3.XIII: Abducted

28 0 0
                                    

Kalaliman na rin ng gabi at nababalot ng kadiliman ang buong apartment ni Veronica habang siya ay gising pa at nakatayo sa harap ng kanyang glass wall, suot ang kanyang puting nightgown.

Mayamaya ay biglang sumulpot si Jerahmiel mula sa dilim at niyakap siya mula sa likod.

"Hindi ka pa natutulog? Maaga kayong papasok ng mga bata bukas," ani Jerahmiel.

"Iniisip ko lang 'yong pinag-usapan namin ni Hecate kanina."

Nakuha nito ang interes ni Jerahmiel kaya't hinawakan niya si Veronica sa mga braso nito at dahan-dahan siyang ipinihit paharap sa kanya.

"Ano naman 'yon?" usisa ni Jerahmiel sa asawa.

Bumuntonghininga si Veronica. "Tinanong niya ako kung kilala ko raw nang personal si Queen Melinoe."

"Talaga? Anong sinabi mo?"

"Syempre, hindi ko maaaring sabihin ang totoo na ako talaga 'yon at ang tunay niyang ina. Kaya't sinabi ko na lang sa kanya na isang beses ko lang nakilala ang dating reyna dahil tinulungan niya 'yong ground kung saan ako nakatira dati noong isa pa akong fairy," paliwanag ni Veronica sabay singhal nang pagak.

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, mahal ko," tugon ni Jerahmiel sabay yakap muli sa kanyang asawa.

"Masakit lang isipin na napakalapit na sa'kin ng ating anak ngunit pakiramdam ko ay malayo pa rin siya dahil lang hindi ko pa maaaring aminin sa kanya ang totoo."

"Iyon lang muna ang magagawa natin sa ngayon. Ang mahalaga, may pagkakataon kang makita at makasama si Hecate," ani Jerahmiel habang marahang hinahaplos ang likod ni Veronica.

Dahan-dahan namang tumango si Veronica sabay yupyop sa balikat ng kanyang asawa at hinigpitan pa niya ang pagkakayakap dito.

--

Samantala sa Underworld University, ang Section X students sa mga dorm room nila ay gising pa. Iba-iba man sila ng dahilan kung bakit sila ay hindi pa tulog, ngunit pare-pareho sila ng kanilang nararamdaman para sa gagawin nila bukas.

Si Hecate ay naghahanda ng mga gamit na kanyang dadalhin. Ang sabi ni Veronica, maaaring umabot sila ro'n ng isang linggo kaya't iniisip niyang mabuti ang mga importanteng bagay na dapat niyang dalhin na kakailanganin niya sa loob ng isang linggo na magkakasya sa backpack na kanyang dadalhin.

"Ekstrang damit at uniform. Mga gamit panligo. First aid kit," bulong ni Hecate habang hinahanda ang mga ito sa kanyang kama.

"Hmm, ano pa kaya?"

Napaiktad naman si Hecate nang may bigla siyang narinig na kaluskos mula sa kanyang bintana. Napakunot ang kanyang noo habang lumilinga at nakatingin sa kanyang bintana.

Sa silid naman ni Karina, ganoon din ang kanyang ginagawa habang nagpapatugtog naman ng classical music sa kanyang vinyl record player.

Napahinto naman siya nang bigla siyang may naramdamang kakaiba mula sa bintana ng kanyang silid. Kaya naman pinatay muna niya ang vinyl record player upang pakiramdaman nang mabuti ang kanyang paligid.

Si Xielo naman sa kanyang silid ay nagbabasa ng libro habang nagpapatugtog rin sa kanyang vinyl record player at kumakain ng chocolate chip cookies at isinasawsaw niya 'yon sa baso ng fresh milk.

Nakakalat lang ang mga gamit sa kanyang kama dahil inihinto na naman niya ang kanyang ginagawa at nawili na naman siya sa pagbabasa.

May narinig din siyang kaluskos sa kanyang bintana. Noong una ay binalewala niya ito dahil tingin niya ay lumakas lang ang hangin.

Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay hindi na niya napigilang usisain ito kaya't ibinaba niya muna ang librong binabasa niya at hininaan ang kanyang tugtog.

Underworld University: The Forsaken PrincessWhere stories live. Discover now