TS 28

66 6 4
                                    

"Nagkita na kayo ng boss mo?"
















"Hindi ko na nga siya boss. Baka marinig ka niya. Masyado pa namang sensitive 'yon." Tawang-tawa naman si Maverick sa sinabi ni Jekyll.
















Napansin na kasi niya ang pagiging sensitibo ni Kervy nang tawagin niya itong boss ni Jekyll no'ng una nilang pagkikita.
















"Hahaha Oo nga. Natawa talaga ako sa expression niya noon. Parang ang sarap pikunin eh."
















"Sira ka talaga!" Nakakuha naman siya ng matatalim na tingin mula sa kaibigan.
















"So hindi pa kayo nagkita?"
















"Bakit naman kami magkikita? Busy 'yon ngayon kasi maalala mo 'yong sinabi ko sa'yo na nanalo ang design ko dati sa pacontest ng company? Itong month na 'to kasi 'yon."















"Woah! Ginagawa pa rin pala ng company niya 'yon? Hanggang ngayon?"
















"Oo. Kaya wala 'yong time ngayon."

















"Oh." Tumango-tango lang si Maverick habang nakatingin sa kaibigang bigla-bigla na lang nagbabago ang mood.
















"Kaya magtrabaho na lang tayo para makapagsoft launch na rin tayo."
















"Yes boss."















Napagkasunduan ng dalawa na maglaunch ng kanilang sariling clothing business dahil pareho naman silang mahilig sa art. Matagal na nila itong pinagplanuhan.
















Hindi na bago kay Maverick ang business dahil 'yon ang trabaho ng kanyang mga magulang kaya siya ang umingganyo kay Jekyll na magbusiness sila kapag nakagraduate na sila.
















Suportado naman sila ng mga magulang ni Maverick at sila pa mismo ang nagpahiram ng pera sa dalawa para pang start-up nila.
















Nakahanap na rin sila ng opisina sa tulong ng papa ni Maverick. Ang problema na lang nila ay ang humanap ng mga tao.
















"Magpapajob listing na ba tayo?" Tanong ni Maverick kay Jekyll.
















"Totoo na ba talaga 'to?" Hindi pa rin makapaniwala si Jekyll sa mga nangyayari.















"Haha ano sa tingin mo?"















"Marami kaya ang bibili?" Hindi niya rin maiwasang hindi mag-alala.
















"'Wag mo na munang isipin 'yon. Darating din tayo diyan." Tumango si Jekyll.
















"About doon sa job listing, may titingnan lang muna ako ha, saka natin ipublish."
















Twin Strangers | A KENTIN AUWhere stories live. Discover now