Kabanata 7

2 0 0
                                    

KABANATA 7

ALAM kong may binabalak sina Mommy at Daddy na arrange marriage, ang hindi ko lang inaasahan ay ako pala. I thought it will be from one of my four brothers first.

Kaya heto ako ngayon, sinusukatan para sa wedding gown. Gusto ko sanang ako ang magde-design ng sarili kong gown pero hindi pumayag si Mommy. Pinapili niya ako sa mga wedding gowns na dinesign niya. Magaganda naman kaya hindi ako nakapili agad. But I want a simple yet elegant one.

I choose a sheath dress drapes straight and narrow from the top of the dress to the bottom. Its neckline is strap on one shoulder that drapes across the bustline with a high slit on the left legs. Maiksi lang rin ang veil na susuotin ko. Ayoko rin noong may mahabang hila sa likod. I want to walk comfortably on the aisle.

Sa paa naman ay kulay white na ankle strap heels. The style featured a pointed toe with a strap that reached toward the ankle from the center of the toe to a flat belt circling the ankle.

Halos isang buwan na kaming nag-aasikaso ng kasal ni Trent Darion. I want to get a people to take care of the wedding for us but Mommy and Tita Kaye contradict my decision. Payag rin sana ang binata sa nais ko dahil busy siya sa politika pero wala ring nagawa dahil sa Mommy ko at Mommy niya.

After kong malaman ang engagement, nag-aya akong mag-bar. Wala lang. I just want to relax and think about the engagement. Nabigla ako, sa totoo lang. Hindi man lang ako sinabihan nila Daddy ng advance.

Hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko na engaged na ako. Kahit pare-pareho kami ng estado sa buhay, hindi sila naniniwala sa fix marriage. But on my case, hindi naman ako makakatanggi lalo na at bata pa lamang ay unti-unti ng ipinaparinig sa amin na baka dumating ang araw na ma-engage ang isa sa aming magkakapatid sa fix marriage.

Uminom lang ako ng uminom. Minsan ay nakikipagkulitan kina Lourine at sa bodyguard ni Shamia na over protective. Nakasalamuha rin namin ang banda o grupo ng ex ni Ysabella.

Hindi ko alam kung lasing na ba ako o sadyang nakikita ko si Congressman Valte sa bar counter.

Nagpaiwan ako ng magpaalam na sila Shamia na uuwi na. Wala na si Ysa, natangay na yata noong ex niya. Si Lourine naman ay bagsak na rito sa couch sa tabi ko. Panigurado may itinext na si Sham para sumundo sa amin, well, hindi naman ako lasing kaya si Lou lang ang susunduin.

Nang makaalis sila ay agad akong tumayo at lumapit sa counter kung saan naroon si Trent Darion. “Hi, future hubby!”

The Congressman grimace and look at my body. “What are you wearing?”

What’s wrong with my dress? “Damit?”

Napairap siya at muli akong sinuyod ng tingin. Ano ba kasing masama sa suot ko? It’s just a bandage bodycon sleeveless cocktail dress. Mababa ang neckline na umabot sa aking sikmura. Sa gilid ng kaliwang hita ko ay tila mga tali lamang na nakakabit sa laylayan ng dress ang tumatabon. Kitang-kita tuloy ang maputi kong legs hanggang ibaba ng bewang.

“Alam ko. Pero mukhang kinulang naman yata sa tela ‘yan at pati lubid ay inilagay na.”

Mahina akong napahagikhik. Conservative pala itong mapapangasawa ko. “Alangan naman mag-pajama at jacket ako rito sa bar, ‘no?”

He did not answer. Wala rin siyang sinabi ng mag-order ako ng sunod-sunod na alak. Nanatili siyang nakamasid. Umangal lamang siya ng magpaalam ako na sasayaw sa dance floor. Hinawakan niya ako sa braso at sa halip na sa dance floor ay hinila niya ako palabas ng nasabing bar.

Hindi ko na alam kung anong nangyari basta nagising ako kinabukasan na masakit ang ulo. Nasa bahay ni Congressman Valte na maraming tsismosang katulong. May sarili palang bahay ang lalaki. Ready-ing ready na magkaroon ng sariling pamilya.

Nabalik ang utak ko mula sa paglalakbay at napalingon kay Tita Kaye ng bigla siyang pumasok sa VIP room ng boutique kung nasaan kami.

“May I see what you choose?”

The boutique is also connected to Krysta’s Fashion. The Aleena’s.

I give her a small smile. Nahihiya pa rin ako sa kaniya, sa kanila. Lalo na sa kapatid ni Trent na si Darius. Masyadong seryoso ang lalaki at suplado.

“Yes, Tita. I want this one…” itinuro ko ang gown na napili ko mula sa brochure na puro design ni Mommy.

“That’s beautiful. No wonder nakuha mo ang talent nang Mommy mo. Simple but elegant.” Papuri niya.

Medyo tumaas pa lalo ang confidence ko dahil roon. Hindi biro ang makakuha ng papuri sa isa sa tinitingala sa lipunan.

“Sigurado, mahuhulog na sa ‘yo ang Darion ko once na makita ka sa araw ng kasal niyo.”

Namula ang mukha ko. Kimi akong ngumiti. Hindi alam ang isasagot.

“Ako na ang bahala sa jewelries mo, Krysta!” she giggled. “I’m so excited,”

Maraming business si Tita Kaye at isa rito ang sikat na jewelry stores all over the country and outside. Lahat ng mayayaman sa lipunan, maging mga artista ay sa kanila bumibili at nagpapagawa.

Sila, excited. Ako, kinakabahan.

Nasa labas si Mommy kausap ang namamahala ng boutique. I don’t know what they’re talking about, pero baka tungkol sa gown. Sabi rin kasi niya ay bukod ang gown na susuotin ko sa reception.

Matapos ang pagsusukat sa akin at pag-aasikaso ng iba pang gagamitin ay nag-aya na si Mommy na umuwi. Akala ko ay kasama akong uuwi pero ang dalawang babae, mukhang pinagtutulungan na naman ako. Inutusan akong pumunta sa opisina ni Congressman Valte.

Nakabusangot tuloy ako ng papasok sa building na pag-aari nang mga Valte. Pagbaba pa lamang sa sasakyan ay may sumalubong na agad sa akin.

“Good afternoon. Ano pong sadya nila?” tanong sa akin nang lalaking lumapit. Mukha siyang bodyguard na assistant.

Ngumiti ako sa lalaki. “Kay Trent.” Napansin ko ang bahagyang panlalaki ng mga mata nang lalaki. Natanto ko ang maling sinabi. May katungkulan nga pala sa lipunan ang lalaking ‘yon. “I mean… kay Congressman Valte.”

Marahang tumango ang lalaki bago nagsalita sa dalang walkie-talkie. Iginiya niya ako sa reception area. May dalawang babae na naroon sa loob. Agad silang ngumiti ng makita ako. A very welcoming smile. Masyado namang friendly pala ang employees nang mga Valte.

“Yes, Ma’am?” Agad na tanong nang isa.

“Nasa taas ba si Congressman?” tanong nitong lalaki na sumalubong sa akin.

“May meeting kasama si Senator Valte. Bakit?” bumaling muli sa akin ang babae. Shane, ayon sa nameplate. “Si Congressman po ang sadya?”

Mukhang hindi ako kilala ng mga tauhan nang mga Valte. Well, konti lang naman talaga ang nakakakilala sa akin. Sa kompaniya lamang at ilang kaibigan. Hindi rin naman kasi ako pala-labas ng bahay.

“Yes. Attorney Valte wants me to talk to her son now.”

I saw their eyes widened. Agad na tumawag sa taas ang babaeng Shane ang pangalan. Ang lalaki naman ay may kausap rin sa walkie-talkie. I understand that their security is so tight. Dalawang matataas na tao ba naman ang nasa building, ‘e.

“I’m sorry, Ma’am, but his assistant said that Congressman Valte is in the middle of an important meeting.” Wika nang babae matapos ibaba ang telepono.

Napairap ako. Ano ba kasing ginagawa ko rito? I heave a sigh. Oo nga pala. Inutusan ako na ayaing lumabas ang mapapangasawa ko. Hindi ba pwedeng sa tawag ko na lang siya ayain? Ang hirap palang lapitan nang lalaking ‘yon dito sa opisina.

“Maghintay na lang po kayo sa waiting area… Ma’am?”

Napairap ako. Ngayon pa niya naisipang itanong ang pangalan ko. “Krystaleen Garcera.”

Shane, the receptionist, cleared her throat. Maybe she somehow recognize me by my surname. Sina Kuya lang naman kasi ang kilala talaga sa pangalan nila plus the surname.

“Krysta’s Fashion?” singit noong babae na kasama ni Shane.

I nodded.

Nanlaki ang mata niya. “Ang gaganda po ng damit roon saka sa Aleena’s.” Bumaling ang babae kay Shane. “Gusto ko ngang bumili sana ng damit sa Aleena’s kaso ang mahal. Pang mayaman lang talaga,”

Napangiwi ako. Hindi ba talaga affordable sa lahat ang nga damit at gowns namin?

Umupo ako sa waiting area kahit na labag sa loob ko. Pero makalipas ang halos kalahating oras ay hindi na ako nakatiis. Ang tagal-tagal!

Lumapit ako ulit sa receptionist. “Pwede na ba?”

“I’ll ask po sa taas, Ma’am.” Nakipag-usap ang babae sa telepono. Tapos ay hindi alam kung ngingiti o ngingiwi ng humarap sa akin. “Hindi raw po muna tatanggap ng bisita si Congressman. May mahalaga raw pong aasikasuhin.”

Nag-init ang ulo ko. “Gagong lalaki talaga ‘yon!” Bulong ko. Wala ng pakialam kung marinig nang mga kaharap. “Sabihin mo si Krysta! Isusumbong ko siya kay Tita Kaye.”

Atubili man ay muling tumawag sa taas ang babae. Mukhang kay Congressman ang loyalty nila dahil hindi man lang natinag ng marinig ang pangalan ni Tita Kaye.

Mayamaya pa ay tumawag na si Shane ng security at pinasamahan ako sa taas. Nakailang hingi pa sila ng pasensiya na tinanguan ko na lamang. Hindi naman kasi nila alam saka hindi ko naman sinabi. Para saan naman kung sabihin ko?

Sinalubong ako nang isang babae na mukhang secretary ng makababa ako ng elevator.

“Sorry for the inconvenience, Miss Garcera. Akala kasi ni Congressman ay kung sino lang na naman ang sinasabi sa baba na bisita.”

Napataas ang kilay ko. “So, maraming kung sino-sino ang bumibisita sa kaniya?”

Alanganing ngumiti ang babae. “Mga babae po kasi na nagpapapansin kaya akala ko… ano, ahm, sabi kasi niya na ako na ang bahala kapag ganoon. E, hindi po kasi sinabi agad ang pangalan mo kaya…”

Tumango na lamang ako. Wala ng saysay kung magalit pa. Naroon na, ‘e. Nangyari na.

“Congressman, narito na po si Miss Krysta.”

Balewalang tumingin lamang ang lalaki bago muling ibinalik sa papel na binabasa.

I press my lips tight. Nilingon ko ang secretary, “you may leave us.” Nang makaalis ang babae ay padabog akong lumapit sa mesa ni Trent. “Halos isang oras akong naghintay sa baba. Wala ka naman palang meeting talaga! Meeting ‘kamo’ kay Tito Tim, wala naman.”

Nakangisi siyang tumingin sa akin. “Who told you to come here?”

“Mommy mo!” singhal ko.

“Na magiging mommy mo na rin…”

Tangina! Nagagalit ako, di ba? Dapat galit ako.


***August ❣️

The Capable Wife (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon