Samantala si Kate na tumakbo, umiyak walang tigil na punupunasan nya ng kamay nya ang labi nya matapos syang pwersahang halikan ni David
Pakiramdam nya katulad na sya ng mga babaeng umaaligid kay David, Madumi, adik, naninigarilyo at walang pangarap sa buhay
Umiiyak sya dahil wala na syang takas sa kapalarang naghihitay sa kanya, ang ipakasal balang araw sa lalaking hindi nya gusto ang nag nakaw sa first kiss nya
Nadapa sya nang bumangon sya nakaupo sya sa semento
"AHHHHHHH!!" Sigaw nya ng malakas
Nang biglang nagbago ang mga mata ni Kate, naging matapang ngunit unti unting nawawalan ng buhay
"Heee Gusto nyo nang laro? Pagbibigyan ko kayo" sabi nya sa kanyang sarili
Habang magkaharap si David at Renz
"Nalaman ko na tinuturuan pala kayo ng lalaking yun ng japanese language, bakit may balak ba kayong pumunta ng Japan?" Tanong ni David
"Wala ka ng pakialam dun" sagot ni Renz
"Tsu! Mayron akong kilala sa bansang yun, Gusto mo bang malaman kong sino sya?" Tanong ni David habang nanatili lang sa ilalim ng basket si Renz
"Sya si Hikaro Koamoto" sabi ni David
~~~
"Koamoto?" Tanong ni Sakuhako
"Oo, Yan ang kwento sakin ni Kuya Renz" sagot ni Kate
"Parang narinig mo na ang last nman na yan kay papa, Pagkatapos nang laro nila sino nanalo?" Tanong ni Sakuhako
"Natalo si Kuya Renz, Araw araw syang binubugbug ng gang ni David, awang awa ako sa kanya, kaya gumawa ako ng paraan para
~~
Sa bahay ni Jasmin, dumating si David isang kasunduan ang nilapag ni Kate
"Ano toh?" Tanong ni David
"Kasunduan, Basahin mo"sagot ni Kate
"Sasama ka samin, pero may kundisyon naiintindihan ko, sinabi kona sayo hindi ka katulad ng mga babaeng iyon, dahil special ka Kate" sagot ni David
"Naiintindihan nman pala tayo, kapalit ng pagsama ko sa inyo, Titigilan nyo na si Kuya Renz, Kapag hindi mo tinupad ang mga kasulat dyan, Magpapakamatay ako" sagot ni Kate na seryoso ang mukha
Nakita ni David na seryoso si Kate sa mga sinabi nito sa kanya
"Hindi mo ba alam, nakahanda na akong mamatay" sabi ni Kate
Ang nakasulat sa kasunduan na binasa ni David ay titigilan na nila si Renz sa pagbubugbug nila kapalit non ay sasama na si Kate sa GANG ni David
Ibig sabihin miyembro na ng gang si Kate ngunit may mga kundisyon
Una hindi pwedeng hawakan ni David si Kate, Hindi nya pwedeng gawin kay Kate ang mga ginagawa nya sa ibang mga babae, sasama lang sya yun lang
"Naiintindihan mo ba? Hindi mo nman siguro gusto na maging isang adik ang mapapangasawa mo kagaya ng mga kasa kasama mong mga babae" sabi ni Kate
"Kahit wala nito, Hindi ko talaga gagawin sayo ang ginagawa ko sa kanila, para sakin mga laruan lang sila at ikaw ang endgame" sagot ni David
Simula non, sumasama na si Kate sa Gang ni David, habang naninigarilyo, umiinom ng alak o di kaya may binubully hindi sya sumasali, nanonood lang sya sumasama lang sya, isa yan sa mga kondisyon ni Kate
![](https://img.wattpad.com/cover/356110030-288-k760086.jpg)
YOU ARE READING
Suramu Danku: Next Generation 1
RomanceDalawang Kambal si Sakuhako at Akito sino sa kanila ang Tunay na Henyo sa Basketball?
Chapter 66: Ang May Ari Ng Basketball Association, Ang Pamilya Koamoto!
Start from the beginning