Chapter 13

5 1 0
                                    

Nakakatitig lang ako kay Yuki habang nagsasalita siya. Hindi ko mapigilang mamangha sa kanya at mapangiti ng makitang may nakuha na siyang pagkain sa bag niya.

Binigay niya sakin ang supot at nagulat ako ng makita kong anong nasa loob, gulat akong napatingin sa kanya, nag-iwas siya ng tingin. Kumuha ako ng pandesal at kumain katulad ito ng kinain namin sa Park malaki ito at may chocolate sa loob. Favorite ko kaya naka dalawa ako, habang kumain nakatitig lang sakin si Yuki. Hindi ko siya pinansin gutom ako e bahala siya jan. Bakit kaya meron siya nito? Favorite niya din kaya?

"Salamat ng marami Yuki...." Pagpasalamat ko sabay abot ng supot.

Kinuha niya ito at parang gulat na gulat siya. Nagtaka tuloy akong tumingin sa kanya.

"W-welcome." Nauutal pa siya.

"Bakit ka nauutal?" Tanong ko na lumapit ng kunti sa kanya.

Umatras siya't tumingin sa bibig ko at nag-iwas ng tingin kumunot ang noo ko at ngumiwi. Bakit anong meron?

"Bakit?" Hindi mapigilang tanong ko.

"Ahm may ano ka dito...." Sabay toro sa gilid ng labi niya.

Napahawak ako sa gilid ng labi ko at kunot noong kinapa. Wala naman akong nakapa kaya pinaharap ko siya sakin. As usual nagulat siya.

"Wala naman akong nakapa ah." I pouted.

Napabuntong hininga siya't lumapit ng kunti sakin, umatras ako. Natigilan naman siya.

"Kukunin ko lang."

Dahan-dahan niyang nilapit ang kamay niya hanggang tumigil sa gilid ng labi ko. Naging bato ako saking upoan hindi ako makagalaw. Malaya niyang nakuha ang chocolate sa gilid ng labi ko. Ganon nalang ang gulat ko ng bigla niya itong kinain! Lumaki ang mata ko't parang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko! Habang siya pangisi-ngisi! OMG bakit niya ginawa yun?! Nakakahiya!

Iwas ako ng iwas ng tingin sa kanya ang awkward! Bakit niya kinain yun? Gutom ba siya? Hindi ba siya nahihiya sakin?

"Miss Hiroshi!"

Napabalik ako sa realidad ng biglang sumigaw si Ma'am Jonna. Gulat akong napatingin sa kanila. Nasa classroom pa pala ako ngayon! Hindi man lang ako nakinig! Nako lagot!

"Bakit po?" Tanong ko habang dahan-dahang tumayo.

"What's with you two? Nakinig ba kayo o wala?!" Galit na si Ma'am Jonna.

"H-hindi po ako nakinig s-sorry po, hindi ko namalayan." Nauutal na sabi ko. Nakakahiya! Ayaw ko talaga sa math e kaya hindi ako nakinig.

"At dahil hindi ka nakinig bibigyan kita ng assignment kailangan ma pass mo na bukas, okay?" Umay. Another puyat na naman.

"Sige po Ma'am." Kahit ayaw ko e wala pa rin akong choice.

Matamlay tuloy akong bumalik sa pagupo at yumuko nalang.

"Ahm Ma'am Jonna dalawa po kaming hindi nakikinig ni Hana kaya bigyan mo rin po ako ng assignment." Narinig kong sabi ni Yuki kaya napa angat ako ng tingin.

Nakangisi siya sakin at kumindat pa. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Ang ending tuloy kaming dalawa ang nabigyan ng assignment. Pero easy lang sa kanya yun dahil matalino siya. But how about me na hate ang math at hindi gustong mag solve?

-

May isang oras pa bago mag lunch pero excited na akong e pass ang gawa kong story at para ma display na rin sa library, kaya ng dumating ang lunch ay nagpaalam na ako sa dalawa hindi ko na sila hinintay na makasagot dahil tumakbo na ako.

Pagdating sa kabilang building pawis na pawis tuloy ako dahil tinakbo ko talaga. Nag ipit ako ng buhok dahil napakainit. Nagulat ang mga nandon pagkapasok ko pa lang ang iba ay ngumiti sakin, may iba namang pinagtatawanan ako habang ang iba ay napanganga. Hindi ko nalang sila pinansin at lumapit nalang kay president.

"Ito na yung gawa ko." Hinihingal na sabi ko bago nilapag sa harap niya.

Nagulat siya, lumaki ang mata niya't napanganga. Hindi niya pa nga nakita napanganga na. OA lang? Tinaasan ko siya ng kilay kaya napabalik siya sa realidad. Napailing siya't tinignan na ang gawa ko. Naghintay ako sa expression niya at masaya ng marinig na e display niya daw sa library mamaya.

Pagkatapos non lumabas na ako para pumunta sa canteen. Gutom ako ulit eh. Pagdating ay nakita ko agad silang tatlo. Lumapit ako sa kanila. Nagtagpo agad ang mga mata namin ni Yuki kaya mabilis kaming nag-iwasan ng tingin. Ang awkward! Ramdam kong nakakatitig siya sakin kaya hindi ako makagalaw ng maayos. Bakit ba siya titig ng titig sakin?!

"Oh besh nanjan kana pala. Bakit hindi mo na kasama yung boy na kasama mo nong una?" Tukoy ni Mirai kay Kiko.

"Busy siya."

Nag order na ako para makakain na kanina pa ako gutom, gusto kong kumain ng kanin at friend chicken na may kasamang coke kaya umorder ako. My favorite!

Ilang minuto ay nandito na ang order ko kaya kumain na ako. Pero hindi ako makagalaw ng maayos dahil nakatitig talaga si siya. Naiilang ako. Parang gusto ko nalang maglaho bigla dito.

Hanggang matapos ang lunch ay ilang na ilang ako sa presenya ni Yuki. Hindi nalang ako tumingin sa side niya at nagpanggap na busy sa pagkain.

"Besh comfort room lang ako." Paalam ko kay Mirai habang nag lalakad kami pabalilk sa classroom.

Tumango lang siya dahil busy sa pagce-cellphone kaya umalis na ako.

Umihi lang ako't nag retouch ng kunti. Nakatitig lang ako sa reflection ko sa salamin ng biglang maalala ang ginawa ni Yuki kanina. Bakit niya ginawa yun? So embarrassing! Pero hindi ko alam kong bakit ako nakangiti ngayon at kong bakit pumula na naman mukha ko! Kinikilig na naman!

Pagkatapos kong mag muni-muni mona ay lumabas na ako ng cr. Pero ganon nalang ang gulat ko ng may lalaking sumandal agad sa pintoan. Nakangisi pa siya na parang inabangan talaga akong lumabas. Hindi tuloy ako makadaan dahil nakaharang siya.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong niya na nakatitig sa labi ko.

"Wala ka na don." Wika ko sabay kuha sa kamay niyang nakaharang.

Natawa siya't sumunod na sakin. Hindi ko alam kong bakit hindi pa siya umalis kanina. Bakit hinintay niya pa ako? Umiling ako't nauna ng maglakad.

-essawritess

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When I Meet You Where stories live. Discover now