𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 29

3.6K 112 8
                                    

KELVIN CLYDE

NAKATAYO ako sa loob ng bakod ng Bahay nakamasid sa tahimik na karagatan at ni nanamnam ang malamig at sariwang simoy ng hangin. I am just wearing a blue short with a pink swan print on it and topless.

This is my life!

Nakaharap sa karagatan at inaabangan ang paglubog ng araw at pagsikat nito. Sa paglipas ng panahon mas pinili ko na tumira sa isang resort for good with my son — my family.

Sa madaming taon lumipas madaming nagbago. Kung noon na bubuhay ako sa galit, sakit at paghihiganti. Umiikot ang mundo ko sa kapangyarihan, kayamanan, babae at kasikatan. Bagay na hindi ko kayang mawala sa akin dahil para sa akin ito ang kaligayahan ngunit nagkamali ako…

Lahat ng iyun ay nagbago mula ng makilala ko siya — Claire. Mula ng maging akin siya, lahat ng naka-sanayan ko ay unti-unting nagbago. Ang galit ay napalitan ng kapayapaan. Ang sakit ay unti-unting napapalitan ng saya. Napagtanto ko rin na hindi sagot ang paghihiganti sa mga taong nakagawa ng kasalanan kundi ka patawaran.

Iyong pagmamahal na ibinigay niya sa akin ang nagturo para buksan ko ang sarili ko para magmahal. Pagmamahal na kayang tanggapin, panindigan at pagkatiwalaan ng buong-buo ang isang katulad ko. Ka-akibat man ang sakit at paghihirap pero alam ko sa sarili ko na nabubuhay na ako ngayon hindi dahil sa galit, kundi sa pagmamahal ng isang taong hangang kamatayan ang pangako.

Sa kabila ng lahat ng nangyari wala akong ibang inuwian kundi ang pamilya ko. Pamilya ko na handa akong tanggapin at mahalin sa kabila ng pagiging masama kung anak. Mahirap kalimutan ang nakaraan ngunit kailangan na itong patungan ng magandang kasalukuyan.

Kaming magpipinsan, solid na solid pa rin hangang ngayon. Palaging kakampi at karamay ang isa’t-isa sa lahat ng bagay. Nagkasundo na kami ni Dad. Natutunan ko siyang patawarin katulad ng pagpatawad niya sa akin. Pinatunayan niya sa akin na mahal niya ako, lahat ng pinaghirapan niya ay na punta sa akin kahit na ako mismo ang gumawa ng bagay na pabagsakin ito.

Walang araw na hindi ni Mom pinadama sa akin na mahal na mahal niya ako kahit na matagal akong na hiwalay sa kanila. Kay Klea, ito nagpapaka-kuya pa rin ako sa kaniya kahit na sobrang tigas ng ulo at isip bata hindi ko pa rin magawang matiis, princess ko iyon e. Nag-iisa. I can say that I am happy and really contented in my life having a family.

“Daddy! Daddy! Daddy!” I heard my son’s voice.

Nilingon ko ang pinanggagalingan nito. Nakita kong kakalabas lang ng anak ko mula sa pinto at tumakbo ito papunta sa kinaruruonan ko. Ngumiti ako ng makita na suot nito ang short ng ka pareho sa akin.

“Daddy!” He tiptoe at ipinatong sa bakod na gawa sa dos for singkong tabla.

“Good morning, Daddy!” Malambing niyang bati sa akin. Nginitian ko siya at ginulo ko ang buhok niya.

“Good morning, buddy.”

Ipinatong ko sa bakod ang siko ko at bahagyang nilingon siya. Nakangiti akong nakatitig sa enosente niyang mukha. Mula buhok, kilay, pilikmata, ilong at labi ay kuhang-kuha niya sa akin. Habang lumalaki siya mas lalong nakikita ang pagkakapareho namin. I can see myself on him when I was a toodler but in a different personality. I was a kid with a full of pain and anger while he was a soft, kind boy that he gets to his Mom.

Sa dami ng pagkakapareho namin masasabi kung malaki pa rin ang pagkakaiba namin dahil siya lumalaki siya na may gabay ko at binubusog ko ng pagmamahal. Ramdam ko na masaya siya sa piling ko kaya hindi ako magsasawa na alagaan at pakamamahalin siya.

Her Mafia King Husband [COMPLETED] Onde histórias criam vida. Descubra agora