Chapter 1

7 1 0
                                    

Pagkatapos ng araw na yun ay hindi na kami ulit nagkita ni Yuki. Na busy din ako sa pagbubukas ng school next week kaya hindi ko na bigyan ng pansin, minsan na kasi ako lalabas ng bahay ngayon dahil wala naman akong importanteng gawin sa labas.

" Anak handa ka na ba sa school mo next week? Balita ko mahirap daw ang ilang subject doon." Tanong ni mama sabay kuha ng remote sa table. Nasa sala kami ngayun, manonoud siya ng TV habang ako naman ay nag advance study sa lesson namin.

" Handa na po ako Ma excited nga ako e. Opo sabi ni Mirai mahirap daw talaga, pero kaya ko naman po yun ako pa." Sagot ko kay mama, sabay tawa. Btw Mirai is my bff since elementary, palagi kaming mag kasama at simula grade one classmate kami hanggang ngayun.

" Galingan mo lang anak, basta bawal muna mag boyfriend huh, bata ka pa sa ganyang bagay." Paalala ni mama, kaya natawa ako.

" Opo Ma wala naman po akong alam sa mga bagay na yan, crush lang po meron hehe." Sabi ko, sabay basa ng nasa notebook. Sa totoo lang hindi naman strict si mama, ayaw niya lang talaga na mag boyfriend ako ng maaga, kaya palagi siyang nagpaalala sakin.

Kong tinatanong niyo kong nasaan ang papa ko ay engineer ang trabaho niya at busy siya kaya minsan lang umuwi sa bahay,  habang si mama naman ay baker. At ako naman ay mabait lang na maganda.  Char.

Pagkatapos ko mab review ay pumasok na ako sa kwarto ko.

"Anak, bumili ka muna ng soft drinks sa convenience store, kumain ako e walang soft drinks." Sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko. Si mama talaga kahit ang lapit lang sigaw ng sigaw.

" Wait lang po pa baba na." Sigaw ko pabalik. Bumaba na ako at lumabas na ng bahay, malapit lang ang convenience store dito kaya nilakad ko nalang.

" Pabili po, soft drinks." Sabi ko sa casher.

Habang naghihintay ay naghahanap ako ng chocolate sa tabi. Pero may nahagip ng mata ko, parang si Yuki may kasama siyang babae, palabas na sila ng convenience. Sinundan ko pa ng tingin pero may humarang, tinawag na rin ako ng casher kaya kinuha ko na ang soft drinks at lumabas na. Pero syempre hindi ko makalimutang bumili ng chocolate.

Habang pa uwi ay iniisip ko kong sino yung babaeng kasama ni Yuki. Mahaba ang buhok niya bagay sa kanya ang suot niyang dress na abot tuhod lang matangkad rin siya at kahit naka talikod ay maganda parin. Siguro girlfriend niya yun.

-

Nandito ako ngayon sa labas ng campus namin naghihintay ng bff ko, tumawag siya kahapon at sabi niya, hihintayin ko siya dito sa labas ng gate, pero ang tagal niya naman kanina pa ako dito ma late na ata kami ngayon ah. First Day of school pa naman ngayon tapos ma late, nakakahiya naman.

" Ahhh OMG besshhy i miss you soo mushh your so pretty!" Sigaw ni Mirai na kakarating lang sabay hug sakin. Yumakap ako sa kanya pabalik, kahit ang ingay nitong babaeng to na miss ko pa rin siya, ang tagal kasi naming hindi nagkita kaya ganito siya sakin ngayon.

Mabait si Mirai at kahit maitim siya ay maganda parin, mahaba ang kulot buhok niya bagay sa kanya ang ano mang damit, lalo na kapag naka ponytail ang kanyang buhok. Sa province siya nakatira, nag board lang siya dito sa manila para mag-aral.

"Na miss din kita beshy pero ang tagal mo naman kanina pa ako dito nag aantay, late na ata tayo." Sabi ko sa kanya, ngumuso muna siya bago sumagot.

"Eh kasi beshyy traffic e." Sagot niya sabay nguso.

"Bilisan mo nalang jan ma late na tayo eh." Wika ko sabay hila sa kanya.

Habang papasok kami sa campus ay may nagsisigawan at magka grupo ng kababaihan, at dahil curious kami ay nakisali kami doon.

Pagkakita ko pa lang sa lalaki ay alam ko na kong sino ito may kasama ulit siyang babae, same as girl sa convenience, sabay silang naglalakad habang nagkwentuhan, kong titignan mo ay parang silang mag kasintahan.

" Ay ang cute naman nilang tignan." Sabi ni Mirai. " Sino kaya yun sila kilala mo ba yun besh?" Dagdag tanong niya.

" Oo kilala ko yung boy si Yuki, si girl naman iwan ko sino yun." Sagot ko sa kanya.

Pinagmasdan ko lang sila ng tingin, hanggang sa nag tama ang mga mata namin pero nagulat ako ng bigla siyang  ngumiti, pero nag-iwas din agad ng tingin.

Pagkatapos non ay pumunta na kami sa room namin ni Mirai, magkaklase pa rin kami hanggang ngayon, pagdating don ay umupo na kami, maya-maya lang ay nag sigawan ang mga kaklase ko kaya na pa lingon ako sa pinto.

" Hala besh classmate pala natin yung boy kanina, si Yuki yun diba sabi mo?" Saad ni Mirai nang makitang si Yuki yung lalaki.

" Hindi ko rin alam na classmate pala natin siya, nagulat din ako eh." Sabi ko habang nagmamasid sa kanya.

Tumingin muna siya sa paligid, pero katulad ko nagulat din siya na magkaklase pala kami, naglakad siya patungo samin, huminto siya sa tabi ko.

"Ahm wala bang naka upo dito?" Tanong niya.

Tinignan ko muna ang nga classmate ko kong ano ang expression nila, pero naghihintay lang pala ng sagot ko. Wala na ring vacant set kaya ang ending ay don siya umupo ngayon.

Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na yong teacher namin. Bago magsimula ang klase ay nag introduce muna.

" Good morning everyone, my name is Yuki Takahashi." Casual na sabi niya.

"Ang pogi niya." Bulong ng bff kong halatang kinikilig. Hindi nalang ako sumagot, baka marinig niya ang lapit niya kasi eh.

Bagay sa kanya ang suot niyang uniform polo na may necktie, student talaga siyang tignan, kaya wala na naman akong masabi ang pogi niya talaga.

Dahil ako na ang next ay nag pakilala na rin ako.

" Good morning everyone, my name is Hana Hiroshi." Casual na sabi ko sabay upo.

Pagkatapos ng pakikilala ay nag discuss muna si ma'am about sa mga rule sa campus at sa classroom. Maya-maya ay recess na.

" Besh tara canteen." Yaya ko kay Mirai.

" Sige besh wait lang." Sagot niya sabay pasok ng make up kit niya sa bag.

Ito talagang si Mirai hindi nag bago noon pa man mahilig na siya sa make up nong mga bata pa kami lagi siyang napapagalitan ng mama niya e ang bata bata pa daw nag m-make up na, hanggang ngayun ganon parin siya kahit maganda naman siya pag walang make up.

" Bilisan mo na jan ang bilis pa naman ng recess ngayun." Sabi ko sabay lingon sa  katabi kong ang tahimik dito.

" Ahem." Parining ko kay Yuki na seryosong nag babasa ng libro.

Lumingon naman siya kaya tinanong ko ito.

" Ahm ayaw mo bang sumama samin sa canteen?" Tanong ko sa kanya.

"Ah may baon akong dala, kayo na lang muna." Mahinang sagot niya, sabay buklat na nmn sa libro.

" Ganon ba, sige next time nalang ." Saad ko sabay tayo.

-essawritess

When I Meet You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon