CCXXX

2.3K 169 343
                                    


INT. LIVING ROOM - MORNING

11:04 a.m.

Mikey
Love? What do you want to bring for later? Potluck daw 'di ba sabi ni Direk?

Robin
Tinatamad akong magluto.


Mikey
Order na lang tayo?



Robin
Oo, sige.



Mikey
Do you think okay na 5 boxes ng pizza and chicken wings?



Robin
P'wede na 'yon. Marami na rin. Baka may iba ring magdala ng pizza sa kanila.



Mikey
Message them na tayo na sa pizza.



Robin
Ah, sige. Magsasabi na ako.




11:06 a.m.


Robin
Okay na. Pasta raw kay Ate Gigi.


Mikey
Love?


Robin
O?


Mikey
How are you feeling?



Robin
Ha?



Mikey
Kasi nabasa ko dito you may experience morning sickness, nausea, body aches especially sa lower back, hips, lower abdomen, and even your breasts. Mas mainit din daw para sa inyo and then mood swings and sensitivity to smell.


Robin
Ang dami mo na atang binabasa d'yan?



Mikey
Of course, para I know what to do. No'ng kay Ate Miggie kasi she told me na madalas daw siyang magsuka sa panganay nila and she said drinking warm water has helped her lessen the vomiting. I'm just reading here para alam ko rin.



Robin pressed her cheek on his harm, peeking on his phone.



Robin
Okay naman ako medyo may ngalay lang sa balakang tapos ayun, mainit.



Mikey
How about your cravings?



Robin
Empanada, daing, santol at manggang nakababad sa suka na may asin, guyabano tapos saging.



Mikey
Wala kang weird food combinations? May nabasa rin ako dito it says she likes eating cucumbers dipped in mustard with sesame seeds, then pickles on potato chips with cream cheese and marinara sauce.



Robin
Wala pa naman akong hinahanap na ganiyang lasa. Basta gusto ko lang ng empanada.



Mikey
Okay.




Robin
Gusto ko ng empanada, love.




Mikey
Hmm?



Robin
Empanada.




Mikey
Right now?



Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon