Chapter 70: Ang Utak Kriminal na si David at Hikaru Koamoto

Start from the beginning
                                    

"Oo, Papatayin ko kahit na sino man sya, ilalabas ko mga lamang loob nya at ipapakain sa mga alaga ko" sagot ni David

"Huh Mas demonyo kapa mag isip kaysa sakin, ipakilala mo sya sakin diko inaasahan na may girlfriend ka pala" sagot ni Hikaru

Habang ang girlfriend ni Hikaru na nasa kwarto naliligo sa banyo

"Ano kayang pangalan ng lalaking yun? Ang mga ngiti nya" sabi nya sa kanyang isipan

Isang lalaki ang naiisip ni Kaina, ang lalaking nakita nyang kasama ni Hisaka Koamoto walang iba kundi si Sakuhako

Samantala

Dahil makakalaban ng Shohoku ang Takezono ang isa sa pinakamagaling na Team sa Kanagawa, At kapag nanalo sila pasok na sila sa semi finals

Nagdesisyon si Kate na magkaroon ng practice game, laban sa Junior players na dalawang araw na lang din ay magsisimula narin ang Elimination para sa Interjunior Tournament

Ace Sakuchiro adopted son ni Sora at Kumi

Mayron dalawang kapatid si Ace, Ang mismong tunay na kapatid at kakambal pa nya na si Miu Hitogami na ampon ng Hitogami Family

At ang mismong anak ng umampon sa kanya na si Kumi at Sora na si Shelia Sakuchiro

Mayron nararamdaman si Ace para kay Kaede Kate, anak ni Kaede Rukawa

Umamin si Ace kay Kate at binigyan nman ng chance ni Kate subalit mabigo si Kate sa kanya nang pwersahan syang kunin ng nanay nya na walang ginawa si Ace

Pagkatapos non, dumating si Sakuhako panganay nman na anak ni Sakuragi at Haruko

At nangako si Sakuhako na proprotekhan nya si Kate

Nakita nman ni Kate ang katapangan ni Sakuhako na syang hinangaan ni Kate

At ngayon magkaharap sa isang practice game si Ace at Sakuhako

Habang drinidribble ni Sakuhako ang bola nasa harapan nya si Ace

"Totoo ba?" Tanong ni Ace

"Huh?"

"Totoo ba na kayo na ni Kate?" Tanong ni Ace

"Ahhh pa-pano mo nalaman?" Tanong ni Sakuhako

"Kung ganun totoo nga, Totoo nga ang sinabi sakin ni Miu" sabi ni Ace

"Si Miu?" Sabay lingon ni Sakuhako kay Miu na nasa gilid ng court masama ang tingin sa kanya

"Aahhh naiintindihan kona, kaya pala hindi ako pinapansin ni Miu kahapon, Ano nman ngayon kung kami na ni Kate?" Sagot ni Sakuhako

"Walang hiya ka mang aagaw ka" sabi ni Ace

"Ako mang aagaw? Nabanggit nga sakin ni Kate na umamin ka sa kanya" sabi ni Sakuhako

Lumapit sya kay Ace at bumulong ng

"Hindi mo pwedeng pormahan ang girlfriend ko, baka nakakalimutan mo kung sino ako Ace" bulong ni Sakuhako at dahil sa nabigla si Ace sa sinabi sa kanya ni Sakuhako

Lumusot si Sakuhako sa kanya tumakbo ng mabilis si Sakuhako

"Habulin nyo wag nyo syang hayaan makapuntos" sigaw ni Takehiko Akagi pinsan ni Sakuhako at Akito, tumakbo si Ace para habulin si Sakuhako subalit

Ipinasa ni Sakuhako ang bola kay Akito

Pagkatapos shaka ipinasa ni Akito kay Renz na nasa ilalim ng basket, nasa likod ni Renz si Takehiko

Humarap si Renz kay Takehiko sabay talon nya

Subalit hindi tumalon si Takehiko nakaramdam sya ng takot sa malakas na pagtalon ni Renz alam nyang maari syang bumagsak o baka ma-injury pa kapag sinalubong nya ang gagawin nitong dunk

Gamit ang dalawang kamay malakas na dinakdak ni Renz ang bola sa ring

"Bat dimo ko pinigilan? Kapag sa ilalim ng basket, bawal ang duwag Takehiko" sabi ni Renz

"Senpai" sagot ni Takehiko

"Marami kapag kaylangan matutunan, kaya wag kang matakot na harapin kahit na sino pa kaharap mo" sagot ni Renz

Matapos makapuntos, pinulot ni Takehiko ang bola pagkatapos ipinasa kay Kiyou ang Junior players nman ang nasa opensa

Tumakbo ng mabilis si Kiyou, nang biglang lumitaw si Lyion sa kanya at mabilis na tinapik ang bola

"Ahhh" gulat na si Kiyou

Pagkatapos matapik ni Lyion ang bola agad na kinuha ni Daigo ang bola tumakbo sya ng mabilis at mabilis na tumira ng long shot

Wala talagang laban ang mga junior high Player ng Shohoku sa High School players ng shohoku

Para lumakas ang loob ng mga Junior players

Tudo suporta sa kanila ang mga kapwa nila Junior players mga ka-batch nila ngunit pagdating sa mga babaeng junior players na nasa likod ng bench ngayon nila Kate at Zoey

"Makinig kayo kaylangan natin suportahan sina Ace, ka-batch natin sila , hindi dapat matalo si Ace ng lalaking yan" sabi ni Miu 3rd year junior high school

"Ano bang nangyayari sayo Miu? Parang kailan lang puro hako! Hako! laman ng bibig mo" sabi ni Tsubame

Tsubame Rikka 3rd year junior high school isa sa player ng shohoku

"Oo nga nag away ba kayo ni senpai?" Tanong nman ni Wakana

Wakana Yukina 2nd year junior high school isa sa player ng shohoku

"Tumahimik nga kayo! Kaylangan natin i-cheer sina Ace, kapag natalo sila parang natalo narin tayo dahil ka-batch natin sila" sagot ni Miu

"Bahala ka sa buhay mo, basta i-checheer si Hakohh" sagot ni Karen Tsukiyama 3rd year junior high

Nabigla si Miu dahil

"Galingan mo Senpai" sigaw ni Tsubame, Wakana, Karen at iba pang babaeng junior players

Lumingon sa kanila si Sakuhako

"Hihi" ngiti ni Sakuhako na nakalabas ang ngipin at nakangiting mga mata

"Ahhhhhhh" nagsigawan sa kiligin ang mga babaeng junior players ng shohoku habang si Miu

"Ggrahhh mga draydor!" Galit na galit na si Miu

At dahil sa maraming nag checheer kay Sakuhako

"Paano maging si hako?" Parang gripong iyak ni Louki

"Ewan ko" sagot ni Otano

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now