Chapter 12

34 5 0
                                    

Chapter 12

Huwag kang assuming lalake

"What?" tanong ko, pero alam ko naman e. Gusto ko lang ulitin dahil ang sarap sa pakiramdam.

Noong nasa bar kami ayaw kong mag-assume pero, ngayon gusto kong mag-assume na ako pa din ang gusto niya.

"Wala pres, tara na sa classroom. Hindi na ako nagc-cut promise." Malambing na aniya.

Lalong bumilis ang puso ko dahil sa malambing na boses niya, parang bumalik lahat sa dati. Tumango na lamang ako at sumunod na sa kanya.

Umatras siya at pinantayan ako.

"Pres! Kumusta? Tagal nating hindi nagkausap ng matagal? Ang hirap pa lang iwasan ka." Aniya habang hindi nakatingin sa'kin.

Nakatingin lamang siya sa daan.

Dahil mas matangkad siya sa'kin. Tiningala ko siya. Matangos ang ilong niya, perpekto ang labi niya saan kapa?

"Why?"

"Huh?"

"I mean, bakit mo ako iniiwasan?" Kahit alam ko gusto ko malaman sa salita niya.

"Kasi, ano? kasi pres." Napakamot siya sa batok niya at hindi makatingin sa'kin.

"Nagmomove-on, I mean… it's true kinakalimutan kita pero-" May binulong siya pero hindi ko marinig. "Kumusta first time president of council? Mahirap ba? Pres, hanggang ngayon ganoon ka pa din hindi nagbabago."

Humarap siya sa'kin, umiwas ako doon. Nakatingin ako sa kanya kaya nagkunwari akong nakatingin sa unahan.

Huwag mo na lang kaya akong kalimutan.

Gaga ka Yim! Sinaktan mo siya tapos sasabihin mo huwag ka niyang kalimutan, nagpapahiwatig ka na… gusto mo Ikaw lang.

"Mas maganda kasi kung lagi kang nangiti. You're always serious and cold." Seryosong aniya.

Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi niya.

Umakyat kami sa hagdanan. Wala ng istudyante sa hallway. Lahat sila nagkakaklasi na it means late na sa next subject si Aiden.

Hindi ako umimik sa pinagsasabi niya. Wala akong masabi. Dumaldal siya parang bumalik ang dating Aiden kaso, parang lumala.

Lalo na siyang nadaldal at kung ano-ano kin-kwentu sa'kin.

"Hanggang ngayon nahahalata ko na, sinusundan pa din ni, Ares si, Nao. Grabi ano? Pag ibig na ba iyon? Hulog na hulog na badboy na iyon, at ang mas masaklap hindi siya naalala ni, Nao. Deserve niya iyon." Daldal niya.

Malapit na kami sa classroom namin.

"Hindi ka naman ganiyan dati. Ang daldal mas lalong dumaldal." Iritang ani ko.

Napakagat siya ng labi at napangisi, tiningnan ko siya ng seryoso nawala ang ngisi niya. Don't bite your lips or else kakagatin ko iyang labi mo. Ang wild mo babae, hindi ka naman ganiyan dati. Kakabasa mo iyan ng wattpad.

Nakakaakit kasi labi niya.

Pagpasok ko sa room. Naagaw ng atensyon ko ang mapang-asar na ngisi ng aking best friend.

"Let's continue." Sambit ni Ma'am.

Tumingin siya sa akin at tumango. Umupo ako sa tabi ng aking best friend na pinagsisiko na ako pagkaupo ko.

Lumapit siya sa'kin at may binulong. "Close na ulit? Iba na iyan ha? May nahahalata ako sa ngisi ni, Felix sa tingin ko-"

Our teacher cut her off. "Ms. Mariano, si, Ms. Grearta ba ang nagtuturo sa'yo at parang sa kaniya ka nakaharap at may binubulong?"

Trials Of FateWhere stories live. Discover now