying in La Salle, I'm at College of Saint Benilde since I major in arts. As for him, he's at the main building."

I didn't know that! Hindi naman kasi ako nag-aaral sa La Salle. Buti na lang in-explain ni Kia. So nasa kabilang building pala siya.

"O, ngayon alam mo na! Hays dapat binabayaran mo ko, e! Nage-effort ako para magkita kayo ng guy mo," she said, giggling. I just rolled my eyes at her. I don't know bakit ba siya ang naging topic namin ngayon.

Before long, hinatid ko na si Kia sa dorm niya dahil may plates pa raw siya na need tapusin. I went home na rin after that dahil mag a-advance study ako ng mga lessons.

I had a sudden meeting in our org, Entrepeneurista Society last Saturday. Kaya sinabihan ko si Kia na i-move muna yung shopping date namin. Sakto naman dahil may tatapusin pa rin daw kasi siyang plates. Kahit na pala-gala 'yong babaeng 'yon she prioritizes her studies.

In the blink of an eye, our academic break was over. Another hell week nanaman! Daming pinapagawa ng mga prof! Malapit na 'ata humiwalay kaluluwa ko sa'kin.

"Maghuhukay na talaga ako ng puntod ko," ani Bri. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Mukhang pabigat pa mga ka-grupo ko," reklamo niya habang nakapangalumbaba.

"Baka ikaw yung pabigat?" Pang-aasar ko.

"Hoy! 'Di kaya!" Depensa niya. "Itong gandang 'toh? Nako! Ang laking ambag na kaya!" Sabay turo sa sarili.

We have a presentation tomorrow at magkahiwalay kami ng group ni Bri dahil si prof ang nag-assign. Sa group namin ako na ang umako sa powerpoint and I am also one of the reporters.

I went straight to a public library along Taft after class. I didn't stay in the library in our campus dahil baka gabihin ako, hanggang 4pm lang ang school hours. Konti lang ang mga tao, pagabi na rin kasi. Lumapit ako sa isang long table kung saan naroon halos ang ibang tao.

It has been a long time nang naka punta ako rito since I always choose to study in the school or minsan sa bahay na lang talaga. A lot of students come here from different universities. The sight of them buried in their textbooks spurred me on, igniting a sense of motivation.

Beyond the Afterglow | Odyssey of Hearts Series #1Where stories live. Discover now