CHAPTER 10: I Love You Goodbye

4 0 0
                                    

Nalaman ko sa kapatid ni Albert na magtuturo siya sa school kung saan siya nag- tapos ng college. Ok, isa lang ang ibig sabihin noon. Hindi na siya maglalagi sa Sta. Rosa.

Bakit kaya? Siguro boring ang negosyo nila kaya naisipang magturo. Tiyak, napakasungit niya sa mga studyante niya. Malimit ay nakasimangot kapag nakikita ko.

Hindi na yata kami magkakasundo pa, bagay na ikinalungkot ko. Hindi na rin siya gasinong nagtatambay sa canteen na mga tiya.

Hagang sa nakatapos na siya ng isang sem sa pagtuturo. At nabalitaan ko na hindi na ulit magtuturo. Ang gulo ng isip hindi malaman kung ano gagawin sa buhay niya.

Pero malimit siyang lumuluwas ng Maynila. Wala naman akong mapagtanungan kung ano ang ginagawa sa Maynila.

Hanggang isang araw ng lumuwas ulit siya ng Maynila. Matagal bago ko napuna na hindi pa pala siya nakakauwi. Buwan na ang lumipas pero walang Albert na dumating.

Hanggang marinig ko sa kapatid niya na nakakuha na raw ng trabaho si Albert, hummp, kaya pala hindi siya nauwi kasi naghanap siya ng trabaho.

Pero laking gulat ko na hindi pala sa Maynila nakakuha ng trabaho si Albert. Kung hindi sa America! Kelan pa siya umalis? Bakit hindi siya nagpaalam. Ganoon ba kalaki ang galit niya para umalis ng walang paalam.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr. Old FashionWhere stories live. Discover now