Kabanata 9

4 0 0
                                    

KABANATA 9

TAHIMIK ang naging hapunan namin. Kaming dalawa lamang ang kumain sa kusina. Matapos kasing maghain noong dalawang babae kanina, na napag-alaman kong mag-ina, ay agad rin silang umalis. Until we finished eating, no one talked. Kahit walang imikan ay paramg tahimik naming napagkasunduan na siya na ang maghuhugas ng plato. Well, there’s a dishwasher kaya inilagay lang niya roon.

Ako naman ay nagtungo sa living room para hintaying matapos sa kusina si Trent. Nakakahiya naman na papasok na agad ako sa kwarto ko na hindi pa siya tapos sa pag-aasikaso sa kusina ay iniwan ko na.

And because its really eleven in the evening and tired, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa sofa habang bukas ang television. Nagising lamang ako ng maramdamang may humahaplos sa pisngi ko pababa sa panga at bahagyang dumadampi sa gilid ng labi.

Namulatan ko si Trent na masuyo akong pinagmamasdan. Kahit nakita na niyang gising na ako ay hindi siya tumigil sa paghaplos.

Nakatulog akong nakaupo at nakasandal sa likod ng sofa. Nasa tabi ko naman si Trent, nakatukod ang kaliwang kamay malapit sa ulo ko.

Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa. I even feel his hot breathe on my face. Napapikit na lamang ako at wala ng magawa ng dahan-dahang bumaba ang mukha niya sa akin. I close my eyes, waiting, but I open my eyes again when it didn’t happen. The kiss I was expecting. He’s just staring at me. Paulit-ulit na binabasa ang mapupulang labi gamit ang kaniyang dila.

Paulit-ulit rin siyang lumulunok kaya naagaw ng adams apple niya ang atensiyon ko. A little bit distracting but at the same time… hot.

“I—I’m going to sleep—”

Hindi ko na natapos ang sasabihin. He aggressively kiss me full on my lips. Nanatili akong nakamulat, hindi gumagalaw dahil sa pagkabigla. His aggressive kiss became soft and gentle as the minutes pass. Hanggang sa hindi ko namalayan na sumasabay na ako sa paggalaw ng kaniyang malalambot na labi. I close my eyes and savor the kiss.

Parehas kaming hinihingal at naghahabol ng hininga ng magkalas ang aming mga labi. Pinagdikit ni Trent ang aming mga noo, hinalikan ako sa ilong bago isiniksik ang mukha sa aking leeg. Tulala ako. I can’t–I mean, hindi ko ini-expect na hahalikan niya talaga ako. That… that delicious and breathtaking kiss.

I tightly close my eyes when I felt his breathe hitting my neck. Nanatili ang kaliwang kamay niya sa gilid ng ulo ko at ang kanan naman ay nakahawak na sa aking braso, marahang humahaplos.

“I’m sorry… nadala lang. Your—” he cleared his throat. “your lips looks tempting, that’s why.”


PARANG walang nangyaring halikan kagabi, hindi kami nailang sa isa’t-isa kinabukasan or… pinili na huwag nang alalahanin ‘yon. Halos magkasunod kaming nagising the next day, sabay rin kaming naligo sa magkaibang banyo. May mga damit na’ng nakahanda para sa akin.

Plain black short tops, maong rip jeans, and a pair of underwear. Sa paa ay isusuot ko na lang ulit ang suot ko kahapon na three inches chunky heels. Hindi ko na itinanong kung ipinabili ba niya ang damit. Mamaya na lang kapag naalala ko.

Palabas na ako sa main door ng Villa ng mapansin ko ang personal securities na nakakalat. May ilan ring mga nakaitim ang mga damit. Ibang grupo yata ng bodyguards? But why there are different group? O baka may ibang bisita? Itinanong ko kasi kanina kay Miriam, ‘yong dalagitang nagsisilbi, kung nasaan si Trent ang sabi niya ay nauna na raw lumabas.

I’m not that hungry so, I set aside eating breakfast. Napanganga ako ng sa tuluyan kong paglabas ay maabutan ko ang binata na nakasandal sa isang gwapo at magarang sasakyan… parang siya. I shook my head, kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko. Sumagi rin panandali ang halik kagabi.

Mercedes S-Class. One of the luxury car.

“Let’s go?” aniya ng makalapit ako ng tuluyan. Pinasadahan pa niya ako ng tingin mula uli hanggang paa kaya nailang ako at iniiwas ng mata sa mainit na tingin ng panunuri nang binata. “Bagay naman pala sa ‘yo ang simpleng kasuotan.” Ngumisi pa siya.

