"Are you excited, hmm?" Tanong ni Theros sa anak ko noong nasa sasakyan na niya kami at kinakabitan na rin niya ng seat belt ang anak ko.





Malapad ang ngiti at sunod sunod na tumango si Thalia. "Opo!"





Napatawa si Theros at hinalikan si Thalia sa noo bago isara ang pinto sa back seat. Ako naman ngayon ang nilingon niya, nakangiti pa rin. Kaya napangiti na lang din ulit ako.




"How about you, love?" Tanong niya kasabay ng pagpulupot ng braso niya sa bewang ko bago pagbuksan ng pinto sa passenger seat.





Tumango ako. "Excited na medyo kinakabahan. Tagal na rin noong huli kong punta sa Batangas e,"





Iginiya niya ako papasok at kinabitan na rin ng seat belt bago nagsalita. "Do you plan to visit your parents?" Tanong niya habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok ko.





Nagbaba ako ng tingin at pinaglaruan ang mga daliri. "Hindi ko alam e,"





Ang nasa isip ko lang noong banggitin ko kay Theros ang tungkol sa request ni Thalia ay yung makaligo at makapasyal man lang ang anak ko na hindi niya nagagawa noon. Yun lang. Gusto ko lang maging masaya at makitang malaya ang anak ko na gawin ang gusto niya.





Pero ngayong binanggit ni Theros ang tungkol sa pamilya ko. Ngayon ko lang din naisip kung bibisitahin ko ba sila.....o hindi.





Matagal na panahon na ang lumipas simula noong umalis ako sa puder ng pamilya ko. Ilang taon na nga ba ang nakalipas? Lima? Anim? Basta ang naalala ko lang, umalis ako roon na may lamang bata ang tiyan at pumirmi rito sa Manila.





Matagal na panahon ko rin ibinaon ang naging huling pag uusap namin ng pamilya ko. Hindi naging maganda ang huling pag uusap namin, kaya ngayong babalik ako sa lugar kung saan ako lumaki at nagkamuwang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.






Batangas yun. Isa pa ay medyo malapit lang ang beach resort na pupuntahan namin sa tinitirhan ng mga magulang ko.





Ang huli kong balita sa kanila ay yung sinabi sa akin ni Leanna na may maayos na raw na trabaho ang panganay kong kapatid na lalaki at nakakaraos na rin sila kahit papaano.





Hindi ako sigurado pero may posibilidad na magkita kita kami. Malapit lang naman kasi ang beach resort na yun kaya hindi imposible na baka pumunta rin sila roon. Mainit ang panahon ngayon kaya hindi imposible.






Kung magkikita kita kami ay hindi ko rin alam kung paano ko sila pakikitunguhan o haharapin. Ilang taon na wala kaming koneksyon sa isa't isa, at ang makaharap sila matapos ang ilang taon ay hindi ko alam ang dapat na gawin.






Napalingon ako nang maramdaman ko ang isang kamay na hinawakan ang kamay ko. Nasalubong ng mga mata ko ang berdeng mga mata ni Theros na puno ng lambing na nakatingin sa akin.






"Relax, love. Hindi mo kailangang ma-pressure sa kakaisip kung paano sila haharapin once you saw each other. If you're not comfortable, just turn your back, okay? You can face them when you feel comfortable. Do you understand?"





Sa halip na sumagot sa sinabi niya ay napatitig lang ako sa kanya at napangiti. Kumunot naman ang noo niya.






"Why?"





"Ang gwapo mo pala kapag nagtatagalog,"





Napa awang ang bibig niya. Lumagitik ang dila niya at nag iwas ng tingin. Natawa ako nang pagsaraduhan niya ako ng pinto at naglakad paikot sa driver seat.






Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