Chapter 67: Ang Aso Ni Hisaka Koamoto Na si Sakuhako

Magsimula sa umpisa
                                    

"Koamoto?" Patanong nasabi ni Sakuhako

Pinuntahan ni Sakuhako ang location kung saan sila magkikita ng babae na ang pangalan ay Madam Hikasa Koamoto dahil sa na curious sya sa last name na minsan na nyang narinig sa tatay nyang si Sakuragi, gusto din nyang malaman ang kinuwento ni Kate sa kanya na may kilala daw si David na Koamoto ang last name, marahil heto na ang simula ng paghihiganti nya para kay Kate

Sa isang milktea shop nakita nya ang isang maputing babae na hindi pangkaraniwan ang damit

Masasabing mayaman talaga at na pangkaraniwan ang kagandahan

"Ikaw ba si Hikasa Koamoto?" Tanong ni Sakuhako

"Huh? Ikaw si Hanamichi Sakuhako?" Tanong ni Hikasa

"Oo" sagot ni Sakuhako

"Maupo ka" sagot ni Hikasa

Umupo si Sakuhako habang pinagmamasdan sya ni Hikasa

"Anong kailangan mo sakin? Bakit gusto mo akong makilala?" Tanong ni Sakuhako

"Dederetsuhin na kita, Gusto kitang maging pet" sagot ni Hikasa

"Ano? Pet? Anong tingin mo sakin aso" na medyo na bwisit na si Sakuhako

"Okey, Body guard gusto kitang maging Body guard ko" sagot ni Hikasa

"Body Guard? Kalokohan" sabay tayo ni Sakuhako

"Teka, Hindi moba ako kilala? Ako si Hikasa Koamoto ang anak ng isa sa mayaman na angkan dito sa bansa, babastis mo ako ng ganito" sabi ni Hikasa

"Koamoto, Ahhh natatandaan kona, Nong magbibitiw na si papa sa pagiging chairman ng basketball association, Kung ganun anak ka ng lalaking yun tama ba?" Tanong ni Sakuhako

"Maupo kah!" Sagot ni Hikasa

Bumalik sa pag upo si Sakuhako

"May bayad ang trabahong inaalok ko sayo, Kapag papasok ako sa school sasama ka sakin para bitbitin ang bag ko, kapag magsho-shooping ako, At kapag may lakad ako, Kapag tinawagan kita agad kang dadating yun ang trabahong inaalok ko sayo" sabi ni Hikasa

"Bakit ako? Hindi nman tayo magkakilala, Aminin mo nga may gusto kaba sakin?" Tanong ni Sakuhako na seryoso ang mukha

"Do you want to die? Ang taas nman yata ng tingin mo sa sarili mo, hindi mo ba talaga ako nakikilala? Pasalamat ka nga ikaw ang napili ko bilang pet, May bayad ang inaalok ko sayong trabaho, Anong gusto mo yen o dollar? nagtanong pa ako syempre dollar. 10,000 Dollar per month ayos na ba sayo?" Sagot ni Hikasa

Biglang ngumiti si Sakuhako, Dahil hindi nya inaasahan ito, lalo na naghahanap talaga sya ng pera para makaipon sa pagbayad ng utang ng pamilya ni Kate

"Ang liit nman ata ng 10,000 dollars yan lang ba ang kaya mong i-offer sakin?" Tanong ni Sakuhako

Habang si Hikasa napapaisip na

"Anong klaseng lalaki toh? Kahit na sinong lalaki nababaliw sa kagandahan ko kapag nakita nila ako, pero sya parang normal lang, Gusto pa nyang dagdagan ang offer ko, parang nainsulto ako dun, pwes!" sabi ni Hikasa sa kanyang isipan

"$20,000 dollars sapat na siguro yan" sabi ni Hikasa

"Hindi, ang gusto ko $100,000 per month" sabi ni Sakuhako

"Ahhhh Anohh! $100,000 dollars ano ka ginto? Hindi hanggang 20,000 dollars lang sapat na yun para sa isang pet" sagot ni Hikasa nang biglang tumayo si Sakuhako

"Kung ganun tapos na ang usapan na toh" sabi ni Sakuhako tumalikod na sya para umalis

"Te-teka" sabi ni Hikasa

Suramu Danku: Next Generation 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon