CHAPTER 20

30 9 0
                                    

Ilang araw na rin mag mula nang maka-uwi ako nang hospital, hanggang ngayon hindi pa rin namin nakikita si mommy. Pinag sabay namin ang burol ni daddy at nang anak ko ngunit picture nang ultrasound ko lamang ang inilagay namin sa katabi nang burol ni daddy. Dahil nga ang sabi nang doktor ay fetus lang raw ang baby ko. At hindi maaring iburol.

Matapos ko asikasuhin ang mga kamag anak at mga business partners na dumating pati ang mga kaibigan ni daddy ay lumabas ako upang mag pahangin. Ilang araw din akong walang tulog nahahalata ko rin sa sarili ko ang pag ka wala kong gana na kumain wala na rin akong balita kay Caleb.

Naka tingala lamang ako sa kulay asul na kalangitan. Habang patagong kinikim-kim ang sakit na nararamdaman.

"Anak, baby ko" Palihim akong humikbi.

"Sorry baby, sorry."

"pero if ever man na mag kita kayo ni daddy" Unti-unting nadudurog ang boses ko habang nakatingala sa kalangitan

"Paki sabi naman sorry mahal ko sila, at tsaka sorry din baby ko hindi ko manlang makita mag lakad ka, hindi ko manlang nahawakan o nahalikan ka...Gusto kitang yakapin, Anak. Gusto ko makita ang pag laki mo, ang madinig ang unang salita na lalabas sa bibig mo, gusto ko makitang makapag aral ka, pero wala kana, búllshít

Parang nadudurog ang puso ko...Mali. Kasi durog na durog na, tila ba hindi na mabubuo pa.

"Calista?" Pinunasan ko agad ang luha ko nang marinig ang tinig ni Jia, lumapit ito sakin at hinaplos ang likuran ko. "Andito lang kami"

"Pahinga ka muna, kami na muna ang bahala dito, ilang araw ka nang walang tulog"

"Pu-punta ako kay Caleb."

"Para saan pa?"

"May kailangan akong balikan at ibalik sakaniya, andoon rin 'yung mga importanteng gamit ko..."

"Samahan na kita?" Sumeryoso agad ang muka nito pero umiling ako.

"Ay oo tama, baka mag sabong kami nun" Patawang sambit nito, mahina nitong kinurot ang pisngi ko, "Ingat ka"

Ginamit ko lang 'yung sasakyan ko, may kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko tingin ko naman ay wala si Caleb sa bahay niya. Kailangan ko lang talaga makuha ang mga gamit ko. May gamit ako doon na ibinigay ni daddy kaya hindi ko kayang ipag sawalang bahala nalamang.

Nang makarating ako ay hindi ko maiwasang tumangis ngunit ka agad ko iyong pinunasan , Walang pa tumpik-tumpik akong pumasok sa loob, pero nakakapag taka dahil hindi nakasarado ang gate pati na rin ang pangalawang pintuan.

Pag pasok ko nang kaloob-looban ay napaka gulo nang bahay mistulang walang nakatira. Hindi ganito ang tinirhan ko dati, napaka linis nito ngayon ay puro basag na bote lalo na ang basag-basag na flower vase. Wala na rin akong naririnig na tinig kahit sa labas o loob.

"Calista?" Lumingon ako ka agad sa tinig na narinig ko, puno nang lungkot ang mga mata nito habang papalapit saakin. Agad niya akong niyakap.

"Mabuti at dinalaw mo si Caleb"

"Asaan na po 'yung ibang katulong?" Takang tanong ko dahil wala na akong maaninag na ibang tao na naririto.

"Sini-sante na ni Caleb, tanging ako nalang ang natira, puro inom nalang ang inaatupag ni hindi nanga niya magawang makapag trabaho. 'Yung mga ka-trabaho niya pinuntahan na siya pero tinaboy niya. Tapos 'yung Chief Prosecutor nag padala na nang Show Cause Letter, pero hindi pa rin siya pumapasok nang trabaho ni hindi umaalis nang silid mo andoon lang siya mag damag." Mahinang sambit nito ngunit madiin at maliwang sa tainga ko ang mga pinag-gagawa niya sa sarili niya

"Baka naman, hija. Kausapin mo si Caleb"

"Wala po kaming pag u-usapan, kukunin ko lang po 'yung mga gamit ko. 'Yun lang, pasensya na manang" Ka agad akong pumasok sa silid ko.

Nadatnan ko si Caleb na nakahiga sa sahig. Napansin ko rin ang mga boteng naka-kalat at naka paligid sakaniya ang buhok nito ay gulo-gulo, naka handusay ito sa malamig na sahig.

Kinuha ko ang maleta ko at ka agad na inimpake ang mga mahahalagang gamit ko.

"C-Calista?" Rinig kong tawag sakin ngunit hindi ko pinansin at patuloy lamang sa pag salansan, natigil ako nang bahagya nitong hinawakan ang braso ko.

"Please..." Caleb begged.

He held tightly to my arms, not wanting to let me go. He looked desperate.

"Wala nang rason para tumira ako dito, wala nang rason para lokohin natin ang isa't isa"

"There's still a reason..." Caleb desperately whispered, "You can't leave me, you're the only one I have. You're my world."

"Please Calista, I have nothing without you. I need you. I need you..."

"Ginagó mo ako, nakikipag séx ka sa iba habang katabi mo ako? para makipag higanti. Ngayon bawing-bawi kana.

"I made a mistake, I know I fùcked up but please give me another chance. I know I have no right to ask you this but I'll never let go of you"

"If you only knew how deeply sorry I am and how badly I regret it... please forgive me" Caleb begged, tears forming in his eyes.

"Bitawan muna ako, tapos na. Hindi ko maibabalik ang buhay ni Krisella, mas lalong hindi mo maibabalik ang buhay nang anak ko" Inalis ko ang pag kakahawak nito sakin, hinatak ko ang maleta, hindi ko siya pinapansin, nakita ni manang kung paano mag makaawa sakin si Caleb.

Lumuhod ito sa harap ko na siyang pumipigil sakin lumabas, hinawakan nito ang kamay ko, kasabay non ang pag hagis nito sa maleta.

"Tama na, hindi ba dapat nag se-celebrate ka ngayon? hindi ba dapat nasa club ka? nag papa-kalasing sa saya kasi nakuha muna 'yung gusto mo na mangyari sakin?" Tinanggal ko ang kamay niya sakin.

"Mag saya ka! Ka..Kasi nakuha muna 'yung pag hihiganti na gusto mo? hindi nga lang ang batas na gamit mo, kundi ang karma na idinadalangin mo araw-araw at bawa't minuto! Pero hindi pa ba sapat yung binigay ko na lahat? dalawang buhay ang nawala sakin eh.." tumayo ito at tangkang yayakapin ako pero kaagad ko hinampas ang dibdib nito

"Pútanginà" Sigaw nito, "Dalawang tao din ang nawala sakin Calista, bakit sarili mo lang ang iniintindi mo, nawalan din ako oh..."

Umiiling ako 'dito, "Bayad na ako, sobra pa nga, sobrang-sobra... 'dahil sa'yo nawalan ako ng anak, Caleb..."

"Tapos na, wala nang dahilan para mag bayad 'dahil bayad na ako sa lahat ng utang ko sayo. Nag wagi ka. Congrats ang kagustuhan mo na mag dusa ako habang buhay, nangyari na!" Kinuha ko muli ang maleta ko malalaking hakbang ang ginawa ko upang makalayo sakaniya. Naramdaman ko ang kirot sa dibdib ko

Villanueva Series #2: Love's Fatal TwistΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα