TS 18

79 5 2
                                    

"Saan niyo gustong pumunta?" Tanong ni Kervy sa mga bata. Hinintay lamang nilang makaalis si Jekyll at ang mama nila bago sila aalis.

















"Hmm. Sabi Kuya Kyll, sa house mo na lang daw po. Tapos behave lang daw po kami." Napangiti si Kervy sa sinagot ni Jade.
















"Ayaw niyong bumili tayo ng toys?" Nagkatinginan ang kambal at tumingin pabalik sa kanya sabay iling. "Bakit?"
















"Bawal daw po sabi ni Kuya Kyll. Bawal ka po gumastos." He taught them so well. "Tsaka dala na po namin toys namin." Pinakita ng dalawa ang dala nilang laruan na sina bulbasaur at eevee.















"Okay. Tara. Sa bahay na lang tayo." Kumapit sa magkabilang kamay ni Kervy ang kambal habang naglalakad papuntang sasakyan niya.















"Ang cute naman tingnan nung mag-ama."
















"Oo nga. Tapos ang cute cute ng mga anak niya. Mana sa kanya."















Hindi nakatakas sa pandinig ni Kervy ang bulungan ng mga nakakasalubong nila. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Parang kinikiliti ang puso niya. Napaisip tuloy siya. Ano kaya ang feeling ng may anak? Ganito ba?
















Pagkarating nila sa sasakyan ay pinuwesto muna niya ang dalawa sa mga child car seats nila bago siya pumunta sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan.
















Pagkarating nila sa bahay niya ay ipinarada muna niya ang sasakyan at pinababa na niya ang dalawa. Nagtatatakbo agad ang mga ito na para bang ibong nakawala sa hawla. Hindi mapigilan ni Kervy na mapangiti habang pinagmamasdan sila.















"Pasok na tayo. Mainit dito sa labas." Agad naman na tumalima ang dalawa at patalon-talon na sumunod sa kanya.















Nang makapasok na sila ay nanlaki ang mata ng dalawa nang makita ang sandamakmak na mga laruan na nasa living room ng bahay.















"Sige na. Play na kayo." Pag-aanyaya ni Kervy sa kambal. Sinugod agad nila ito at halata ang saya sa kanilang mga mata. Ang dala nilang sina bulbasaur at eevee ay naitsapwera na sa gilid.




















 Ang dala nilang sina bulbasaur at eevee ay naitsapwera na sa gilid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Twin Strangers | A KENTIN AUWhere stories live. Discover now