Chapter 11

23 5 0
                                    

Chapter 11

Mahuhulog sa'yo

Nanalo din bilang vice president ng council si Basty.

I'm so proud of him. Napatingin ako sa dalawa kong pinsan. Busy si, Zoey sa kachat niya si, duke naman. Nakaheadseat lamang ito. Bihira ko na siyang nakikitang may kachat o nagtitipa sa cellphone.

Pinatay ni Zoey ang kaniyang phone at tumingin sa kapatid niya. Napakunot ang aking noo, kinuha niya ang isang headset ng kapatid niya.

"What the fuck, Ma. Zoey Athena!" Sigaw ni Duke sa loob ng kotse.

"Duke, bunganga mo." Awat ko sa lalake.

Ano na naman kaya nasa isip ng babaeng ito? Nakangiti na habang nakatingin sa kapatid.

"May bigla kasi akong naalala twin. Kumusta kayo ni Haya? Taga mindoro iyon hindi ba? Bihira na kitang nakikitang nakakatuktok sa phone." Daldal ng kapatid.

Haya? Taga mindoro? Siya na iyong laging kachat ni Duke dati?

Kaya na minsan hindi ko na siya nakikitang nakatuktok sa phone niya.

Minsan lang,

Sumeryoso ang mukha ng lalake kong pinsan. "None of your fucking business." malamig na aniya.

"Lincoln, ang bunganga mo talaga. Naririnig ka ni Manong. Anong nangyari sa inyo ni haya?" Kuryusong tanong ng kapatid.

"Who's haya? What is her fullname? para mai-add ko." Sumali na din ako sa usapan ng dalawa.

Minsan lamang ako nag o-online.

"What a headache, pati ba naman ikaw yim? Akala ko ba wala kang pakialam sa usapan?" Tanong sa'kin ni Duke.

Hindi ko mabasa ang iniisip niya dahil blanko ito.

"I'm just curious." Malamig na sagot ko.

"Her name is Hya-" Napatigil si Zoey ng biglang kinuha ni Duke ang headset.

"Close your fucking mouth, Maria! Okay fine, hindi na kami nag uusap, at tsaka walang kami."

"Hala, paanong?! Mag o-one year na kayo ha? Mahal mo na ano? Natatakot kang aminin dahil mahal mo na? Paano kung mahal ka din niya?" Tanong ni Zoey sa kaniyang kambal.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Narinig ko pa ang bulong ng lalake kong pinsan. "Masakit mahalin ang nasa malayo."

Tumigil ang sasakyan, nasa tapat na kami ng bahay namin. Nauna akong bumaba at pumasok sa loob. Naabutan ko si Mommy at Daddy may pupuntahan ata nagmamadali. May dalang kunting bagahe.

"Mom! Dad? Where are you two going?" I asked with curiously look.

"We have an appointment in the states, you take care of it at home. Yim! You just study at home so that your grades can go up." Mommy said seriously, she wasn't looking at me because it was tapping on her phone.

Yumuko na lamang sa kahihiyan, nahihiya ako kay Mommy. Gusto niya mataasan ko si Sebastian kahit na hindi na kami magkaklasi, ako naman ang top one sa room hindi pa ba sapat iyon?

"By the way, Tita, Our new ssg president si Yim po. Halos lahat binoto siya." Sabat ni Zoey habang nakatingin sa'kin at ngumiti.

Pagnandiyan si Zoey nagiging malaya ako, pero pag wala siya nakukulong na naman ako.

"Oh. That's good, may pakinabang ka din pala." Sagot ni Mommy. "We're going now. Take care of yourself sweetheart." Hinalikan niya ako sa noo.

Kahit papaano gumaan ang aking pakiramdam. Tumango na lamang ako. Nilampasan na ako ni Mommy at si Daddy. Niyakap pa ako at hinalikan sa noo. Nang umalis na sila napatingin ako sa siraulo kong pinsan. Nakatuktok na ito sa phone niya, nang maramdaman niyang nakatingin ako ngumiti siya ng napakalawak. Ngiti pa lamang niya mukhang may plano.

Trials Of FateWhere stories live. Discover now