"Yim!" Sigaw ni Astro at akmang yayakap siyang yayakap sa'kin pero hindi natuloy dahil may biglang akong narinig na pumaradang bike.

Napalingon ako doon at nakita ko si Rei na ngayon lang ata nakakabalik. Lumingon ako kay Astro na ngayon, nakatingin sa kaibigan ko. Napatikhim mga pinsan niya iyong iba umuubo.

Mabilis din naman kung lumingon kay Rei.

Nang mareliaze ni Rei na may nakatingin sa kaniya ay mabilis siyang tumakbo papunta sa loob. Nakita ko sa aking gilid na mata ang pagngiti ni Astro at napailing na lang.

"Anong ginagawa niyo dito?" Seryosong tanong ni Aiden.

"Bakasyon," Parang kilala ko nagsalita, si Liz ito ha? Nagmatured na ang kaniyang mukha mas lalo siyang gumanda at pumuti. "Anyway, puntahan ko lang bestie ko." Paalaam niya at naglakad na papunta sa bahay nila Rei.

Hindi ko alam na mag best friend pala ang dalawa.

"Kuya, sabi kasi ni Kuya Astro maganda daw ang beach dito. Iyon din sabi ni Ate Liz kaya naisipan namin pumunta dito. Hindi namin alam na nandito ka pala at..." napatingin sa'kin ang kapatid ni Aiden na si Mara. "Kasama mo pala si Ate Yim, nagbalikan na kayo kuya?"

"Hindi." Malamig na sagot ko kay Mara.

Tumawa naman si Astro sa sagot ko. Nakita ko naman na binatukan siya ng lalake. Magsasalita sana si Aiden ngunit naunahan na siya ni Tita. "Magsi-pasok kayo dito, ang gagandang bata mga pinsan ba kayo ni Felix?"

"Yes po, Tita." Sagot ng kapatid ni Astro at nauna ng pumasok sa loob.

Akmang papasok ako pero mabilis hinawakan ni Mara ang aking braso. Dahil mas matangkad ako sa kaniya tiningala niya ako at ngumiti. "Tara na, Ate." Mahinhin na saad niya.

Wala na akong nagawa kun'di tumango na lang. Naririnig ko pa sa aking likuran ang pinag uusapan ng dalawang lalake. About ito kay Rei. Halata namang mahal pa ni Astro si Rei hindi ko alam kung anong nangyari sa dalawa.

"Tita-Ninang, she's pretty, kahawig niya po si Ninong Felix." Bungad ng anak ni Leon.

"Ang cute ate," Malambing na saad ni Mara at bumitaw sa'king braso.

Lumapit siya sa aking inaanak at kinurot ito sa pisnge.

"You're so pretty po, Ate."

"Thank you, baby."

"Kapatid ka po ng ninong Felix ko po? mukha kasi po kayo e," Cute na tanong ng aking inaanak

Tumango si Mara bilang pagsagot sa tanong ng aking inaanak. Nakipaglaro na si Mara sa aking inaanak habang ang dalawang babaeng pinsan ni Aiden ay tahimik lang na nagcellphone.

Umupo ako sa tabi nila kaya napalingon sila sa'kin.

"Maganda ka pa din." Natatawang saad ni Yui.

Siya din naman, mas lalo siyang gumanda. Nahiya akong ngumiti sa kaniya.

"Sabi na nga ba't e, kaya pala hindi ko nakikita pinsan ko na kasama ka-miyembro niya sa band. Nakasunod na pala siya sa'yo," Natatawang saad ng kapatid ni Astro.

"Kaya nga, you know ganiyan kabaliw pinsan na'tin." Sang-ayon ni Yui.

"Iyong dalawa na iyon, baliw hindi titigil kakahabol sa mga babae nila. Buti hindi ka marupok, Yim?" Tanong bigla sa'kin ny kapatid ni Astro.

Umiling ako. "Medyo lang naman."

"You're just like Rei, hard to tame. If I were you, I'd forgive already. It's not bad to forgive, after all. It reminds me of the time when my sibling and Felix were crying because of you and Rei. They were crying to us, clearly showing how much they love you and Rei.'' sabi sa'kin ng kapatid ni Astro.

"If you have any anger in your heart, throw it away because it's harmful to harbor anger. Honestly, I don't understand my cousin. Sometimes, he just makes decisions, perhaps he has his reasons for doing the things that hurt you.'' Seryosong saad naman ni Yui.