Napairap ako. I don’t know if it’s a compliment or what… nakangisi kasi kaya parang hindi kapani-paniwala.

Hindi ko na nagawang pansinin ang paligid ng marahan niya akong hawakan sa siko at igiya sa back seat na binuksan nang isa sa bodyguard.

“Where are we going?” tanong ko ng makasakay na rin siya sa tabi ko, sa unahan ay ang driver.

Trent hold my hand and caress it using his thumb. “Kakain.”

“Kakain?”

“Breakfast. I also want to tour you around our province. Sa probinsiya kung saan ako ang namumuno… the province I am taking care of.”

Malayo-layo pa ang biniyahe namin bago tuluyang makalabas sa bakuran ng Villa. Kung lalakarin ang property ay aabutin ng kalahati hanggang isang oras palabas sa gate. Wala akong ginawa habang nasa biyahe kundi ang pagmasdan ang paligid. Pine trees ang nakahilera sa tabi ng kalsada palabas ng gate ng Villa. Hindi ko napansin ang mga bulaklak kaya baka... sa likod lang may tanim.

At nang makalabas naman ay napuna ko ang sobrang lalawak na palayan at ibang pananim. The green surrounding is so calming in the eye.

“I have appointments and meetings on the company. Kaya… hindi ako pwedeng magtagal dito. Ang usapan natin, we were going to just look for the venue.” Pahayag ko. Hindi pwedeng matagal na mawala ako, na-postpone na nga ‘yong meetings ko kahapon dahil sa pag-aayos ng kasal. ‘Yong pagsusukat ng wedding gowns at iba pa. Tapos ngayon, mapupurnada pa ulit ang re-scheduled meetings para sa araw na ito dahil sa biglaang plano nitong lalaking kasama ko.

But… siguro, ginagawa ko lang alibi talaga ang meetings. I don’t know. Naguguluhan ako. Lalo kapag… kasama ko ang lalaking ‘to.

Dati naman wala akong pakialam kung may meeting at scheduled appointment dahil naroon naman si Mommy at Kuya Krys to be my sub. Saka wala talaga akong pakialam sa meeting. Pinipilit lang nila ako.

I heard him heave a sigh. “Wag ako,” nakangising aniya. Tila inaasar ako. “Krystian told me that you’re not that hands-on on the company. Spoiled brat.”

Inirapan ko na lang siya. Lintek talaga ‘yang si Kuya Krys, makikita niya. “But, how about the chopper? Baka magalit ang may-ari no’n at hindi pa naisosoli?”

Ano bang inaarte ko? Mabuti nga at wala ako sa kompaniya. Iwas sa trabaho lalo na at naro’n si Mommy. Tatambakan na naman ako ng gawain. Sumasakit ang ulo ko kapag nakakulong ako sa loob ng apat na sulok ng opisina. Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko. Hindi ako mapakali.

“Alam ni Kole na hindi—” tumikhim siya at nanahimik. Tila may nasabing hindi dapat.

Mapanuri ko siyang tiningnan. Kunot-noo. “What about Kuya Kole?”

“H-Huh?” tila nataranta pa siya sa tanong ko. Weirdo.

“Nothing. Malayo pa ba tayo, nagugutom na ako.” Pag-iiba ko ng usapan. Panigurado wala naman akong makukuhang sagot mula sa kaniya kahit pilipitin ko ang braso niya. Baka ibalibag pa nga ako. Kahit kasi medyo may pagkasira ulo siya ay hindi maitatanggi na misteryoso siya.

“Malapit na,” sagot niya bago kinausap ang driver. “Sa Viktor’s Diner tayo.”


TAMA nga iyong sinabi ni Shamia sa akin, maganda ang probinsiya nang Marinduque. Naii-kwento raw sa kaniya nang boyfriend na si Kaiser. Taga rito raw sa Marinduque iyon, ‘e.
Nakarating kami sa Diner na medyo may kalayuan sa Villa. Nagutom ako sa biyahe kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa na bumaba at pumasok sa restaurant na halatang pang-alta sociedad lamang.

My forehead creased when I saw the menu. The restaurant feels so elegant on the outside, well, even on the inside. Masasabi talaga na para sa mayayaman lamang ang diner pero kapag nakita na at nabasa ang menu, sobrang affordable ng mga pagkain.
Kayang-kaya ng mga nasa middle class.

Napansin yata ni Trent kaya natatawa niyang inagaw ang menu sa kamay ko saka niya kinawayan ang waiter na nakatayo sa gilid.

“Yes, Sir?”

Iniabot nang lalaki ang menu sa waiter. “You gave us the wrong menu.”

I saw the waiter’s eyes widened. Mukhang natakot sa pagkakamali.

“Sorry. Sorry po—sorry po, Congressman. Pa-pasensiya na po…”

“It’s okay. Ayos lang,” sansala ko na dahil parang paiyak na ang babaeng waiter. I heard Trent chuckled. Mukhang inaasar pa ang waiter na natatakot na. Walang-hiyang Congressman ‘to. Inabot ko siya mula sa kabilang mesa saka sinapak. “Stop teasing the girl, Trent Darion!” Inirapan ko pa siya bago bumaling sa nakayukong waiter. “Bring us the right menu,”

Masama kong tiningnan si Trent na natatawa pa rin.

“What? Hindi ko tinatawanan ‘yong waiter. Ikaw!”

“Damn you, Valte!” singhap ko.

“Para sa first floor ang menu na naibigay niya.” Paliwanag nang lalaki, natatawa pa rin.

Nasa third floor kasi kami ng restaurant. Nagpa-reserve pala siya para sa amin.

Tatlong palapag ang kabuuan ng Viktor’s Diner. First floor pala ‘yong menu na mga mura ang presyo, sa second floor ay café. Mga cookies, cakes and any desert tapos may mga milktea, shakes, coffee. Any desert. And the third floor, for the elites.

“Oh? Daan tayo sa second floor later?” asam ko. Pinagdikit ko pa ang dalawa kong palad sa harap. Umiling lamang siya saka tiningnan ang papalapit na waiter. This time, she hands us the right menu.

Nagsimula siyang tumingin sa menu at mag-order. Hindi ako sinagot.

Nakasimangot kong kinuha ang menu na nasa harap ko at nagsimula na ring um-order. I love sweets, kaya kahit hindi niya ako samahan mamaya ay dadaan ako.

“Stop pouting,”

“Basta sasamahan mo ‘ko later?”

Wala siyang nagawa kundi tumango. Masaya naman akong pumalakpak. I really love sweets. Natigilan lamang ako ng mapansing nakatitig si Trent sa akin. I feel my cheeks reddened. Umiwas ako ng tingin. Nakakahiya!

Nang dumating ang pagkain ay agad akong nagsimula. I am excited to go downstairs for the dessert.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng tumunog ang phone ko. My mom is calling.

“Excuse me,” paalam ko kay Trent. “I’ll just answer this call.”

Tumango lamang ang binata at nagtuloy sa pagkain.

Lumabas ako sa veranda sa third floor. Maaliwalas ang hangin.

“Yes, mom?”

[“Maganda ba ‘yong venue?”] iyon ang salubong niya sa akin.

My forehead crease. “Paano mo nalaman, ‘My?”

As far as I know, wala akong pinagsabihan ganoon din si Trent Darion.

My mother sneered on the other line. [“Koleen told me. Kung hindi pa sasabihin nang kapatid mo ay hindi ko malalaman.”]

“Si Kuya Kole?”

[“Oo. Ang Kuya Kole mo.”]

My forehead crease. Iniisip kung paano nalaman ni Kuya Kole, hindi ko naman sinabi sa kaniya. Or… baka naman nabanggit ni Trent dahil narinig ko ang pangalan ni Kuya sa kaniya kanina.

Tumango na lang ako kahit hindi naman niya nakikita. “I didn’t see it in day light but I saw a glimpse last night and it’s magnificent, Mommy.”

[“It’s a garden wedding, right?”]

“Yes, ‘My.”

[“Nagtataka lang ako sa ‘yong bata ka. Bakit garden wedding ang gusto mo ‘e hindi ka naman mahilig sa mga bulaklak. Anong arte ngayon ‘yan?”]

I rolled my eyes. Ang atensyon ay napunta sa loob ng restaurant kung saan naroon si Trent na may kausap nang isang magandang babae. Sopistikada. Nakaupo na ito sa upuan kong iniwan sandali.

Napairap na naman ako ng makita ang malawak na ngiti ni Trent Darion Valte. Tuwang-tuwa.

[“Are you still there? Krystaleen?”]

Nakalimutan kong kausap ko mga pala si Mommy. That man is really… I heave a sigh. What is this feeling? Naiirita ako ngayong nakikita ko siyang may kausap na ibang babae.

***August ❣️

The Capable Wife (ONGOING)Where stories live. Discover now