Kabanata 12

3 1 0
                                    

KABANATA 12

“WHAT IS this, Governor?” Tanong ni Trent sa Gobernador na siyang sumalubong sa amin pagbaba ng sasakyan.

Maraming tao sa labas pa lamang ng kapitolyo. Nagkakasiyahan. Mostly are students and government employees.

“Magandang hapon, Congressman Valte, and congratulations.” Bati nang Gobernador sa aking asawa bago ako binalingan. “Magandang hapon, Mrs. Valte, best wishes on your wedding. I am Governor Abram Santiago.” Anito saka nag-abot ng kamay na agad ko namang tinanggap.

“Same here, Governor.” Nakangiting sagot ko para medyo mabawasan ang awkwardness dahil sa kunot noong lalaki sa tabi ko. Mukhang naiinis na nga yata. “Salamat ulit sa pagdalo,”

Tumawa ang matanda, tila nahahalata na ang inis ni Trent kaya inaasar pa lalo. “Pasensiya na kayo sa abala, Newlyweds. But the Congressman’s scholars prepared a little congratulatory banquet."

Habang nagpapaliwanag ay iginiya kami nang matandang Gobernador patungo sa isang malawak na tanggapan kung saan nagaganap ang salu-salo. Nasa bandang dulo ang tanggapan kaya naman lumakad pa kami sa isang malawak na hallway. Bawat empleyado ay galak na bumabati sa dalawang pinuno nang probinsiya na malugod naman nilang tinutugon kahit na hindi maganda ang timpla ng mood ni Trent.

Nang maabot namin ang isang mataas at malaking pinto ay hinarap na muli kami ng Gobernador.

“We’re very sorry that we interrupted your honeymoon, but the scholars are so excited when they learned that you’re still here in the province. Nag-request nga sa akin na kung pwede raw ba kayong sumaglit sana kaya… heto,” kiming ngumiti si Gov Santiago. At saka sumenyas sa kasamang tauhan na buksan ang malaking pinto.

“That’s not a problem, Governor.” Pampalubag loob ko sa matanda dahil tahimik pa rin si Trent. Mukhang naiinis pa rin base sa mahigpit niyang kapit sa kamay ko. Ayos naman siya habang nasa biyahe, ah. Bakit pagbaba namin ng sasakyan ay parang gusto na niyang manuntok? “Sabi ko nga kanina kay Trent ng matanggap niya ang tawag mula sa kaniyang sekretarya ay walang leave o day off ang pagiging public servant.”

Galak itong tumawa, tuwang-tuwa. “Your wife is understanding, Congressman Valte. Mukhang naka-jackpot ka.”

Congressman Trent Darion Valte dangerously smirk and possessively wrap his arms around my small waist. “Yes, Governor Santiago. Very.”

Mukhang patuloy pa sanang mang-aasar ang matandang Gobernador nang magsilapit na ang mga estudyante sa gawi namin. Mukhang lahat nga ay estudyante at ilan lamang ang empleyado na nag-aasikaso. May lumapit naman sa Gobernador na isang estudyanteng lalaki na kahawig nito kaya nawala na siya sa paningin ko.

Natuon ang atensyon naming mag-asawa sa bawat pagbati at picture nang mga scholars. Mukhang kahit inis ay hindi maiwasan ni Trent na ngumiti sa mga bisita. Not like earlier, now, his smile is genuine.

Paminsan-minsang nakikipaghuntahan na siya sa mga bata ngunit hindi nawawala ang braso sa aking baywang o kaya naman ay nasa aking balikat. Kung may nagpapa-picture man, bumababa ang kamay niya sa aking kamay. Holding my hands tight.

Kahit nakikipag-usap ay hindi nawawala ang paminsan-minsang pagsulyap niya sa akin. Sinusuri ang kabuuan ko. Bago bahagyang sisimangot. Para siyang bata. Childish. Alam ko na naman na may ganitong katauhan ang lalaki pero nakakaaliw pa rin kapag nakikita ko.

“Ma’am, ang ganda mo po!” one of the scholar said while giggling. Naghahampasan pa sila noong dalawang kasama niya.

“Oo nga po, Ma’am. Kanina pa nga kami kinikilig sa tuwing titingin sa ‘yo si Congressman Valte. Mukhang nagseselos na sa mga lalaking tumitingin sa ‘yo.” Sabi naman nang isa.

“Ganda po ng damit niyo at mukhang mamahalin saka din po ang mga accessories mo po,”

Hindi ako gaanong sanay makisalamuha dahil nga hindi naman ako pala-labas kung hindi mga kaibigan at mga Kuya ko ang kasama. Kung sa bar o club, hindi ako masyado nakikisalamuha.

What’s with my clothes, though? I am just wearing a tight white crop top which shows a little bit of my cleavage. And a ruffled black mini skirt, it’s length is just in the middle of my thighs. Sa paa naman ay five inches Valentino wedge boots. Wala rin naman akong gaanong accessories kundi pearl earrings, a simple thin gold chain of necklace with my initials, and a silver Bell & Ross wrist watch.

“You want?” tanong ko sa estudyanteng babae na bumati sa mga accessories ko. I don’t know how to deal with the public, kaya… basta kung ano na lamang ang pwede kong i-offer.

