CHAPTER 6: MISSING YOU

5 0 0
                                    

  Makalipas ang tatlong taon, eto college na ako. Bachelor of Science in Civil Engineering section 1 am session, nanay ko puro math! Ok lang ba ako, mukhang napasubo ako ah!

  Buti naman at wala pa ang instr. ng huling subject makakapahinga na ang utak ko, na sa unang araw ng pasok napagdikdik ng numero ang utak ko!

  Bakit ba kailangang araw araw bitbitin ang T-square na 'to. Halos sing laki ko na ito, kaya nakakapagod dalhin.

  Pagdting ko ng bahay... " aba! Totoo ba itong nakikita ko si Albert nasa harap ng bahay nakatambay!" Sabi ko sa sarili ko. Kaya dalidali ako sa paghakbang. Mas lalo siyang pumuti at ang gwapo niya lalo.

  " bakit hindi ka na naka uniform, pumasok ka ba?" Sa lubong niyang tanong sa akin.

  " oo ah, wala ng uniform ang college." Sagot ko sa kanya.

"College ka na ba? Aba oo nga ano?! Bilis talaga ng panahon, pero hindi ka na talaga lumaki!" Pahabol pa nito.

  " tsee!  Hump, dyan ka na nga!" Sabay talikod ko.

  Hinawakan niya ako sa braso " sandali, hindi mo man lang ba ako kukumustahin?"

  " bakit naman kita kukumustahin, ano bang nangyari sayo?!" Tanong kong nalilito.

  " wala kang alam? Na nagtrabaho ako abroad." Sabi nito

  " nag abroad  ka kaya pala bigla kang naglaho!" Gulat kong sabi sa kanya.

  Kaya pala ang tagal niyang nawala. Yun pala nasa ibang bansa siya. Ganun ba kasekreto ang mga tao dito at ni minsan hindi ko nalaman na nasa abroad siya. O talaga lang na hindi ako intiresadong alamin kung nasaan siya.

  O ayaw ko lang aminin ang katotohanan na nilibang ko ang aking sarili at hindi ako nagpatalo sa lungkot. Sa nga panahon na nawala siya, sa mga katanungang sa isip ko lang nagawa.

  Na sa aking puso ay naroon ang hinanakit, sa biglaan niyang pagkawala. Na umasa akong sa bawat pag- alis niya, handa siyang magpaalam. Tulad ng mga ginagawa niya na aking nakasanayan.

  Sa aking isip ay para na rin niyang ipinamukha, na hindi ako mahalaga. Para magpaalam o ipaalam ang kanyang mga balak o gagawin.

  Ito ang katotohanan kaya hindi na ako nagkaroon ng interest pa na alamin kung nasaan siya ng mga panahong iyon.

  At ngayon heto siya sa harapan ko upang itanong sa akin, kung hindi ko ba siya kukumustahin? Hummp!... kumustahin niya ang lelang niyang panot!

  Batukan ko kaya ito ng ubod ng lakas, tapos itanong ko sa kanya kung masakit?!

  At kung isasagot niya sa akin eh.. " maskit" !

  Sasagutin ko naman siya ng " ok lang yan hindi ko naman ramdam!"

  " ano na!.. bakit nakatayo ka lang dyan at nakatingin sa akin. Hindi mo ba ako kukumustahin?" Malakas niyang sabi sabay tapik sa aking balikat.

  At sino naman kaya sa palagay ninyo ang hindi babalik sa present, sa lakas ng pagtapik niya sa akin, kulang nalang ay magtalsikan mga dala ko!

  " umm...sa lakas mong tumapik mukha ka namang walang sakit. Bakit pa kita kukumustahin, aalis alis ka tapos...." Padabog akong kumilos palayo muntik na akong nadulas sa sasabihin ko buti nalang nakapag isip ako.

  Nahalata kaya niya ako, sa aking mga kilos? Sana ay hindi... hindi na lang muna ako maglalalabas ng hindi kami magkakrus ng landas mahirap na.

  Kaya lahat ng gawain ko sa school sa taas ko na lang ginawa. Kahit hirap akong magdrawing ng walang malapad na lamesa. Ok na ang ganito kesa makipag- usap kay Albert.

  Wala na pala akong susuoting pantalon sa susunod na araw, lahat ay nasa marumihan. Ilang araw na bang hindi dumadating ang maglalaba? Kainis naman tulog na ang lahat, sa likod pa naman ang labahan.

  Mukhang wala na ngang katao tao, patay na ang mga ilaw. Dahan dahan akong lumabas patungo sa labahan. Nang makuha ko na ang palanggana saka ako nagsindi ng kandila.

  Walang makakatanaw ng liwanag nito taklob ng nakaparadang jeep ni kuya Carlos ang kinatatayuan ko. Nasa kasarapan na ako ng pagkukuskos ng aking pantalon, ng biglang may dumungaw at nagsalita sa bintana ng jeep.

" bakit kung kelang gabi at wala ng tao saka ka naglalaba!" 

  " inay ko pooo!" Sigaw ko sa sobrang gulat ko. " ano ka ba Berta?.. balak mo ba akong patayin sa takot!"  Tanong ko sa kanya.

  Ano kayang ginagawa ng taong ito  dito? " bakit hindi sa umaga ka maglaba? " muli nitong tanong sa akin. " hindi ka yata naglalalabas nitong mga nagdaang araw? "  patuloy pa niyang tanong.

  " marami akong ginagawa." Matipid kong sagot dito.

  " para sa'yo pasalubong ko, ngayon ko lang naiabot kasi lagi kang nasa taas." Sabay abot niya ng chocolate at isang di naman kalakihang teddy bear na may lasong lilak sa leeg nito.

  Kahit aandap andap ang liwanag ng kandila. Kita ko ang magandang kulay ng teddy bear. Tinanggap ko ito at ako'y nagpasalamat.
 

 

 

Mr. Old FashionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora