3.XII: Prelude

32 0 1
                                    

Naglalakad si Lucian sa central campus ng university papasok sa kanyang klase ngunit mayamaya lang ay napansin niya si Ayana na tila kumukuha ng larawan gamit ang camera.

Kumukuha siya ng larawan sa hardin na malapit sa clock tower.

"Ayana."

Halos mapalundag naman si Ayana nang may tumawag sa kanya at tila nangningning ang kanyang mga mata nang makita niyang si Lucian ito.

"Oh, Lucian."

Napansin ni Ayana na tumingin si Lucian sa hawak niyang camera.

"Ah, mahilig din akong kumuha ng pictures pag may libre akong oras," aniya.

"Puwede ko bang makita kung anong klaseng camera 'yang gamit mo?"

"Ah, oo naman."

Agad na inabot ni Ayana ang camera niya kay Lucian.

Isa itong vintage polaroid camera. Gawa sa bakal at kahoy ang kabuuan nito na kulay itim at brown. Sinipat ni Lucian ang buong camera at may kabigatan din ito. Sumilip din siya sa lens nito habang tumitingin sa paligid.

"Ayos 'to," komento ni Lucian.

"Uhm, mahilig ka rin ba sa ganyan?"

"Medyo. May tatlong klase rin akong camera na pagmamay-ari ko. At ang isa ro'n ay galing pa sa mundo ng mga tao. Digital camera ang tawag nila ro'n kung hindi ako nagkakamali."

Napaangat ng kilay si Ayana. "Wow. Talaga? P-puwede ko bang makita 'yong digital camera na sinasabi mo?"

"Oo naman. Maaari ko 'yong dalhin bukas."

Ngumiti nang malapad si Ayana. "Talaga? Salamat."

Napansin naman ni Lucian ang mga polaroid photo na hawak ni Ayana.

"Iyan ba ang mga larawang nakuha mo?"

"Ah, oo," sagot niya sabay abot din kay Lucian ng mga ito.

Tiningnan isa-isa ni Lucian ang mga polaroid photo na inabot sa kanya ni Ayana. Kalimitan sa mga ito ay mga bulaklak at gusali.

Naisip ni Lucian na tingnan ang likod ng mga larawan at tila pamilyar sa kanya ang hitsura ng likod ng mga larawan.

Kulay puti ang mga ito ngunit may tatak ng brand ng camera at petsa kung kailan kinunan ang larawan. Pamilyar ito dahil parang ganito rin ang hitsura ng mga larawan nila ni Hecate na ipinadala sa palasyo noon.

"Ayana."

"Hmm?"

"Alam mo bang rare item ang ganitong klaseng camera? Mahirap na maghanap ng ganito sa ngayon."

"Gano'n ba? Regalo lang sa'kin 'yan ni Ada Heather no'ng kaarawan ko tatlong taon nang nakararaan."

Tumango-tango lang si Lucian bilang tugon.

"Ngunit nakamamanghang malaman na rare item pala ang camera na 'yan."

Ningitian lamang ni Lucian si Ayana.

"Teka, papunta ka na ba sa klase? G-gusto mo, sabay na tayo?" alok ni Ayana.

Sasagot na sana si Lucian nang bigla niyang mapansin si Hecate na dumaan.

"Mauna na ako," sagot ni Lucian.

Pagkatapos ay agad siyang naglakad patungo kay Hecate at iniwan na lamang si Ayana na nag-iisa sa tapat ng hardin.

"Mag-isa ka yata."

Agad na bumusangot ang mukha ni Hecate nang marinig niya ang tinig ni Lucian.

"Ano naman sa'yo? Dapat ba palagi akong may kasama?"

Underworld University: The Forsaken PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon