CHAPTER 43

51 2 1
                                    

"Sysy" Rinig kong tinig na pa-punta saamin, isang matandang lalaki.

Pinunasan ko ka-agad ang luha ko, inayos ko rin ang pag kaka-tayo ko.

"Lolo ko!" Sigaw nang bata, napa tingin ako ka'y Caleb, naramdaman ko ang pag hawak ni Caleb sa kamay ko, ngumiti ito sakin.

"May mai-tutulong ba ako sainyo?" Tanong nito habang akap-akap ang anak ko

"Gusto lang po namin kayo maka-usap"

"Ganon ba? halina't pumasok kayo, pag pasensyahan niyo na itong bahay namin" Sabat nito habang pa-pasok kami sa loob, kahoy ang kanilang bahay na i-pinag dugtong-dugtong, habang pa-pasok ako ay hindi ko maiwasan na pag masdan ang picture frame na nakalagay sa dingding nila.

"Si syrielle iyan, hija. Napaka ganda talaga nitong apo ko" Saad nito

"Ahmm, si Ms. Roana po ba?" Kumunot ang noo nito

"Nasa ospital, nag pa-pagaling ang anak ko dahil sa may sakit siya sa puso" Aniya

Nanlukot naman agad ang itsura ko. "Apo, doon ka muna sa labas mag laro ka muna, alam mo naman hindi--"

"Hindi dapat nakikisali o nakikinig ang mga batang katulad ko sa mga matatanda na importante ang pag u-usapan" Sabat agad nang anak ko, napangiti naman agad ako. Napaka ganda nang pag papalaki sa kaniya

Tumango naman ang matandang lalaki, kasaba'y ay iniwan kami nang anak ko, tanging tatlo nalang kami ang naiwan

"Gusto niyo ba ng maiinom?" Alok nito tangkang ta-tayo

"Hindi na po, salamat" Sabat ni Caleb

"Ano ba ang sadya niyo sa anak ko?"

"Ang totoo po kasi niyan..." Napayuko ako at parang pini-pigilan ang sarili, nakaka guilty na sila ang nag alaga tapos biglaan nalang naming kukunin.

"Anak po namin si Syrielle" Nanlumo ang mga mata nang matanda sa sinambit ko, umiwas ito nang tingin saamin, nabigla naman ako nang may inabot si Caleb na isang white envelope "DNA result"

Lumingon naman ako ka-agad, sinusubukang i-tanong kung paano siya nag karoon nang DNA.

Binuksan nito ang envelope, "Pasensya na kayo, wala akong ka-kayahan na mabasa ito o maintindihan manlang"

"Ngunit...Kukuhanin niyo na ba ang apo ko?"

"Hindi po, hindi po kami ganoon, gusto po muna namin ipa-intindi ka'y Syrielle ang lahat, alam ko po na may possibility na kamuhian niya kami"

"Hindi ganoon ang apo ko, hija. Napaka bait ni Syrielle maiintindihan niya kayo, hindi ko na rin ma-aalagaan ang batang iyon, ngunit mas maganda na alamin natin ang kagustuhan at pinipili niya"

Tumango naman ako pahiwatig nang pang sang-ayon. "Huwag ho kayong mag alala, hindi po muna namin sasabihin sa kaniya, pero sana hayaan niyo po kami na bumawi kahit sa maliit na bagay" Ani ko.

Tumango ito saakin, nag u-usap pa rin sila Caleb, ngunit ako ay lumabas at pinag masdan ang anak ko na nag la-laro. Lumapit ako sa kaniya

"Ilang taon kana?" Tanong ko, umupo ako upang mas makita ang magandang muka nito

"Mag apat na taong gulang na po" Saad niya, saba'y angat nang kaniyang daliri.

Tunawa naman ako dahil sa napaka giliw niya, "Nakita kita kanina, napaka galing mo na pala mag hugas nang plato, kanino mo natutunan iyon?"

Umikot ang paningin nito tila nag i-isip nang i-sasagot, "Ka'y lola, kaso wala na siya po eh"

"Ganon ba, hayaan mo andito na ako" Mahinhin kong hinimas ang buhok niya

"Kilala niyo po ba ako?"

"Oo naman ikaw ang an--" Bumuntong hininga ako

"Puwede mo ba akong tawaging mama?" Hiling ko, nag pipigil na huwag lumuha.

"Edi, dalawa na po mama ko non?" Saad nito, pakamot-kamot pa sa ulo

"Ako muna ang mama mo, habang wala pa ang isa mong mama, puwede ba ‘yon?"

"Okay po!" Masayang saad nito.

"Puwede ba kitang mayakap?" Seryosong tanong ko sa kaniya

"Hmmmm...Sige po"

Mahigpit kong niyakap ang anak ko, para akong nabuo ulit sa pag ka wasak, hindi ko na mapigilan ang luha ko.

"Bakit ka po iiyak?" Ngumu-ngusong tanong nito, natawa na lamang ako at pinunasan ang luha ko

"Masaya lang"

"Bakit ka po masaya?"

Kasi nakita na ulit kita, nahagkan, nahawakan, napag masdan. "Kasi may maganda akong kaharap ngayon, at ikaw 'yon" Mahinhin kong kinurot ang pisngi nito, tumawa naman siya nabigla ako nang siya na mismo ang nag punas nang luha na dumampi kanina sa pisngi ko

"Ang ganda po nang mama ko, ang ganda nang pangalawang mama ko" Bulong niya, may pakiramdam sakin nang hihinayang dahil ako ang pangalawa, hindi ang una.

"Calista?" Lumingon agad ako ka'y Caleb

"Sino po naman siya, papa ko po ba tawag ko?" Utal-utal na sambit nito

Tumango ako, nagulantang naman si Caleb at umupo sa gilid ko, hinimas nito ang buhok ni Syrielle, "You're so pretty, like her" Lumingon ito bigla sa direksyon ko

"Ako maganda? salamat po, pero asawa ka po ba ni mama?" Nabigla ito at marahang ngumiti, "Yes" He smirked.

"Edi papa tawag ko sa'yo po kasi wala akong papa isa lang papa ko puwede ikaw nalang po, kasi mama and papa happy family kaya lang ang una kong mama papagaling pa siya" Lumingon muli si Caleb sakin, marahan itong bumulong sa tainga ko, "Manang-mana sa'yo, madaldal" Ngumingising saad niya, kunyare ko namang tinapik ang balikat nito dahilan para ngumiti siya lalo

"Syrielle bukas pu-puntahan ka namin, puwede ba 'yon, saan mo gusto pumunta or may gusto ka bang bilhin?"

"Mas gusto ko na lang po na mag aral sa loob nang bahay at mag sulat at mag basa" Ngumiti naman si Caleb kaya bumulong ako.

"Kitams, may part din pala na minana si Syrielle sa'yo" Bulong ko

"Tu-turuan kita" Sambit ni Caleb.

"Talaga po? eh kaso wala na akong lapis" Ngumuso ito at yumuko

"Bibilhin natin ang bookstore, at ang tindahan ng school supplies, if you want. Silly" Sabat ni Caleb.

"Ako bibilhin kita ng mansion" Saad ko, pilit na huwag matawa.

"Calista.." Saway ni Caleb

"That's true, baby girl. Bibilhin ko lahat ng gusto mo, kung gusto mo ng building, i-bibigay ko sa'yo."

"Pero hindi ko po kailangan, ang kailangan ko po pag mamahal, ampon lang po kasi ako, ayaw saakin ng mama kong tunay ayaw sakin ng pamilya ko kasi iniwan nila ako" Nanlumo agad ang mata ko sa sinabi nito.

"No, baby girl. Alam mo sure ako, mahal na mahal ka nila, hindi lang basta mahal. Kasi handa silang gawin ang lahat para sa'yo"








Villanueva Series #2: Love's Fatal TwistWhere stories live. Discover now