"Every year ba kayo pumupunta rito?" Tanong ni Jekyll kay Josh nang makarating na sila sa columbarium kung saan nakalagak ang mga abo ni Jian.
"Minsan kapag nag-aaya si Kervy, pumupunta rin kami rito."
"Hindi ko talaga ma-imagine na nagiging close na kayo."
"Ako nga rin eh." Natatawang sabi ni Josh. "Kung hindi dahil sa'yo, hindi ko talaga siya pakikisamahan. Buti na lang at tinulungan ka niya."
"Grabe naman 'to! Ang lala magkimkim ng galit. Wala na 'yon! Ang tagal na no'n eh."
"Oo na. Tapos na 'yon pero hindi ibig sabihin limot ko na . . . Pero I realized, he's a good person. Nakita ko kung paano niya alagaan ang kambal at ang mama mo no'ng wala ka kaya napatawad ko na siya."
"Aww nagiging soft na ang puso ng kaibigan ko."
"Tsk. Tara na nga. Pasok na tayo." Tinapik ni Jekyll ang balikat ng kaibigan habang nginingitian niya ito pero pabiro siyang inirapan ni Josh.
ESTÁ A LER
Twin Strangers | A KENTIN AU
FanficWhat are the odds that Kervy (FJS) will meet the twin stranger of someone he used to love dearly? Will the feelings be the same or will it cause confusion to the other? Will he take the risk of loving someone. . . again?