CHAPTER 7: Moment of Truth

1 0 0
                                    

Hindi ako makatulog, ano bang problema ngayon lang ulit ito nangyari sa akin. Ayoko ng maturukan ng kung anu- ano gamot at vitamins na kailangan ng dugo ko.

Humiga bumango wala akong ginawa buong magdamag. Naririnig ko na ang mga pampasaherong sasakyan. Senyales na mag- uumaga na, noon lang ako nakatamdam ng antok at nakatulog.

Nagising ako sa tawag at katok ng isa sa mga tindera ng tiya Alma. " Loraine, ipinagigising ka ni ate... kung wala ka daw klase ngayon, tanghali na." tanong nito sa akin.

" mamaya pa alas dos, pasabi sa tiya. Maya maya babangon na rin ako. Salamat sa paalaala. "

Muli akong umidlip ng kalahati pang oras. Saka ako bumangon, niligpit ko ang aking higaan at naligo. Saka ako uminom ng gamot para hindi sumakit ang aking ulo.

At sa ibabaw ng aking maliit na study table nakapatong ang teddy bear na bigay ni Albert. Totoo pala at hindi ilusyon ang nangyari ng nagdaang gabi.

Bakit kaya niya ako binigyan nito. Ano bang tingin niya sa akin, bata?

Pagkababa ko agad akong kumain, at umalis. Dahil late na ako para sa unang klase ko. Malamang mahihirapan akong magpalusot sa instructor ko nito. Pero kailangan kong pumasok.

Halos mag aalas dyes ng gabi ng matapos ang huling klase ko. Kaya pandalas ako sa pag uwi plus gutom na gutom na ako. At sigurado sarado ng ang canteen ni tiya Alma.

Kaya sa likod na ako nagdaan. Bahagyang nakaawang lang ang pinto. Bubuksan ko na sana ng marinig ko ang dalawang taong nag uusap.

At ako ang pinag- uusapan nila... teka! Nakinig akong mabuti. Eto lang ang malinaw kong narinig.

" hayaan mo munang makatapos ng pag- aaral si Loraine ng hindi naman siya maging alangan sa pamilya mo." Tinig ng aking ama.

Si Albert nagpapaalam sa aking ama, para manligaw! Hala! Parang siguradong sigurado sila sa pinag-uusapan nila ah!

Hindi tuloy ako makapasok, naiilang ako sa sitwasyon. Kaya lang wala naman akong ibang dadaanan kundi sa pintuang ito lang! Kung pwede lang mahati ang katawan ko at tubuan ako ng pakpak! Makakadaan ako sa bintana!

Parang nawala ang gutom ko, pano ba ako papasok na hindi nila mahahalatang may narinig ako sa pinag- usapan nila. Eh nakakainis gutom at pagod na rin ako, bahala na!

Bahala silang dalawa sa buhay nila basta ako gutom ako, ang mang- inis titinidurin ko sa leeg!

Pero nahihiya talaga ako! Nag- ipon ako ng hangin sa dibdib ko sabay pakawala sa hangin, binuksan ko ang pinto. Sabay silang napatingin sa akin, at sabay din silang nagtanong... " kanina ka pa ba dyan!"

" anong problema n'yo?! Kailangan talagang sabay magtanong?! Wag ninyo akong aasarin, pagod ako at gutom! Patulan ko kayo. "

Sabay dampot ko ng plato at sumandok ng kanin at ulam. Dinaan ko sa kain ang lahat, ng hindi maghinala ang dalawa sa mga narinig ko.

"Lakas mo kumain, daig mo pa ang lalaki ah!" Sabi ni Albert.

" tigil- tigilan mo nga ako ng iyong pambubuska!... magaling pa magditulog na kayo! Mukhang nakarami na kayo ng naiinom!" Sagot kong nakatalikod habang naglilinis ng pinagkainan ko.

Agad din akong umakyat mahirap
magkunwaring normal, sa mga narinig ko.

Kilig much talaga ako, paulit- ulit sa utak ko. Ako?! Gusto ni Albert at kay tatay pa niya inamin. Yung realidad na yun ang lalong nagpapakilig sa akin.

Ano kaya nagustuhan niya sa akin? Sa totoo lang hindi ako maganda, kulang pa sa height! Mataray, hindi ako marunong mag- ayos ng sarili. Pagnakaligo ako ni lotion hindi kilala ng balat ko.

Ang buhok ko nga basta ko na lang pinupuyod, kapag wala akong mahahilap ng pamuyod kahit rubber band na iba iba ang kulay ok na.

Hirap ka na nga makatulog ng gabi, maaga ka pang gigising. Marami nga pala akong gagawin sa school. Pero iba ang araw na ito, masigla akong kumilos at inspired.

Bakit kaya hindi ko napansin agad yun sa kanya. Ganoon ba ako kamanhid para hindi ako makahalata?!

Napaka imposible naman kasi, ang dami- dami kayang magagandang babae sa mundo! Mga may aral, yung kasing edad niya. Bakit ako?!

Mga tanong na buong maghapon nagpabalik balik sa isipan ko. Kaya naman, ayun ang mga gawain ko di matapos tapos. Hmmp.. nakapasok pa hindi rin naman pala ako makakagawa ng project ko.

Umuwi akong puno ng kaba, pano ko haharapin sina tatay at Albert na hindi sila makakahalatang may alam ako.


Mr. Old FashionOn viuen les histories. Descobreix ara