Hindi ako makaimik sa dalawa niyang pinsan. "It's clear you still love my cousin. Why can't you find it in yourself to forgive? Why do you let fear dominate, can't you remove the fear from your heart?" Yui asked again.

I tried not to cry at Yui's words.

"You can't escape the past if you continue to wrap your heart in it. If you were hurt before, maybe now you have the freedom to be happy. Remember, Yim. All the tears and pain you're experiencing have a reason," Yui seriously stated.

Napatigil lang siya sa pagsasalita ng dumating ang dalawang lalake. Kasama na nila sila Liz at Rei. Halata kay Rei na awkward siya.

Nagtama ang paningin namin ni Aiden kaya mabilis akong umiwas. Tumayo ako para tulungan si Tita may buhat kasi siyang labahin kaya naman tinulungan ko na siya.

"Tulungan na po kita, Tita."

Walang nagawa si Tita at hinayaan na lang niya ako. Tinulungan ko si Tita sa mga gawaing bahay at tsaka sa paglalaba. Mga ilang oras akong naglalaba habang ang mga pinsan ni Aiden ay nasa kabilang bahay na.

Gusto ko alisin lahat ng gumugulo sa aking isipan, gusto kong alisin mga sinabi sa'kin ni Yui. Mahal ko siya pero, natatakot talaga ako.

Mahal na mahal ko si Aiden, pero paano kung hindi na naman ako piliin niya?

Ang luha na kanina ko pa pinipigilan ay unti-unting nagsisilabasan. Buti wala dito si Tito abala siya sa loob.

"Naglalaba ka na nga lang nag iiyak ka pa, bakit mo iniiyakan iyang mga damit ni Tita?" Natatawang tanong ng isang lalake. At si Aiden iyon.

Pinunasan ko ang aking luha at tumingin sa kaniya na may blankong ekspresyon

"Tulungan na kita." Seryosong saad niya at umupo sa tabi ko.

Tahimik lang kaming naglalaba ni-isa walang naimik sa'min. Siya seryosong nagkukusot ng damit minsan natingin siya sa gawi ko. Habang ako nagkukusot din ng damit ngunit malalim iniisip.

Lumingon ako sa kaniya at doon na nagtama paningin namin. Kumikirot ang aking puso sa tuwing nakikita ko ang mga mata niyang tila may pinapahiwatig. Mga mata niyang nangungulila sa'kin.

Yumuko ako at hindi mapigilang lumuha. Hindi ko mapigilang maging emosyonal ngayon simula noong may sinabi sa'kin pinsan niya.

Ang tigas ko, ang tigas ng puso ko. Takot na takot ang puso ko na baka masaktan na naman baka hindi na naman ako piliin niya. Baka sa panghuli masasaktan na naman ako.

"Yimnia, are you okay?"

Umiling ako at doon na humikbi. "Sorry, sorry."

"Why?"

"Sorry, sorry for being so stubborn, damn it. Sorry for always telling you I don't love you anymore, but the truth is I still do, I'm just scared. I'm so scared, Aiden." I confessed to him. "I'm tired of holding it all in, tired of pretending I'm okay, tired of showing you that I don't love you anymore, but the truth is, it's still you. I believe, I believe you're not Serem's father ever since you told me that. But do you know what I'm really afraid of?" Humarap ako sa kaniya.

Nakita ko ang malambot niyang ekspresyon. "Takot ako, takot akong pumasok sa mundo mo. Mahirap, Aiden. Many people admire you, I don't know what I'd do if we were to become a issue, it would ruin your career because of me. I love you, but I'm scared to enter your world."

"Yim, sorry. I'm sorry, nasasaktan na naman kita. Sabi ko noon, kung sakaling bumalik ka sa buhay ko ikaw naman pipiliin ko. Huwag mong isipin na dahil sa'yo masisira career ko. Mahal kita, Yim. Ikaw pa din, wala akong pakialam kung maissue tayo ang mahalaga mahal na'tin isa't isa."

Niyakap niya ako kaya mas lalo akong umiyak. "Let's face our challenges together, is that okay with you? If something happens, can we face that challenge together? Pwede ba? Can we hold on to each other and face our trials of fate together? Can we?"

Tumango ako bilang pagsagot sa kaniyang tanong.

Trials Of FateWhere stories live. Discover now