3.XIV: After Dawn

35 1 0
                                    

Halos nanghihina na ang mga magkakaklase dahil sa paulit-ulit na pagkuryente sa kanila ng lider ng grupong dumukot sa kanila.

"Nakakabagot na 'to. Ano pa bang puwede kong gawin sa mga 'to bukod sa pagkuryente ko sa kanila?" sambit nito habang nakapalumbaba sa kinauupuan nito.

Matapos ng sandaling katahimikan ay nagsalita muli 'yong lider.

"Alam ko na. Flare Gun," sambit nito pagkatapos ay lumitaw ang divine artillery sa kamay nito. Isang revolver na gawa sa pilak.

Napaiktad ang magkakaklase nang bigla nitong pagbabarilin ang parte ng sahig na kaharap nila. Pagkatapos no'n ay sumiklab ang apoy sa parteng 'yon ng sahig.

"Para naman hindi tayo mabagot, kailangan natin ng aliw, hindi ba? Ngayon Section X, kung gusto niyong pakawalan namin kayo, gagawin niyo ang sasabihin ko. Gusto kong sumayaw kayo sa ibabaw ng apoy na 'to. At kapag nasiyahan ako sa inyong pagsayaw, pakakawalan ko kayo. Simple, hindi ba?" saad nito sabay halakhak.

"Ngayon, sino kayang uunahin ko sa inyo?" dagdag pa nito sabay lakad paikot sa mga magkaklase na magkakasamang nakaupo sa sahig.

Mayamaya ay huminto siya sa paglalakad. "Ikaw!"

"Kunin niyo 'to at pasayawin sa apoy!" utos ng lider.

Pagkatapos ay may dalawang lalaki na lumapit kay Hecate at dinampot siya sa kanyang mga braso.

"Bitiwan niyo 'ko!" reklamo ni Hecate habang pumipiglas.

May isang nagtanggal ng lubid sa kanyang mga paa habang ang kanyang mga kamay ay nakatali pa rin sa bandang likod. Pagkatapos ay iniharap nila si Hecate sa nag-aapoy na parte ng sahig.

"Hecate!" sabay-sabay na sigaw ng kanyang mga kasama.

"Sumayaw ka sa ibabaw ng apoy na 'yan. Galingan mo dahil diyan nakasalalay ang kalayaan at kaligtasan mo," saad no'ng lider sabay tawa.

Hindi naman gumagalaw si Hecate mula sa kanyang kinatatayuan.

"Ano pang hinihintay mo? Nagmamatigas ka?"

Pinatunog muli no'ng lider ang bell kaya't dumaloy na naman ang mataas na boltahe ng kuryente sa buong katawan ni Hecate dahilan ng pag-alingawngaw ng kanyang daing sa buong silid.

"Hecate!"

"Tigilan mo na si Hecate. Ako na lang ang unahin mo!" bulyaw bigla ni Caelius.

Humalakhak 'yong lider. "Aba, may gusto pa lang magpakabayani rito. Hindi puwede! Siya ang gusto kong mauna at ako ang masusunod. Maghintay ka na lang diyan dahil isusunod na kita!"

Halos manghina at manlambot si Hecate matapos ng pagkuryente sa kanya.

"Ano? Magmamatigas ka pa rin ba?"

Nilapitan si Hecate no'ng lider at marahas na hinila ang kanyang buhok.

"Baka gusto mong ako na mismo ang magtulak sa'yo sa apoy na 'yan?" banta nito.

"Boss, kung damit na lang kaya niya ang sunugin natin?" sabad bigla ng isa nilang kasamahan.

Napangisi 'yong lider sabay tawa. "Aba, magandang ideya 'yan."

"Sigurado akong may itinatago kang kagandahan diyan sa ilalim ng damit mo," sambit no'ng lider sabay tawa.

Itinapat no'ng lider ang kanyang pilak na revolver kay Hecate at nagsindi ito ng apoy. Dahan-dahang inilalapit no'ng lider sa damit ni Hecate ang apoy mula sa kanyang revolver.

Mayamaya lang ay biglang bumukas ang pinto kaya't napahinto ang lahat at natuon ang kanilang atensyon mula sa biglang dumating.

"Ms. Reiss! Kamahalan!"

Underworld University: The Forsaken PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon