CHAPTER 2

57 0 0
                                    

Midnight Encounter

I just wore a black puff sleeve top and skirt co-ord, paired with heels and a sling bag. Nagsuot lang ako ng few accessories and did my long wavy chestnut hair into a half ponytail. Nag apply lang ako ng light make-up dahil mahuhulas din naman mamaya sa party.

Sabi naman ni Kiarah hindi formal party kaya I just wore some casual clothes.

Nag bilin na lang ako kay Ate Lara na late na ako makakauwi. I also left a message to Mom and Dad that I would go out tonight. Nasa Laguna sila ngayon because of a business meeting kaya ako lang ang nasa bahay.

I drove my silver Lexus car papunta sa venue. I gave my car keys to a valet at pumasok na ako sa loob. Maraming tao, ang iba ay pamilyar sa akin at ang iba naman ay hindi. Agad naman akong lumapit nang mamataan si Kiarah na may kausap.

She was wearing a silver silk bralette top paired with a black leather pencil skirt and heels. Naka high ponytail din siya at may suot na hoop earrings. Alam ko ang style niya kaya agad ko rin siya nakita.

"Madi!" She greeted then hugged me.

"Sino na naman 'yan ha?" Bulong ko sa kanya. 'Di pa nagsisimula yung party may nilalandi na agad na lalaki! Nakakalimutan niya 'ata na birthday 'to ng kapatid niya!

"Some guy from Ateneo," pabulong na sagot niya sa'kin. I just rolled my eyes at her.

"Elle!"Gulat akong napalingon nang may biglang bumati sa'kin.

"Ash!" Pagbati ko at nakipag-beso. "Happy Birthday!"

"You're here, I'm glad you came!" Masayang sabi niya.

"Yung ngiti abot langit, ha!" Siniko ni Kia si Ash at siniko siya nito pabalik.

"So makaka kain na ako niyan?" Pabirong sabi ni Kiarah. Hindi ito pinansin ni Ash at humarap na lang sa akin.

"Elle, I'll introduce you to my friends," pag-aya niya.

"Anong Elle!? Sabi ko sa'yo Ate Elle 'di ba! A-T-E!" Singit ni Kiarah sabay hampas kay Ash.

"Aray! She told me it was okay to call her Elle. Right, Elle?" Tumingin si Ash sa'kin, inuudyukan akong sumang-ayon.

"Yeah, it's totally fine! Just call me Elle," pag tango ko. Isang taon lang naman ang tanda ko sa kanya kaya okay lang. Magmu-mukha rin akong matanda 'pag tinawag na ate kaya 'wag na lang. Ayoko!

"See!" Ash glanced at Kiarah.

I'm an only child kaya natutuwa ako kapag nakikita ko sila Kiarah at Ash. It makes me want to have a sibling too. Masyadong busy sila Mom and Dad kaya hindi na ako nasundan.

Sumama naman ako kay Ash dahil ipapakilala niya raw ako sa mga kaibigan niya.

"Elle, my friends. Ethan, Timothy, Lauryn,and Avy," pagpapakilala niya. "Guys, this is Elle."

Isa-isa ko silang kinamayan at napansin ko na napakagat sa labi sila Ethan at Timothy, pinipigilang tumawa. Masaya naman akong kinamayan ni Lauryn at si Avy naman ay nakakrus lang ang mga braso at nakatingin sa malayo na para bang iniiwasan niyang magtagpo ang mata namin, kaya naman nginitian ko na lang siya.

They just asked me some questions about myself at kada sagot ko sumusulyap sila kay Ash. They are a funny bunch of friends!

"Sorry, dami nilang tanong," bulong sa akin ni Ash.

"It's fine, don't worry," I whispered back. Napatingin naman ako kay Ethan at Timothy. They covered their mouths and stifled a giggle.

"Madi!" Pagtawag ni Kia sa'kin. Lumapit siya sa amin at hinawakan ang braso ko. "Time's up! Kunin ko na bestfriend ko, ha," sambit niya at malokong ngumiti kay Ash.

Beyond the Afterglow | Odyssey of Hearts Series #1Where stories live. Discover now