Napatingin ako sa suot niyang slippers niya. Mabilis na lumipat lang iyon sa center table at inilapag niya roon ang key niya.

“This is your key and thank you,” he said casually. I cleared out my throat. Hindi na ako nakapagsalita pa until he went to the door.

I stared at his back. Mariin kong naitikom ang bibig ko. I wanna say something. Like gusto ko siyang pigilan. I want him to stay with me and pleaded him to take me back with him but I just can’t.

Nang ipihit niya ang door ay tuluyan na siyang lumabas. I stood up at nagtungo rin ako sa pintuan ko. Hinawakan ko ang doorknob at iikutin ko na sana iyon nang umaagos na ang luha ko.

“I missed you so much, Michael... Seeing you like this... is killing me...” I uttered. I rested my back sa door at dumausdos na naman ako pababa.

I was calling his name again, again and again... Napahawak ako sa puson ko nang maramdaman ko na naman ang pananakit nito, sumasabay sa kirot sa puso ko.

I can’t imagine myself hurting like this... Tita Mommy was right. Masakit ang first love. Hindi ko in-expect na ganito pala siya kasakit. Ang memories namin ay naglalaro sa utak ko at naaalala ko lang ang masasayang eksena namin.

Paano kaya nila nalalampasan ang ganitong klaseng pagsubok? Paano nila nagagawang kalimutan ang isang tao na nagbigay sa ’yo nang walang hangganan na kasiyahan ngunit mauuwi lamang sa malungkot na ending?

Paano? Paano ko kalilimutan ang isang lalaking minahal ko na halos ibinigay ko na sa kanya ang lahat?

“I don’t want this relationship anymore, I thought I could handle it. I thought I could still hold it... But it’s not anymore... I’m the one adjusting! I waited for your times! But there is nothing! You are always busy! Then now you give me all your attention you tie me up too! Lahat na lang ng babaeng kasama ko sa trabaho ay pinagseselosan mo na! I love you! I love you at hindi ko kayang mambabae!”

“I am sorry, Novy... I know you can do this, just like me... But thank you, Novy. My love for you is genuine but—”

“But I’m already tired! Pagod na akong intindihin ka!”

“I’m just tired, Novy... We...we need to break up...”

“Pagod na pagod na pala talaga siya, Percy... Pero nahihirapan pa rin akong pakawalan siya... M-Mahal na mahal ko ang engineer na iyon, Percy... Nakapapagod pala akong...mahalin, ano? N-Nagkamali ba ako na ibigay ko ang pagmamahal ko sa kanya? But, but...” Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at kahit ang sipon ko ay tumutulo na rin. “But I really love him, Percy... Sana... panaginip na lamang ito at sana magising na ako... A-Ayoko na rito... Ayaw ko na, Percy... Ayaw ko na...”

PARANG lumulutang ang katawan ko at ang hirap maka-get over sa mga nangyari sa buhay ko. Higit kong naramdaman ang pagod ko.

Titig na titig ako sa company ko. My little brothers help me for this and I was inspired because of my fian—ex-fiancé. Tatanungin ko ang sarili ko ngayon, kaya ko pa ba itong ituloy?

Makakaya ko pa bang ipagpatuloy ang isang bagay na nasimulan ko na? Isa ito sa dahilan kung bakit ako naging busy at halos wala na rin akong oras para sa kanya. Ngunit ang lahat naman ay ginawa ko for him. Sa akin lang ang may mali, ako lang ang nagkulang. Hindi ako naging perpekto.

Mabilis akong napatakip sa ilong ko nang may dumaan na staff ko. “What’s that smell?” I asked her. She’s one of my interior designer. Huminto siya nang makita ako.

“Good morning po, Ma’am Novy. Miso soup po ang kinakain ko,” sagot niya at may disposable cups pa siya.

“Kumakain ka kahit naglalakad?” I asked her in confused. Tipid siyang ngumiti.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon