Chapter 10

0 1 0
                                    

Luminga ako sa paligid hanggang sa nag tagpo ang tingin namin ng katabi kong lalaki na nag-iwas na naman ng tingin.

Si Yuki ba tinotukoy ni Mirai? Nagka gusto sakin si Yuki? Kaya ba siya palagi siyang mag iiwas ng tingin?

No Hana, siguro nahihiya lang siya that's why! Napailing ako sa naisip at humawak pa sa ulo ko.

"Besh ok ka lang?" Mirai asked.

"Sino ba kasing tinotukoy mo?" Tanong ko hindi pinansin ang tanong niya.

"Hindi ba halata?"

"Ang alin ba?" Nalilito ko ng tanong.

Napa buntong hininga siya't lumapit sakin.

"Gusto ka ni Yuki besh." Bulong niya sa tainga ko.

Ha? Gusto ako ni Yuki?! Bakit? Tama ba yung naisip ko ganina? Tama ba yung sinabi ni Mirai?

Natulala ako sa nalaman. Hindi ko alam anong expression ko ngayon. Maging masaya ba or maiilang kay Yuki. Kong gusto niya talaga ako.

"Totoo ba besh? Hindi ka ba nagsinungaling?"

"Totoo sinabi ko. Nagusap sila kanina ni Jade kaya narinig ko."

"Bakit hindi niya sinabi sakin?" Mahinang tanong ko na hindi parin makapaniwala.

"Torpe e. Siguro kanina kong hindi ko lang sila narinig siguro hindi ko malaman." Kwento niya.

Hindi na ako kumibo dahil nandito na si Miss Hillary.

"Good morning everyone." Pormal na bati niya samin.

Tumayo naman kami't bumati sa kanya pabalilk.

"Okay today is club day. Maaari kayong pumili ng iba't ibang club sa kabilang building. Kaya pumila na kayo patungo doon dahil may mag-aassist naman sa inyo doon. Okay?" Announced ni ma'am Hillary.

Habang nakikinig ramdam kong may nakatitig sakin pero hindi ko nalang siya pinansin at iniisip kong anong kunin kong club.

Naglabasan na ang nga students at nag pila na kaya sumunod kami sa kanila.

"Besh anong kunin mong club?" Tanong ni Mirai ng makapila na kami.

"Hindi ko pa alam, wala pa tayo sa kabilang building e. Ikaw ba anong kunin mo?" Tanong ko na tumingin sa paligid.

"Hindi ko rin alam." Napakamot siya sa ulo.

Nagusap lang kami ni Mirai ng may biglang pumila sa likod namin. It was Yuki. Bakit siya pumila sa likod namin? Hindi ko siya pinansin at bumalik sa pinagusapan namin ni Mirai. Pero hindi na ako maka-focus dahil naiilang ako sa presenya niya!

Hanggang  makarating sa kabilang building hindi pumasok sa isip ko ang mga sinasabi ni Mirai dahil kay Yuki. Hindi naman ako ganito noon ah. Simula lang talaga nong sa convenience store naiilang na ako sa kanya. Dagdag pang nalaman kong gusto niya ako. Gusto ko rin kaya siya? Ma research nga mamaya pag-uwi.

Pagdating ay pinapili kami kong anong club ang kunin namin. Nakita kong pumasok si Mirai sa fashion designer na club. Designer pala gusto niya ngayon ko lang nalaman.  Kahit paano bagay naman sa kanya maging fashion designer. Hindi na ako magtaka kong isa siya sa makuha.

Nakita ko siyang pumila sa arts and drawing club kasama si jade. Nag-asaran pa sila bago pumasok. Pero bago siya tuluyang nakapasok sa loob luminga muna sa paligid. Parang may hinanap siya. Sino kaya yun?

Pumasok na ako sa young writer club kahit hindi ko naman gusto maging writer. Wala kasi akong choice at wala akong ibang club na sinalihan tska sabi ni Sir kailangan daw may sasalihan kahit isa lang kaya napasali tuloy ako ng wala sa oras.

When I Meet You Where stories live. Discover now