CHAPTER 37

2K 32 0
                                    

Chapter 37: Sulking

PAGKABUKAS ko ng pintuan ay agad akong pumasok sa loob at nagulat pa ako nang tumambad agad sa akin ang guwapong mukha ng fiancé ko. He wore his white t-shirt and black pants.

“Hi, baby. Good evening,” I greeted him, sweetly.

“Bakit ngayon ka lang umuwi? Ano’ng oras na, Novy Marie?” malamig na tanong niya sa akin. Walang emosyon ang mukha niya at parang galit siya. Naka-cross ang magkabilang braso niya. Kinilabutan pa ako, kasing lamig ng yelo ang boses niya.

“Uhm, 7, baby?” mahinang sagot ko at sinipat ko pa ang wristwatch ko. Ilang minutes na rin ang nakalipas nang mag-7PM.

“Exactly, 7. Ano’ng oras dapat umuuwi ang mga empleyado?” sunod niyang tanong. Patagilid akong naglakad kasi lumalapit siya sa akin. Ako ang kinakabahan, parang nasa hotseat ako at tinatanong ng kung ano-ano.

“Ah... Ewan ko, hindi naman ako empleyado. Ako ang owner so—”

“So, ayos lang sa ’yo kahit 12 midnight na ay puwede kang umuwi?” matigas ang boses na tanong niya at naglakad na ako nang paatras. Bakit ba kasi ang dark ng aura niya? What’s wrong with him ba?

“Kasi... anytime naman iyon. Bakit ba? May problema?” Muntik na akong ma-out balance nang may nabangga ako bigla at mabilis niyang hinila ang siko ko saka niya ako niyakap.

“Anytime? Hindi mo ba ako iniisip na puwede akong mag-alala sa ’yo kapag ngayon ka lang uuwi? Take note, Miss. Hindi mo pa sinasagot ang mga tawag ko at hindi ko alam kung saan kita puwedeng puntahan,” mariin na saad niya at tinitigan ang mga mata ko.

“I’m sorry... Busy lang ako,” na-g-guilty na sambit ko.

“Baby...”

“I’m sorry, Michael. Hindi lang nakayanan ng schedule ko kanina, eh. Sorry...” paghingi ko nang paumanhin. Mariin pa siyang napapikit. Akala ko ay magagalit pa siya sa akin pero masuyong hinalikan niya lang ang noo ko.

“I love you,” mahinahon na saad niya at napakahina pa no’n na parang ako lang ang sinadya niyang makarinig.

“I love you too, baby.” He cupped my cheeks and kissed me on the lips. I kissed him back at nang mas lumalalim iyon ay binuhat niya ako. Naglakad siya patungo sa sofa at doon siya umupo habang nasa lap na niya ako.

Pinakawalan niya rin ang mga labi ko nang pareho na kaming naghahabol ng sarili naming hininga. Hinaplos ko ang panga niya at ngumiti sa kanya. Seryoso na naman ang mukha niya ngunit makikita mo sa mga mata niya ang puno ng pagmamahal at admiration.

Sumandal siya sa headrest at pinagdikit ko ang aming noo. Hinahalik-halikan pa niya ako sa mga labi ko at marahan na humahaplos ang dalawang kamay niya sa baywang ko.

“How’s your day?” he asked.

“Stress,” simpleng sambit ko at mahinang humalakhak siya.

“Need help?” Umiling ako kahit malaki ang problemang kinakaharap ko ngayon, isang mabigat na responsibilidad. Masyado ng maraming nagawa si Michael para sa akin at ayokong maabala ko siya nang husto. May sarili rin siyang pinagkakaabalahan at kailangan na ako lang ang makalulutas ng problema ko.

Isa pa, beginner din ako. Ikukuwento ko na lamang ang tungkol doon kapag naging successful na talaga ako. Na kaya na niya akong ipagmalaki sa mga best friends niya, sa pamilya niya at sa ibang tao. Na hindi ko kailangan ng gabay niya at nagawa ko iyon sa sariling pagsisikap ko. Of course, isa siya sa mga inspirasyon ko.

“Thank you but enough ka na for me. Dito ka lang sa tabi ko at nawawala ang stress ko kapag nakikita kita,” ani ko at tinitigan ko ang buong mukha niya. Napaka-perfect ng hugis nito na parang sinadya siyang ihulma. “I love you.” After saying those words ay ako ang unang humalik sa lips niya. Hinalikan niya rin ako, mapusok at marubdob.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora