PROLOGUE OF TBLW: Trez and Rose

Start from the beginning
                                    

Napapreno ang paa ko dahil sa mga sinabi niya, nang lingunin ko siya ay nakangisi siya habang nakatitig sakin. How dare him! Agad ko siyang tinitigan ng masama at naikuyom ko ang palad ko.

“I won't allow myself to play a game with you Trez Kulton, maglaro ka mag-isa at huwag mo akong idamay sa kakitiran ng utak mo!”

“Oh, come on my wife, hindi mo ba ako namiss? Para namang hindi natin naangkin ang isat-isa kahit na hindi natin ginusto ang kasal na 'yon” mabilis kong inabot ang mga papel na nakalapag sa mesa at pinunit ang kontrata na pinirmahan namin noon.

Agad ko itong ibinato sa pagmumukha niya dahil sa inis na nararamdaman ko. Sobra na ang pang-iinsulto na ginagawa niya sa pagkatao ko!

“Damn you! Wala na akong pakialam sa kasal at kontrata na 'yan! Whether you like it or not, tatapusin ko ang lintek na kasal na 'yon!” singhal ko sa kaniya.

Pagkatapos naming mag-usap ng matino noong nakaraang araw na tapusin na namin ang lahat ay ganito ang sasabihin niya sakin? Pumayag na nga siya eh, tapos nagulat nalang ako na sinugod niya ako rito sa office ng Cafe ko.

“Maaaring napunit mo 'yan but I still have the original copies of that contract. Go on, magfile ka ng annulment but kasabay ng pagpirma ko ay ang 70% na bayad sa utang ng pamilya mo. Dahil kapag wala at nagpumilit ka parin, mapipilitan akong sampahan ka ng kaso at ipakulong”

Napahampas ako sa mesa nang makalabas siya ng pinto. Nanginginig ako sa galit na nararamdaman ko dahil binubwesit niya talaga ako ng totohanan. I hate him!

Napapahid ako sa mga luha ko na kusang dumaloy at binato ko ang mga gamit na nasa harap ko. Bakit kasi bumalik pa ako rito, wala naman kasi akong choice noong tinangay ni Tauruz si Yssa. Kaya wala akong nagawa, kundi sundan sila ni Taraz dahil natatakot ako para kay Yssa.

I never thought na ang tinutukoy niyang ama ng anak niya ay si Tauruz na kakambal ni Trez, dahil nawalan ako ng malay bago siya pumasok sa penthouse ko, dahil sa amoy na nalanghap ko sa panyong itinakip sakin ng tauhan niya. Ayaw kasing pag-usapan ni Yssa ang tungkol sa kaniya at hindi ko na siya kinulit pa dahil kahit ako ay may inilihim din sa kaniya.

Doon ko lang nalaman ang lahat nang sumugod ako sa mansion nila upang kunin si Raz at Yssa . They didn't recognize me lalo na si Trez dahil nakagupit lalaki ako, and at the same time nakasuot ako ng artificial masculine bodies.

Plano ko naman talagang umalis na rito, ngunit sa kasamaang palad nasunog ang bar ko. At doon pa kami nagkaharap ng gagong Trez sa mismong resthouse niya.

Naglakas loob akong pumunta doon nang sabihin ni Yssa na wala ang may-ari ng bahay dahil akala ko maisasama ko na sila pabalik sa Province ng Mabini. Doon na pala magsisimula ang kaguluhan sa buhay ko. And I hate it, sumasabay pa sa agos ang negosyo ko sa nais mangyari ng Trez na 'yon.

Pabagsak na ang bar, at hindi ko alam kung maisasalba ko pa pati ang Cafe. Inis kong hinubad ang artificial male body na suot ko at pabalibag ko itong ibinagsak sa mesa. Sa kabila ng disguised na ginawa ko upang magmukhang lalaki ay nagkita parin kami.

Nakilala niya agad ako dahil hindi ko suot ang artificial male body na ito noong pumunta ako kay Yssa. Kasalanan ko naman eh, nagmamadali ako at naging kompiyansa na wala siya doon.

Agad kong dinukot ang phone ko nang magring ito. Napabuntong hininga ako at sinagot ang video call ni Reza. Ngumiti ako sa kaniya at ganon din siya sakin.

“Hon, kailan ka uuwi? I miss you” napangiti ako lalo dahil kakauwi ko lang noong nakaraang araw, pero mas namiss ko siya. Araw-araw ko siyang namimiss.

“I'm sorry honey, marami pa akong inaasikaso rito. By next day magkakasama na ulit tayo kaya huwag kang mainip okay?”
Tumango siya sakin at nagkatitigan kaming dalawa sa screen at sabay na nagkangitian.

Mabuti nalang at maitindihin siya, siguro nasanay narin siya na natatagalan ako kaka'manage ng negosyo ko. Palihim ko siyang pinupuntahan at wala parin akong planong sabihin kay Yssa ang tungkol sa kaniya.

I'm also scared to being judged by anyone. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan siya mananatili sa tabi ko, kahit mahal na mahal namin ang isa't-isa may posible paring mawawala siya sakin. I'm scared when that time comes.

I love her so much, siya rin ang dahilan kung kaya't hindi na ako naghahangad ng pagmamahal ng iba. She's enough, at hindi na ako papayag pang may lalaki pang papasok sa buhay ko na siyang maging dahilan upang masaktan kaming pareho ni Reza.

“Hon? What's wrong?” nakita ko kasing parang napadaing siya bigla.

“My head is aching” agad akong kinabahan, hindi na ako mapakali dahil kapag nakaramdam siya ng kahit kaunting sakit nangangamba kaagad ako.

“Huh? Sobrang sakit ba?”

“Not so, but I need you. Can you go home? I want you beside me.”
Agad akong nataranta dahil pagkatapos niyang magsalita ay napadaing siya. Kaya agad kong kinuha ang susi ng kotse at napatakbo ako palabas ng office.

“Wait for me honey, I'm coming!”

TBLW > jayewel

HELLO DUDAY'S, SA MGA NAGTATANONG TUNGKOL KINA TREZ AND ROSE HETO NA SIYA. MATAGAL KO NARING NAISIPANG GAWAN NG SEQUEL ANG SBTBS KAYA HETO NA.

PLEASE SUPPORT THIS ONE AND DON'T FORGOT TO VOTE THIS CHAPTER THANK YOU 😘

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Where stories live. Discover now