LXXV

1K 105 73
                                    


[Messenger]

Gigi

6:01 p.m.

Robin
ate kooo
busy ka ba?
pwede ka daldalin?
mabubuang na ako dito sa kwarto wala akong makausap tapos kanina pa ako napapaisip 😭


Gigi
ano yan? hehe
chika ka lang break naman

Robin
kasi diba nabanggit ko kagabi na umamin si mikey sakin nung nagtanong ako if gusto niya ako?



Gigi
oo tanda ko!
nakakaloka kayo!
nalaglag na rin yung ate niya sayo



Robin
ayan nga!
narealize ko bigla mga actions niya




Gigi
uy bakit?
paano?



Robin
e wala kasi akong ginagawa dito kanina pa ako nanonood ng movies tapos pipikit sana ako saglit kasi pagod na mata ko tapos bigla akong napaisip



Gigi
sige go latag mo



Robin
naalala ko lang yung time na hinahanap niya ako kapag breakfast, lunch, or dinner tapos kapag napansin niyang di pa ako kumakain, magmemessage siya o kung gusto ko magpahinga, tatabihan niya ako ng pinggan



Gigi
👀


Robin
tapos nung times na tinutulungan ko siya mag read, may dalawang beses siyang lutang moments tapos nung hinihintay kong sabihin niya yung line niya sakin, para siyang nag space out tapos nung tiningnan ko, nakatingin siya sa gawi ko hindi dun sa script



Gigi
haha okay ano pa


Robin
tuwing sinasabi niyang banned si kachi tapos nung nag aya si kachi ng date, bigla rin siyang nag aya. nung mismong date din namin, yung dinner yun sa restaurant na sabi niya siya na lang daw tingnan ko tapos nung hinawakan niya kamay ko nung naiyak ako sa sasakyan niya kasi nakasalubong namin sila kieth non kaya napakwento ako





Gigi
👀



Robin
hindi ko napansin na may something dun sa paghawak niya sa kamay ko pati dun sa sinabi niyang siya na lang tingnan ko kasi nung time na yun feeling ko parang close friend ko rin siya na concern sakin, hindi ko alam na may something pala. pero habang inooverthink ko yun kanina, ang naisip ko lang is super thankful ako na nandun si mikey and na si mikey din yung kasama ko



Gigi
hala ka robinhood?



Robin
hindi ko naisip na sana ikaw or iba kasi at some point, panatag din ako kay mikey 🥹




Gigi
girl ano na



Robin
tapos nung nasa siargao kami hindi naman ako nailang na kami lang magkasama kahit di pa kami matagal na magkaibigan katulad sating dalawa, di naman siya awkward kasama. kasi tingin ko kung may ilang ako, di ko siguro kaya sumampa sa likuran nun tapos 1 week siya lang kasalamuha ko



Gigi
so komportable ka kay mikey?



Robin
parang ganun na nga



Gigi
kahit nung umamin siya kagabi komportable ka pa rin?




Robin
oo
kanina nga ayaw ko pa paalisin dito kasi natatakot ako sa likuran ko tapos di pa ako makatayo. napaisip din ako kung bakit



Gigi
so bakit?



Robin
hindi ko rin alam
pero basta panatag ako na nandun siya kanina




Gigi
robinhood ano na yan!!!
nasabi mo na ba sa kanya yung rule mo?



Robin
oo alam niya at sinabi mo na rin pala e!!!



Gigi
hehe nahalata ko kasi siya one time kaya ayun binanggit ko na yung rule mo



Robin
magcocontinue daw siya



Gigi
despite sa rule?



Robin
oo!



Gigi
tapos?



Robin
ayun.... napaisip lang talaga ako tapos gusto kong idaldal sayo kasi sasabog na utak ko dito



Gigi
nagpapalpitate ka?



Robin
hindi pero ang init ng pisngi ko sobra




Gigi
naquuuuu




Robin
hindi ko na alam kung kilig ba to o ano



Gigi
ROBINHOOD?
IKAW? KINIKILIG?



Robin
ata?
ewan ko!



Gigi
pero ano musta ka kay mikey?
okay lang sayo na may gusto siya?



Robin
okay lang naman
walang kaso kasi freewill niya yan unless may jowa/asawa siya!!!! bawal yon



Gigi
so di ka ilang?
paano yung rule?




Robin
anong rule?



Gigi
GIRL?
AMNESIA AGAD?




Robin
hahahahaha ewan ko na talaga
basta alam ko masakit katawan ko
connected spine sa utak
baka nag malfunction na din
bye iidlip na me tapos na kwento




Gigi
babaeng to?!!!!




Robin
san si mikey?




Gigi
HUY????

Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon