𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 52

Start from the beginning
                                    

“Stay! Hindi ka aalis at hindi ka gagawa ng kahit na ano!” Walang emotion niyang utos sa akin.

“Kelvin, bakit ganiyan ka? Bakit hindi mo magawang kumilos para hanapin ang mga anak ko? Anak mo rin naman sila pero bakit wala kang ginagawa?” Inis na tumayo ako.

Kanina pa ako nagpipigil sa kaniya. Natigilan siya. Masamang tingin ang itinapon niya sa akin. Nakakatakot iyon pero sinalubong ko ng buong tapang.

Bakit parang wala lang sa kaniya na nawawala ang mga bata pero bakit pagdating kay Kaye para siyang mawawala sa tamang pag-iisip sa pag-aalala.

“I already ordered my men to find our twins.” Kalmado niyang sabi

Nagkatitigan kaming dalawa. Sa inakto niya hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng galit sa kaniya. Hindi ko magawang sumagot sa kaniya. Nanatili akong tahimik at hindi gumagalaw sa kina-uupuan ko pero sa totoo lang gustong-gusto ko ng lumabas at hanapin ang mga bata pero hindi ko siya kayang suwayin lalo pa nakikita kung galit siya.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo dito habang siya palakad-lakad lang sa sala at kinakalikot ang cellphone niya. Hindi ako mapakali dahil habang tumatagal na iisip kung nasa panganib ang mga anak ko.

Hindi ko alam kung paano niya na gagawang kumalma na halos mabaliw na ako sa pag-aalala. Na iinis na tinalikuran ko siya at bumalik sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko na nahulog ko kanina.

Tinawagan ko si Aira upang malaman kung anong nangyari. Napahilot na lang ako sa sintido ko ng malamang dinala niya ang dalawa sa mall para maglaro. Pauwi na sila ng mapadaan sa isang park at gusto nitong maglarong muli. Iniwan niya daw ito na naglalaro sa slide upang bumili ng maiinom nito ngunit pagbalik niya wala na ang mga ito at natagpuan niya ang bracelet ni Sea sa damuhan.

Mabilis akong bumaba para sabihin kay Kelvin na maaring na kidnap ang mga bata at wala akong na iisip na gagawa no’n kundi ang fiancee niya na sagad hangang buto ang sama!

Mabilis akong naglakad pababa ng hagdan habang hawak-hawak ang cellphone ko.

“Daddy!!”

Mabilis akong napatigil sa pagbaba ng marinig ko ang boses ng panganay ko na pumuno sa buong sa sala. Sa tuno ng boses niya masayang-masaya ito.

Ilang araw na ang nakalipas mula ng magkita kaming mag-ina at ito ang pangalawang beses na magkikita kami. Wala si Keith ng araw na dumating kami dito.

Na sabi sa akin ni Kelvin na ngayong araw ang uwi nito kaya nga gusto niyang kunin na rin ang kambal upang ipakilala ito sa mga kapatid.

Dahan-dahan akong bumaba at huminto ako ng makita ko na ito na tumakbo papalapit kay Kelvin at hinihila ang laylayan ng suot nitong damit.

“Daddy! Daddy, I have surprised!”

“Not now, Keith.”

Mabilis na tinalikuran ni Kelvin si Keith ng tumunog ang cellphone niya at sinagot ito. Nakita ko namang nalukot ang mukha ni Keith at pabagsak itong umupo sa pang isahang sofa.

Hindi ko maiwasang hindi mainis kay Kelvin sa tinuran niya kay Keith. Kakauwi lang nito ni gawaran niya ng yakap o kaya batiin man lang hindi niya ginawa.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Where stories live. Discover now