Nahilaway na rin kasi ako kay Trent na nakikipaghuntahan na sa iba doon sa kabilang bahagi ng bulwagan. Naiwan ako dito sa maiingay na mga estudyanteng babae. Mas dumami na sila dito.

Nagtilian sila sa sinabi ko.

“Nakakahiya po, Ma’am, saka hindi naman po bagay sa amin ang ganiyang mamahaling mga gamit.” Lukot ang mukha nang isa.

I chuckled and caress her hair. “I can give you this if you want. Just say it.”

“Hindi na po, Ma’am. Salamat na lang po.”

“Saka po pala, best wishes po sa kasal ninyo ni Congressman. Sana po ay mas sumaya si Congressman sa piling niyo.”

“Mukhang love na love kayo ni Congressman, Ma’am. Kanina pa tingin ng tingin dito,” wika nang isa pa bago sila malakas na nagiritan.

Kaya talagang napatingin na sa gawi namin ang nasa kabila. “Yieeeee!”

This girls are something.

Matapos iyon ay iginiya nila ako sa mesa na may mga pagkain. Inihanda raw nila iyon para sa salu-salo nila pero ng malaman na hindi pa naman kami nakakaalis ng probinsiya ay humiling sila sa Gobernador kahit na nahihiya.

Akala ko hindi basta nalalapitan o makakasalamuha nang mga mahihirap na mamamayan ang matataas na tao sa politika. Well… that’s what my observation is to other places, provinces and cities. But here in Marinduque, where Trent Darion Valte is the highest in position… mabilis siyang malapitan. Magaan siyang nakikisalamuha sa mga tao at halatang hindi siya napipilitan lamang. Genuine kung baga.


I AM SILENTLY watching the people inside the room when Trent sit beside me. Agad niyang ipinatong ang braso sa sandalan ng upuan ko.

“You good?” masuyong tanong nang lalaki. Kahit halatang kulang pa sa tulog ay maaliwalas ang bukas ng mukha. Marahan niyang iniipit sa likod ng aking tainga ang ilang hibla ng buhok na bahagyang dumikit sa aking pisngi.

Marahan akong tumango at sumubo ng maliit na tipak ng cake na nakahain. “Gusto mo?”

He chuckled lowly. “Kainin mo na. Mukhang nag-aalok ka lang out of generosity.”

“Your people are very welcoming,”

“They’re not my people, Munchkin. I am their people.”

My forehead knotted. “Why’d you say so?”

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang itinawag niya sa akin dahil sa sinabi niya.

“Hindi ko sila pagaari,” he smiled genuinely while looking at the students and employees gathering because of the small games.

Napagkasunduan na magpa-games para sa lahat. Tigil raw muna sa trabaho para sa maliit na kasiyahan. May ilang mga tao na rin na mukhang may sadya sa munisipyo ang naroon sa loob para makisaya. Isinali na rin. Though, the security tighten a little bit for the safety of us. Alam kong gawa ni Trent kaya dumagdag ang mga bodyguards. Maraming tao kasi.

Tapos bukod pa ‘yong security ng kapitolyo. Wala na rin naman ang Gobernador, nauna nang umalis dahil may aasikasuhin. May ilang konsehal nang bayan at lalawigan na rin ang nasa lugar. Ipinakilala sa akin ni Trent lahat kanina pero hindi ko na halos matandaan ang mga pangalan.

They also congratulated us and wish for our wedding.

“I’m not saying that you own them but… di ba, ikaw ang—”

“No, Munchkin. Ako ang pag-aari nila,” he said softly while staring at me. “Dahil wala ako sa pwesto na ‘to kung hindi dahil sa mga tao. Kung hindi nila ako ginusto, so the least I could do is to make my work good—nah… best if I must. Dahil ipinagkatiwala nila sa akin itong mahal nilang tirahan… kasama na rin nang iba pang mga pinuno nang bayan.”

I close my eyes when he caress my left cheek using his warm right hands. He is really dedicated on his chosen career. Totoo nga iyong mga balita na napapanood ko sa TV. Okay… yes, lagi ko nang inaabangan sa TV kung ibabalita ba si Trent simula no’ng una ko siyang napanuod regarding the ordinance he passed.

“Munchkin?” kunot noo kong tanong. Ngayon lang tuluyang nag-sink in sa akin. He stifle a laugh by biting his lower lip. I glare at him. “What!?”

Trent shook his head and pinch my nose lightly. “You looks cute and small that’s why I prefer calling you Munchkin.”

Halos umusok ang ilong ko dahil sa sinabi niyang maliit ako. Malakas lamang naman siyang tumawa at pinisil ang magkabila kong pisngi kaya paulit-ulit ko siyang sinapak sa braso.

“Masakit, Trent!” singhal ko habang hinihimas ang nasaktang pisngi.

“Oh?” agad siyang nakihimas sa pisngi ko. He’s pouting while massaging my face. “Sorry, Munchkin ko. Masakit? As in, masakit na masakit ba, hmm? Sorry.”

I can’t help but to stare at him, cutely pouting while so focus on caressing my cheeks. My heart is beating so fast and loud. When? Ahm. Kailan nagsimula ang ganitong pakiramdam? Nahuhulog na yata ako sa asawa ko.

❣️

The Capable Wife (ONGOING)On viuen les histories. Descobreix ara