3.VI: Grudge

49 0 0
                                    

"Class, before we dismiss, I just want to inform you that the annual battle exams will be held next month. So, be prepared."

Napasinghap at ang iba ay napanganga sa naging anunsyo na 'yon ng adviser ng Class 1-A.

Ang annual battle exams ay ginagawa taon-taon kung saan sinusukat ang husay at kakayahan ng bawat estudyante sa university at ang maglalaban-laban sa mga ito ay ang magkakaklase.

"Annual battle exams na!"

"Next month pa naman. May mahigit isang buwan pa tayo para mag-training."

Bulungan ng ibang magkakaklase.

"Kung maglalaban-laban tayong lahat sa annual battle exams, ibig sabihin posibleng makalaban kita," nakangising sambit ni Xielo kay Caelius na nakaupo lang sa bandang likod niya.

"Mukhang gano'n na nga," tugon naman ni Caelius.

"Tingin mo, sinong mananalo sa'ting dalawa?"

Suminghal si Caelius. "Tingnan na lang natin."

"Sandali, ibig sabihin lang din nito, posible rin nating makalaban sina Karina."

Natigilan ang dalawa nang mapagtanto nila 'yon. Pagkatapos ay isa-isa nilang sinilayan ng tingin sina Karina, Ayana, Alana, Hecate, at Lucian.

"Sabi nila, mas malalakas daw ang kapangyarihang taglay ng Artillery of God."

"Oo nga. Pero kung gano'n man, sana exempted na lang sila at huwag na silang lumaban pa."

"Oo nga. Unfair naman kasi 'yon para sa'tin."

Bulungan muli ng magkakaklase na narinig din mismo ng mga vessel ngunit hindi lang nila ito pinansin.

Naisip naman ni Hecate na magandang pagkakataon iyon upang kalabanin muli si Lucian at ang tanging nasa isip niya ay ang matalo ito.

Magkaklase sina Hecate at Lucian mula first year sa junior high. Palagi silang nagpapalitan ng rank sa tuwing matatapos ang quarter, o kaya naman sa ranking nila sa activities at class lessons. Minsan pa nga ay nagiging tie din sila.

Gaya na lang no'ng gr-um-aduate sila ng junior high. Nag-tie sila sa first place sa mga nagtapos at hindi 'yon matanggap ni Hecate.

Simula no'ng araw na 'yon, isinumpa niyang matatalo niya si Lucian sa ranking hanggang sa gr-um-aduate sila ng high school.

Hindi kami puwedeng maging exempted. Hindi ko matatalo si Lucian pag nagkataon.

Bulong ni Hecate sa kanyang isip habang nakapalumbaba siya sa kanyang mesa, pagkatapos ay bumuntonghininga rin siya.

"Excuse me."

Natahimik ang buong klase at napunta ang atensyon nila sa teacher na biglang lumitaw sa kanilang pintuan.

"Ipinatatawag ang vessels ng Artillery of God sa greenhouse dome."

Napunta naman sa kanila ang atensyon ng buong klase habang tumatayo sila mula sa kanilang mga upuan hanggang sa maglakad sila palabas ng classroom.

--

Nasa study area na sa greenhouse dome ang Section X at tahimik lang sila habang hinihintay ang kanilang adviser na si Ms. Reiss.

Ngunit ilang sandali lang ay dumating na rin ito. Sabay-sabay naman silang tumayo upang batiin ito.

"Good morning, Ms. Reiss."

Sinenyasan sila nito na maupo na at sabay-sabay nilang sinunod ito.

"Siguro naman alam niyo na ang tungkol sa nalalapit na annual battle exams?" panimula ni Veronica.

Underworld University: The Forsaken PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon