CHAPTER 46

22 1 0
                                    

"Nag enjoy ka ba?" tanong ko ka'y Syrielle habang hawak-hawak pa rin ang kamay niya, nadaanan namin ang toy store ngunit ayaw pumasok ng batang ito, "May gusto ka bang bilhin?"

"Yung magagamit ko po kapag pumasok na ako sa school"

"School supplies?" tanong ni Caleb, agad naman akong ngumiti.

Pumasok kami sa school supplies store, "Okay na ba ito?" turo ko sa isang balot ng lapis

"Andami naman po niyan, dalawa lang po kamay ko" ngising sambit niya, pati si Caleb ay binigyan ako nang nakakapang asar na tawa

Bumulong ito sakin, "Ano pakiramdam ng may anak na practical?" ngumuso ako nang marinig iyon at binigyan siya ng masamang tingin

'Dahil nga hindi pa napag u-usapan ang school ay kinuha ko na lamang ang mga kailangan ni Syrielle para sa pag pa-practice niya mag sulat pa lalo nang tuwid.

"Don't worry i-eenroll kita sa international school of manila, baby girl"

"I think, private preschool m--"

"Ako ang masusunod, may preschool doon, early childhood education, okay?" umirap ako bago tinignan si Syrielle na ngayon ay naguguluhan.

"Kahit po sa public school nalang po"

"I'm sorry kung naguguluhan ka saamin, pero kasi gusto ko kasi na ma-experience mo kahit pa-paano, alam ko--"

"Okay lang po, naiintindihan ko. Wala po akong karapatan na mag reklamo ‘dahil ang swerte ko na po kasi papaaralin niyo po ako." Mahinang sambit niya

Hinaplos ni Caleb ang buhok nito, "Puwede po ba natin subukan ‘yung photo booth, lagi po namin nakikita ng mama ‘yan dati, kaso wala po kaming pera kaya hindi kami makapag picture" bulalas ni Syrielle

"Siyempre naman." Hawak-hawak namin ang kamay ni Syrielle habang pa-pasok doon sa photo booth, si Caleb na rin ang nag bayad, ayaw paawat.

"Pose po tayo," kinuha ng anak ko ang frog headband at sinuot iyon ka'y Caleb, nag pi-pigil ako na huwag tumawa, sa akin naman ay sinuotan ako ng crown headband ni Syrielle, kinuha ko naman ang flower crown at sinuot iyon sa kaniya

"Mama calista, ang ganda ganda niyo po!" Inayos nito ang buhok ko, nasa gitna namin si Syrielle habang si Caleb naman ay naka tingin samin, "Cutie frog" bulong ko sa kaniya

"Gorgeous, queen." Napanguso ako sa sinambit nito at agad na tinignan siya, ni hindi ko nanga napansin na nakuhanan na pala kami ng litrato na naka tingin ako sa kaniya

The three of us are now laughing, smiling, taking pictures, giggling. Syrielle looks so happy, I don't think she could be any happier. After a while, we've taken dozens of photos and now our smiles are all genuine. Naka ilang pose kami, may mag kayakap, may iba't ibang outfit, costume, headband.

"Kayo naman po dalawa, hug po kayo hehe" ngising saad ni Syrielle, tumingin ako sa direksyon ni Caleb na ngayon ay walang gorang-gora.

"Lapit pa" bulong nito

"H-Huh? Okay na ‘to!"

Inilapit ako nito sa kaniya hawak-hawak nito ang baywang ko para mas lalong malapit sa kaniya, "Okay na ‘to, baka mag palit na tayo ng muka kapag sobrang lapit"

"Kiss po sa pisngi!" Maligayang sabat ni Syrielle. Saan ba niya nalalaman ang mga ganito, "Please?" malambing na sabi ulit niya

"Sa pisngi lang ah? pàtay gutom ka pa naman sa halik!" bulaslas ko.

"Okay. One...Two, thr--" nagulantang ako nang
mahalikan ko siya sa labi imbes na sa kaniyang pisngi ‘dahil lumingon ito bigla, "Sugapa!" Bulong ko agad na mahinang hinampas ang balikat niya

"Ayieee!" Kinikilig na tugon ni Syrielle, agad itong lumapit saamin na naka ngiti

"You like it, calista" he whispered.

"Hindi kaya!"

Pero, siyempre, gusto ko. Ang choosy ko naman kung ayaw ko hindi ba?

We walk out of the booth with smiles plastered on our faces. Caleb holds my hand as we walk towards the exit, holding Syrielle by the other hand. Hindi ko na rin napapansin ang oras, mag ga-gabi na rin pala, ibig sabihin ilang oras na kaming nasa mall? parang minuto lang.

"Nag enjoy ka ba?" tanong ni Caleb

"Opo, sobra sobra, salamat po papa Caleb!"

We make our way out of the mall and back to the car. Syrielle falls asleep again and Caleb places her in the backseat and she is now resting peacefully. Caleb comes to the driver's seat and starts the car, he looks at the rearview mirror and sees Syrielle sleeping soundly. Mukang napagod ang batang ito, naka ilang oras ba naman kaming nag picture.

Caleb smiles at the sight and he looks at me as we begin our drive home, napa alam ko na rin si Syrielle sa lolo niya na saamin muna matutulog si Syrielle kahit isang araw, gusto ko lang na masolo namin siya, kahit sandali. Kahit isang araw lang, kahit isang araw na anak ko siya na anak namin siya.

Nang makarating kami ay buhat-buhat ni Caleb si Syrielle paakyat ng kwarto, inilapag nito ang bata sa malambot na kama. Napa buntong hininga akong umupo sa sopa na katabi ng kama ni Caleb.

"Hindi pala nakaka pagod maging masaya, ang sarap sa pakiramdam" pag amin ko ka'y Caleb na siyang ikina-lapit nito saakin.

He slowly takes my hand and grips it tightly, this small gesture is enough to make me shiver, "Masaya ka ba? na ako at si Syrielle ang kasama mo?"

"Masaya?" Caleb repeats the question with a smirk. "No, I'm way past happy right now, it's like nothing can bring me down. I feel like ako ang pinaka ma-suwerteng lalaki sa mundo." Ngumiti siya sa’kin. "And the best part...it's all because of you and Syrielle, without you two in my life, I would've been stuck in miserable oblivion."

"Thank you, caleb"

"Thank me for what?" ngising tanong nito

"We should thank you, it is due to your kindness that my life ended up like this." He glances at Syrielle who is peacefully asleep.

"Ako? kindness? eh, demonyita nga ‘daw ako eh!" Natatawang sabi ko

Caleb laughs, "Maybe at times...in certain circumstances.."

"Ah talaga, uma-agree ka pa talaga? sige, wala kang katabi matulog!"

Tumawa muli ito, "Hindi ko naman sinasabi na ganoon ka lagi, but there are times when you can be...a little mean" He chuckled

"Matulog ka mag isa mo!"

Tumawa muli ito bago mag salita. "I'm just messing with you, you know I can't sleep without you." He holds my hand tightly again.

"Wow, parang hindi natutulog mag isa, ano ka baby? baby damulag?"

Caleb shakes his head with a chuckle, "Calista dati ‘yon, and you know I have a hard time sleeping without you next to me."

"Ay sus"

"Maybe I am a baby and I need help sleeping." He glances at my face with a teasing look

"You know, just like a baby, I cry if you're not in my arms."

"Aba, lumalanturay siya, baka saan nanaman mapunta itong usapan natin ah"

"Mamaya sa gawaing baby na" bulong ko. Saba'y iwas ng tingin

Caleb laughs softly, "I'm in the mood for creating a baby"

Lakas ng pandinig nito, "Hoy mag tigil ka!"

Caleb laughs and squeezes my hand, "I can't help it, the urge is too strong."

"Urge urge ka diyan" tumayo ako at nag tungo sa CR para kahit pa-paano ay presko. Nang matapos ako mag shower ay tumabi na rin ako ka'y Syrielle, "Tignan mo nga naman, gagawa 'daw ng baby? pero inunahan ako matulog!"

Napa tingin ako sa mag ama ko, ang cute nila matulog. Huminga na rin ako, pinag ma-masdan ko lang sila nawawala lahat ng pagod ko, "Kapag ready na ako, sasabihin ko sa’yo ang lahat, pangako 'yan anak ko" hinalikan ko sa noo si Syrielle.









Villanueva Series #2: Love's Fatal TwistNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