CHAPTER 49

2.4K 40 2
                                    

Chapter 49: Dislike

MAGILIW na sinalubong kami ng parents ni Michael. Nandoon din sina Grandma Lorainne at Grandpa Don Brill. Sinadya na rin na bumili ng pasalubong for them ang tita Mommy ko.

Nagmano ako sa grandparents niya at mahigpit ang yakap sa akin ni Grandma. Hinalikan pa niya ang pisngi ko at matagal na tinitigan ang mga mata ko. Hayan na naman siya sa nakakikilabot na titig na parang kinikilatis din ako at umaabot iyon sa aking kaluluwa.

“Parang ang tagal din nating hindi nagkita, apo.” Napatango ako.

“Oo nga po, eh. Na-miss ko po kayo, Grandma,” nakangiting sambit ko pa.

“Kaya nga nag-set kami ng dinner ngayon para makita ka namin ulit. Anyway, congrats sa competition niyo. Hindi ka man naging champion ay ikaw pa rin ang pinaka-the best na tennis player para sa akin.” I chuckled.

“Thank you po.”

“First runner-up is not bad,” she added.

Hindi agad kami pumunta sa dining area dahil inaya nila kami na mag-coffee muna raw sa balkonahe ng mansion nila.

Umupo ako sa tabi ni Grandma at nasa tapat naming nakaupo sina Grandpa at Tito M. Si Tita Mommy ay sumama kay Tita Jina para tulungan siya sa kitchen nila. Kahit tumanggi naman ang mga ito dahil bisita raw kami.

Sa pagbalik nila ay wala naman silang dalang tray. Sa halip ay si Kuya Markus ang nagdala no’n. Akala ko nga ay kasama na rin nila si Michael pero wala pa rin.

“Are you looking for my grandson, apo?” Tumango ako sa tanong ni Don Brill.

“Two weeks din po kami hindi nagkita, Grandpa at wala po kayong idea kung gaano ko siya ka-miss.” Humalakhak lang siya sa sinabi ko.

“Iba talaga ang kapangyarihan ng isang Brilliantes,” sabi niya at napangiti rin si Tito M.

At masakit din po kayong mahalin.

Isa-isang inilapag ni Kuya Markus ang tasa ng mga kape pero wala roon ang gusto kong inumin. Gusto ko iyong malamig na drinks? Kahit bawal yata sa buntis iyon. Pero iinom na lamang ako ng coffee. Mukhang masarap din kasi ang hinanda ni Tita Jina.

“Hi, Novy. How’s life?” he asked at may ngiti sa mga labi niya. Bihira lang siya kung ngumiti.

“Better po, Kuya,” I replied.

“That’s great.”

“Ang alaga niyong pusa ni Michael?” tanong naman ni Grandma.

“Opo, Si Percy,” nakangiting sambit ko.

Umupo na rin sa tabi ko si Tita Mommy. Kaming mga babae ang magkatabi at akala ko ay hindi na makararating pa si Michael.

“Good evening po,” he greeted us. Bumilis agad ang tibok ng puso ko pero may kirot na rin akong nararamdaman. Dahilan na nahihirapan akong huminga.

Inabot ko ang basong tubig pero dumulas lang iyon sa table kaya nabuhos ang laman no’n. Diretso iyon sa dress ko.

“Oh, my God, hija!”

Maagap si Tita Mommy na tinuyo niya ang tubig sa kamay ko pababa sa kasuotan ko.

“Sorry po, nadulas lang sa kamay ko,” Kagat-labing saad ko.

“You’re already wet, apo.”

“Mabuti pa ay magpalit ka muna ng damit. May extra dress pa ako na hindi ko nasusuot.” Umiling ako kay tita.

“Makapal po ang dress ko, Tita. Hindi ako nito lalamigin. It’s okay po,” ani ko at may pag-aalangan pa sa mga mata niya.

“Are you sure, anak?” my aunt asked me. Nang makita ang matamis na pagngiti ko ay hindi na sila nagpumilit pa.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Where stories live. Discover now