CHAPTER 5: Left Behind

7 0 0
                                    


Naging sobra akong tutok sa pag-aaral, hindi ko na namalayan kay bilis na palang lumipas ng panahon. Hindi ko na rin napansing may katagalan ko na rin hindi nakikita si Albert.

Siguro ay abala sa lupa nila sa Pagsanjan, marami kasing gawain doon na kailangan ng magbabantay. Tulad ng patanim nila ng palay o di kaya ay sa panahon ng pag- aani nito.

Marami akong di alam sa kanilang pinagkakaabalahan, lalo na sa usaping negosyo. Sa mura kong isipan, wala akong pakialam doon. Yung iba kong alam medyo pahapyaw ko lang naririnig sa kanilang usapan.

Nakakamiss yung pagtawag tawag niya. Wala naman akong lakas ng loob na magtanong kung nasan si Albert, baka makahalata sila. Mahirap na!

Yun linggo naging buwan na, hindi ko pa rin siya nakikita. Aah, ok na rin yun walang gasinong asungot sa buhay ko.

Siya nga pala sabi nga pala ni Tope birthday niya sa susunod na Lunes may konte daw salo salo. Ako daw ang nag iisang bisita niya, kaya nakakahiyang hindi ako pumunta.

Kaya dapat makapagpaalam ako ng maaga. Pero hindi inaasahan na sumama si Tope sa bahay upang ipagpaalam ako. Alam ko namang papayagan ako lalo pa at ipinagpaalam ako ng pupuntahan ko.

Kaya ayon ang Tope napagkamalang manliligaw ko. Ako ang nahihiya pero kay Tope parang ok lang ang tuksuhan ng mga tao sa bahay. Parang normal lang sa kanya ang ganun bagay.

Nasa ganun kaming situwasyon ng biglang may nagsalita.

" Kibata bata pa'y pagbo boyfriend na ang inuuna, hindi pag- aaral ang atupagin!" Malakas at may diin ang paraan niya ng pagsasalita.

Nagulat ako kahit nakatalikod ako at hindi ko nakikita ang nagsalita alam ko si Albert yun. Hindi ako maaring magkamali. Kaya dahan dahan akong lumingon sa pinagmulan ng tinig.

Si Albert nga at nakatingin siya sa akin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit. Bakit? Bakit naman siya magagalit? Aahh! Hindi ko naman siya tatay at lalong hindi niya ako scholar!

Siguro imagination ko lang yung nakita kong galit sa mga mata niya. Sanay na akong laging parang pasigaw kung magsalita siya lalo na at nakikipabiruan.

" Loraine hindi na ako magtatagal, may gagawin pa ako sa bahay. Nagpaalam lang ako kina papa na ipagpapaalam lang kita. Ah! Tita aalis na po ako salamat po sa pagpayag ninyo." Paalam ni Tope

Hinatid ko siya hanggang sa harap ng tindahan. " sige sa Monday na lang uli." Sabi ni Tope

" sa Monday! ingat, salamat ha!" Tugon ko sa kanya.

Nagsibalik na sa kanya kanyang gawain ang mga tindera. Kaya wala ng tao sa mesang pinagpatungan ko ng gamit. Kumuha ako ng maiinom at muling bumalik sa mesa.

Nang may makita akong catalog ng desenyo ng mga alahas. Ang gagarbo at nakakalula ang nga brilyante at dyamanting nakalagay sa mga hikaw at singsing.

Libang na libang ako sa panunood ng bawat pahina ng catalog di ko namalayan nasa tabi ko na si Albert. At nakatingin din siya sa tinitingnan ko.

" hindi ka mabibilhan ng boyfriend mo niyan! Pag- aaral muna unahin mo, ng ang makuha mong boyfriend kaya kang bigyan ng ganyan!" Biglang sabi ni Albert.

" ano ka ba basta basta ka na lang nasulpot! Hindi ko naman kailangan ang mga ganito yung mamahalin lang ako ok na!" Sabay tayo ko at umakyat na para magpalit ng pambahay.

Mula noong araw na yun hindi ko na muling nakita si Albert. Wala naman akong matanong, kasi baka makahalata sila na may crush ako dito.

Mahirap na maging tampulan ng tukso sa bahay namin, narito pa naman ang malalakas ang pang asar na tao. Isama pa si bakulaw na sa awa ng langit hindi na rin kami nagkakabanggaa.

At malimit yung jeep ng kuya Carlos ay naaarkila para sa mga outing. Isa yun sa dahilan kung bakit laging wala ang mga makukulit dito sa bahay nitong mga huling araw.

At ako naman tuloy ang buhay estudyante. Palibhasa marami akong kaibigan at abala ako sa school activity. Wala na akong nakikita sa mga bagay bagay sa paligid ko.

Parang buhay mo yan bahala ka basta nasunod sa mga rules sa bahay walang pagkakaguluhan.

Mr. Old FashionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt