LXXXVI

1.1K 107 38
                                    


EXT. OPEN AREA - EVENING

6:21 p.m.

Robin
'Te, dahan-dahan lang hindi ako maka-keep up sa 'yo masakit pa rin hita ko.


Gigi
Ay, sorry. E para naman kasi tayong lakad-pagong dito.



Robin
Hala, sige. Mauna ka na.




Gigi
Ito naman, joke lang. Babagalan ko na.



Kachi
Ate Robin!



Kachi rushed in to give her a hug.




Kachi
I missed you, Ate! Ngayon na lang ulit kita nakita!



Robin
Na-miss ko rin kayo! Nandun lang din kasi ako sa kuwarto ko, ang hirap kasing tumayo tapos mag-aakyat-baba pa sa hagdan, 'di kaya ng balakang at hita ko.



Kachi
Ay, I see. Si Ma'am Dana nagsusungit na rin minsan, hinahanap ka na rin niya, Ate.



Robin
Hala?



Gigi
Ay, oo. Madalas kasing magkamali 'yong na-assign sa kanya ngayon kaya naiinis si Ma'am Dana. Palagi nga niya sinasabi tuwing umaga "where's my Robin?".


Kachi
Ay, Ate Gigi, naririnig mo ba bulong ni Mikey tuwing sinasabi 'yon ni Ma'am Dana?



Gigi
Hindi, bakit? Ano sinasabi ni Mikey.



Kachi
Pasimple kasi sa gilid ko bumubulong, sinasabi niya she's not your Robin.


Robin
Ha? Talaga?



Kachi
Oo, Ate.



Robin
Ah . . . okay.




Gigi
Ay, ayun pala si Mikey—



Robin
Tago n'yo ko!



Gigi
Ha?



Robin hid behind Kachi.



Kachi
Ate?




Robin
'Wag n'yo siya tawagin.
Itago n'yo rin ako, please?




Kachi
Okay, why?


Gigi
Aware ka naman, Kaching, 'no?



Kachi
Saan, Ate?



Gigi
Na may gusto si Mikey dito sa isa.



Kachi
Yup, my god! I listen to him every day about Ate Robin. Kung kumain na ba si Ate or if her back still hurts, or if she's asleep kaya wala pang reply or if he can visit her saglit sa room niya and bakit ang tagal mag-cut ni Direk.


Gigi
Naku, malala rin talaga tama.
Parang itong isa . . .



Kachi
OMG?


Gigi
Umiiwas kay Mikey pero alam mo, tanong nang tanong sa 'kin. Nasa gitna ng shoot tapos may papasok na message sabi "Ate si Mikey?" kung kesyo okay lang daw ba si Mikey dahil sa mga stunts niya o kung may salonpas pa. Pasimple din, e.



Kachi
ATE ROBIN?
You like him, too?



Robin
Napaka-ingay n'yong dalawa!



Kachi
But you like him, too?



Gigi
Ay, oo! Ako na sasagot para sa 'yo umay na umay ako tuwing nadadatnan ko 'yan puro palabas ni Mikey pinanonood sa kuwarto namin. Apat na araw na siyang ganiyan!



Robin
'Te Gigi, ano ba! Research kasi 'yon!



Gigi
Oo, research sa crush mo.



Kachi
Ate Robin!!! Is it true?



Robin blushed.


Robin
Hindi, 'wag kang maniwala d'yan.



Kachi
But your face is so red.

Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon